37weeks/8months

First time ko po magkaka baby💝 ask ko lang po if pagtapos po ba manganak araw araw po ba papaliguan si baby? then if normal delivery po pwede parin po ba maligo pagkatapos manganak? sabi kasi nung iba 1 or 2 weeks di pwede maligo kasi mabibinat daw po or magkakadeperensya daw sa isip. 🤔

12 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hi Mommy, nung ako kay baby punas punas lang hanggang sa maalis yung umbilical stump. Yung hair niya lang ang araw araw kong shinashampoo. Pagka alis ng umbilical stump, araw araw na po naliligo si baby. Hindi kasi ako naniniwala doon sa paniniwala ng matatanda na may certain days na hindi pwede paliguan si baby. Maalinsangan kasi, kawawa yung bata pag hindi napaliguan. Saakin naman, nasa ospital palang ako naligo na ako. Tulad ng pagpapaligo sa bata, hindi din ako naniniwala sa mga paniniwala na 1 week bago pwede maligo. Sasabihin naman po ng OB kung masama para sainyo yon pero sila na mismo nag sabi na pwede maligo at bawal mag langgas. Sa panganay ko kasi ginawa ko lahat ng paniniwala ng matatanda dahil doon ako umuwi sa bahay ng parents ko, ultimong electricfan bawal. June pa naman yon at napaka init. Sa pangalawa ko sa in laws kami nag stay, walang nag bawal sakin. 3 months post partum, wala naman akong ibang nararamdaman. Never din akong nag kasakit.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Naligo ako after a week. Not because naniniwala ako na magkakadiperensya sa isip if maliligo agad pero kasi nagagalit sila lola hahaha 😅 Tsaka di ko rin actually kaya maligo agad after ko manganak kasi sobrang sakit ng tahi ko nun (Normal delivery pero 4th degree stitch kasi) at di ako makatayo or makaupo ng maayos. Pagdating naman kay baby, pinaliguan agad siya. Pinaliguan din naman siya dun sa hospital ng mga midwife a day after ko manganak eh. Wala naman po problem dun. Basta iwasan lang mabasa yung pusod ☺️

Đọc thêm
Thành viên VIP

Sa akin po shampoo ng hair tapos punas lang sa katawan hanggang matanggal yung umbilical stump ni baby. Tapos sa mga mommy naman, pwede naman po agad maligo. Kung CS, tinatakpan naman po ng waterproof dressing yung tahi bago lumabas ng hospital. Hindi naman po totoo yung magkakadiperensiya sa isip kapag naligo after manganak. Sa binat naman po, mas maraming bagay na pwede makasanhi ng binat tulad ng pagpupuyat, hindi pagkain ng tama at pagbubuhat ng mabigat pagkatapos manganak.

Đọc thêm

Hello Mommy baka makatulong ang mga articles natin na ito sa TAP. Ito po ang schedule o tamang pagpapaligo kay baby, https://ph.theasianparent.com/pagpapaligo-kay-baby Samantala, ito naman po kung kailan dapat maligo after manganak, kasama na po rito ang normal o CS https://ph.theasianparent.com/ilang-araw-puwede-maligo-pagkatapos-manganak-ang-buntis

Đọc thêm

ako sa first pregnancy ko jusq 14days ako bago pinaligo 😆 ngayon natuto na ako na wag sumunod hahaha as in punas2 lang ginawa ko pero si baby every other day pinapaliguan ko hanggang mag 1month sya then after everyday na.

Influencer của TAP

sa baby ko po nong new born siya Tuesday at Friday diko siya pinapaliguan then after 1 month niya everyday na ligo niya ....yunq ako naman since nasa hospital kami nun pag uwi namin 2 weeks na kami saka lanq aki nakaligo

sa probinsya 9days after manganak bago maligo . sabay kayo ng baby mo. tpos after mo maligo . imassage lahat ng katawan mo from head to toe. firstbath mo is ung may mga dahon². hndi ko alam tawag

yung araw araw papaliguan si baby opo paliguan po si baby araw araw.. tapos yung pagtapos nyo po manganak opo wag muna kayo maligo mga 2 weeks. ganyan ako nun. tapos lagi naka pajama

Hindi totoo yan, kami nga sa hospital, after manganak kinabukasan pinapaligo na.. Dalawang beses na ako nanganak. Pangatlo na ngayon. D naman ako nagkadeperensya sa isip

Influencer của TAP

Yes po mommy, pwedeng araw-araw po naliligo si baby. And kinabukasan pagtapos manganak pinayagan kami ni OB maligo agad. 😊😊