Hingi konting payo sainyo

Mga mi, ano ba maganda gawin sa paglilihi ko na to? grabe na po parang hindi na kaya ng katawan ko 😥 walang araw na hindi ako naduwal at nasuka, sakit ng ulo at katawan, sa gabi para akong may sakit, hindi na ko nakakakain ng maayos, kakasuka, lagi akong nanghihina 😭 Pang 2nd baby ko na po ito, sa una kong anak, sa umaga lang po ako nagsusuka 😭 Penge advice mga mi. suko na po talaga katawana ko, naiyak nalang po ako 😭 #adviceappreciated

9 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

same tayu sis nong nag lilihi Ako ganyan dn halos Wala na Ako lakas d na Ako makabangon piro bigla takbo parin sa pag susuka walang Pinipiling uras umaga tanghali Gabi napapaiyak nlng Ako FTM. sa husband ko Ako kumukuha ng lakas subrang supportive at maalaga samin. bago Kumain suka pgkatapos kain suka.. kaya fruits and water nlng Ako d kaya lugaw na walang asin basta my makain lng .... more on water ka mi kaya moyan d kaya mag white rabbit ka mi.

Đọc thêm

Ganyan din ako sa first baby ko. Sinabi ko yan sa ob ko and nagreseta sya ng pampawala ng pagduduwal duwal ko. Sabi ko kc parang wala ng natitira sakin sa mga kinakain ko kakasuka ng kakasuka. Ayun nawala wala naman hanggang malagpasan ko ung paglilihi stage ko hehe

Same tayo sis, iniyakan ko din yan huhuhu, lahat na ng paraan ginawa ko pero wala talaga nag work, nagpunta pa kami ng asawa ko sa hospital kala ko dehydrated na ako at hinang hina pero pinauwi din po, 17 weeks bago natigil pagsusuka ko. huhuhu 2nd baby ko din to.

same po tayo mi ganyan po tlga mahalaga kumakain ka pa din masustansya at kung palagi sumusuka kain pa din kasi mas mahirap na wala ka maisuka magkakagasgas ang lalamunan mo. kayanin nyo po para kay baby makakalagpas din po kayo sa stage na yan

parang sa 1st born ko lang momshie pumayat ako and palaging nag susuka kahit my kinakain or wala pero mag e end din yang pag sa suffer monayan if papasok kana sa second trimester. be strong lang momshie hoping that you'll feel better soon.

same case po tayo mi ako po third baby ko na pero ngayon lng po ako nakaranas ng ganito na halos hnd na ren kinakaya ng katawan ko nagsusuka nahihilo sumasakit yung buong katawan at halos hnd na ren ako makatulog sobrang selan

Ganyan din ako sa 2nd baby ko, naging effective sakin is gawing candy ang yelo or kahit anong prutas na nagyeyelo kapag feeling ko nasusuka ako or masakit ulo ko. Try mo mi baka effective din sayo 😄

Akin lage gutom 🥲

go to your obgyn