October 13,2022 -Nanganak na po ako

Please please sana may makasagot , October 13 po Kasi ako nanganak , via Normal delivery po then 3.0 kg si baby ko, ngayon po Kasi bukod sa sobrang haba Ng Tahi ko at masakit , di na dn po ako nakakaupo Ng maayos Kasi nasasagi o nauupuan Tahi ko masakit din, sabay ung right side ng singit ko sa buto parang naglock, Kasi nd po ko makalakad, kung makakilos sobrang bagal Kasi sobrang sakit. Para akong tuod gumalaw Kasi gawa Ng nangyare. Pls advise po kung nangyare na sainyo Yan na nd na halos makalakad.

7 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ung sa tahi ganyan din po nangyari sakin. Sobrang sakit talaga kapag naupo. Ang ginagawa ko, every 2hrs ako nagpapalit ng napkin. Then ang pangwash ko, as advise nun midwife ko, malamig na pinakuluang dahon ng bayabas. Ngayon oki na ko. Hilom na ung tahi.

2y trước

kelangan ata to hilutin tong akin mi pag nakarecover Nako sa Tahi e. Kasi naglock mga joints kosa sa singit mi. Ikaw ba mi nagpahilot ka?