In Laws
Palabas po ng inis sa mga in-laws ko mga inay! Sobra sobrang stress na po inaabot ko dahil sa pakana nila. Pinauwi uwi nila dito samin ung mga biyenan ko from province para daw may kasama ako kasi nga kabuwanan ko na at nangako sila na magbibigay sila ng pangdagdag budget nila MIL at FIL dahil nga alam nila na kung hindi sapat, ay kulang naman ung kinikita ni hubby para samin dahil nangungupahan lang kami at manganganak nga daw ako. Bigla nila pinauwi dito samin mga biyenan ko ng wala kaming budget at di sila nag abot kahit piso kaya ung pera namin na nakatabi para sa panganganak ko nagastos para pangdagdag supply ng pagkain at gamot nila kaya nung nanganak ako nag doble utang namin. Dumating 13th month ng asawa ko na naka budget sana para sa kay eldest at baby at mga pangangailangan namin sa bahay, naubos din sa mga biyenan ko dahil hindi pa rin sila nagbibigay. Dumating sweldo ng asawa ko, ganun pa rin kaya nagsabi na sya sa mga kapatid nya kasi ung pambayad namin ng bills napunta sa needs ng mga biyenan ko, ni walang napunta samin mag-iina. Sabi nila, okay daw. Nung dumating asawa ko dun kasi pinapunta nila para sa budget, 1k lang binigay nila. Nakakatawang isipin, pinapunta nila asawa ko dun para magbigay ng pinangako nilanh budget tas nagbida sila ng mga pamasko na nakuha nila tas 1k lang para sa isang buwan? Ung isa naman niyang kapatid na single, hindi rin nagbigay kasi wala daw pera pero nagkwento na kumuha ng condo. Sana di na lang nila pinauwi dito samin kasi di rin naman ako natutulungan sa mga bata o naaalagaan man lang o kaya di na lang sila nagsabi na magbibigay sila ng saktong budget kung di nila kaya panindigan. Nakakainis, ung mga anak namin nakokompromiso, pag ino-open ko naman sa asawa ko, ang sagot lang sakin kelangan namin tumulong. Tumutulong nga kami, kami naman nababaon sa utang at nagsa suffer habang mga kapatid niya, puro pasarap. ??