Gusto na po manganak.
Hi po mga mamsh, 35 weeks na po ako. As per my OB, full term na daw si baby at medyo mataas na timbang, 2.7kilo na. Pwede na po ba akong manganak? Ano ano po ba pwede ko gawin para manganak na, hirap na hirap na kasi ako, gusto ko na makaraos ? nakaposition naman na daw si baby at good candidate na daw po ako for normal delivery.
normally po mga 38 weeks talaga nanganganak. masyado pong maaga kung 35 weeks pero pwede narin naman po kung lalabas na. lakad ka lang po ng lakad then inom ka po ng pineapple juice or kain ka po ng pineapple para mapalambot cervix mo and try to do squatting
Preterm pa po ang 35 weeks.. Ang term po is around 37 weeks po mommy.. Baka pag pinilit niyong ilabas si baby magkaroon po siya ng complications dahil hindi pa fully developed ang lungs niya.. Konting tiis na lang po mommy.. makakaraos din po kayo😊
parehas po tayong 35 weeks n po pero wala pa pong sinasabi ang doctor ko po na full term na po ako. . 37 weeks po pwede n po tayo manganak konting intay n lng po. . good luck po sa atin. . mabigat din po baby ko 3 kilo n po at nakapwesto n din po. .
Hi mamsh, ask ko lang kung hm pelvic utz mo?
Sino po ob nyo? Pre term po ang 35 weeks. Ako nga nanganak 36 weeks, pre term pa din eh. Wag po kayo magmadali. Much better 38 weeks pataas lumabas si baby para walang maging problema. Di po kayo magdedecide kung kailan kayo manganganak.
37 weeks po ang full term. Minsan p nga po ung 37 weeks is ndi p gnun kalakas ung lungs ni baby. Tsaka na kay baby na dn po yan kung gusto n nyang lumabas lalo sabi mo candidate for ND hihintayin mo p dn po maglabor kung gusto mo ng ND.
Clarify ko lang po although gusto nyo ng manganak, ndi pa po full term ang 35 weeks, 37 weeks po ang full term. F manganganak na po kayo, chances are premature pa po lungs ni baby. Konteng kembot nlng po yan tiyagain nyo nlng po.
Mas maganda kung full term, nanganak ako 34 weeks si baby, nakalabas na ko sa hospital hangang ngaun nasa hospital pa din baby ko, 2 kilos lang siya. Nakakaingit yung mga buntis na napapaabot ng 37-40 weeks ang tiyan.
35 weeks si baby nung pinanganak ko. 2.5kg sya. Okay naman. Hindi din sya nilagay sa incubator. Di rin ako tinurukan ng lungs booster. Nag lakad ako ng naglakad. Super bilis ng labor ko at nailabas ko agad si baby :)
Baka nagkamali lang sa bilang kaya 35 weeks tas full term na. Ang considered full term kasi yung plus or minus 2 weeks sa 40 weeks so dapat 38 weeks ang full term. Baka mali ng nasabi na LMP kaya ganyan ang bilang
haha dpo kmi mkakasagot kung kelan gusto lumabas ni baby pero kailngan po 37 weeks pra walang mging problema.. pero if lalabas nayan kung ayon sa OB eh pde na.. then wait for the contractions momsh..Goodluck
Mommy of 1 naughty superhero