What To Do?
Mga inaaay! ?? Paki enlighten naman po ang nai stress kong pag iisip ngayon. Sabi po kasi ni MIL samin kanina, maghanap na daw kami ng bahay na pwede namin lipatan na malapit sa bayan kasama sila. Umuwi kasi sila dito samin galing probinsya dahil para daw may kasama ako habang nagpapagaling kasi nga nanganak po ako. Yun po usapan nila ng mga anak niya at magbibigay daw sila budget nila mil at fil habang nandito samin dahil sakto lng sweldo ni hubby lagi. Ngaun po, nag iba na. Gusto nila na kasama na kami hanggang makakuha kami ng bagong lilipatan tapos yung makukuha daw po niyang lump sum sa sss, idagdag daw nila pambili ng bahay nila. Bale, ung expenses nila sagot na naman namin, dahil ung usapan na magbibigay mga kapatid ni hubby, di rin natupad. Nawalan trabaho si hubby dahil di nakapasok sa kakabili ng pangangailangan nila kasi sabi ng mga kapatid magbibigay sila pambudget, hindi naman pala. Pakiramdam ko masahol pa kami sa namamalimos pag hinihingi ni hubby ung budget para sa kanila tapos ganito pa na nawalan sya work knowing na may baby kami at toddler. Nai stress ako mga inay. Hindi na nga ako makakilos ng maayos dito sa bahay ngaun at mukhang dadalhin ko pa yun hanggang paglipat namin. Gusto na rin sila bitawan ni hubby dahil hindi na namin kaya at magbibigay na lang siya pero mukhang malabo na po yun dahil sa sinabi ni MIL kanina ??Pareho po kaming walang nasabi. PS. Mabait po inlaws ko. Hindi lang po ako komportable na nandito sila sa poder namin dahil walang wala din kami. Nasa-sacrifice pa needs ng mga anak namin ?