Birthclub: Oktubre 2022 icon

Birthclub: Oktubre 2022

27561 Người theo dõi

Hỏi & Đáp

Bubukod o hindi?

Gusto ko po sanang bumukod na kasi lahat ng nababasa ko sinasabing mas masarap ang nakabukod kayong mag-asawa kaysa nakatira sa magulang/byenan. I am married with a 3yo kid and will give birth to our second child next year. Nakabukod naman kaming dalawa noong kinasal kami. Pero simula nung nanganak ako, nakatira kami sa house kasama ang Nanay at Tatay ni hubby para may magbabantay sa anak namin. Working kami pareho. Hindi ko po mabitawan ang work ko kasi mas malaki po ang sweldo ko kaysa kay hubby. Hindi din nagiging option na si hubby ang magresign lalo’t kami ang sumusupport sa parents nya. Wala naman pong problema hindi naman po kami nag-aaway ng in-laws ko. Mababait po sila at todo asikaso. Kaso gusto kong maranasan, kahit mahirap, na ako yung nag-aasikaso sa mag-ama ko. Magluto, maglaba, maghanda ng gamit nila. Minsan gusto kong kumilos kaso aakuin din nila yung gagawin ko. Hindi ko sure kung paano ko itake yung ganun. At kahit wala silang sabihin ay nakaka-ilang kasi na may kasama sa bahay lalo na po sa personality ko kasi hindi ako mahilig sa social interaction at gusto ko tahimik lang ang bahay. Kung financially po, magiging tight budget pero tingin ko naman bumukod at kumuha ng yaya para sa bata. Kaso hindi po kami tiwala na yaya lang ang bantay kasi baka kung anong gawin sa bata - saktan sila o itakbo. Ito po ang main reason bakit kasama namin sila. Saka dodoble din ang gastos kasi kahit nakabukod ay supported namin ang in-laws. So kung dalawang bahay, dalawang meralco, maynilad at internet bills yun. Kaya gusto ko sana malaman kung may kapareho akong sitwasyon at kung ano ang mapapayo ninyo.

Đọc thêm
 profile icon
Viết phản hồi
Xem thêm bài viết