Help Please
Hi. Any advise kung pano ko sasabihin kay hubby na baka pwede mag move out ung parents niya dito sa bahay? Natatakot kasi ako na baka mag away kami. Triny ko kasi sabihin nung nakaraan pero inunahan na niya ko na kasama pa rin daw namin parents niya even if lumipat kami ng bahay na may mas murang rent. Sa totoo lang kasi inaalala ko ung magiging budget namin sa mga susunod na araw. Sweldo niya lang sakto na samin, madalas nga kulang pa. How much more kung andito parents niya samin? We only get by for now dahil sa 13th month niya. Bigla bigla kasi umuwi dito samin dahil manganganak daw ako. Ayun, umuwi nga pero ung mga kapatid ng asawa ko, ni hindi nagbigay ng budget kahit pang pagkain lang nila, alam naman nila na manganganak ako at need namin ng pera kaya ung anjan na pera namin, naipambili ng pandagdag pagkain at meds nila. Nakapangutang pa kami para mairaos lang panganganak ko. Nagsabi naman na ung asawa ko sa mga kapatid niya, may ilang nag respond pero til now wala pa tas ung nag iisang single na kapatid niya, hindi nagrereply. Mauubos na lang 13th month niya, wala pa rin tulong galing sa mga kapatid niya. Eh dapat para yun sa needs ng mga anak namin at pandagdag ipon para makalipat kami ng bahay. Walang wala na rin kami tapos hindi pa napapa newborn screening si baby ??