Paano nag-propose sa inyo si mister?
Paano nag-propose si mister? Ikuwento sa comments section ang nakakakilig niyong love story!


Sa family gathering, Christmas eve. Alam na ng buong family ko ako na lang hindi. Nagsimba muna kami ni bf tsaka ng family ko tapos nung evening nasurprise ako buong family nya andun sila sa bahay pero inisip ko na dahil Christmas eve naman kaya siguro nandun. Plan kasi namin na after Christmas eve dun naman kami sakanila. So may mga nangaroling sa labas ng bahay, may sobre na ibibigay para sa nangangaroling ako ang pinag aabot nina mommy. Nagpasama ako kay bf. Nung iaabot ko na sa mga nangangaroling nagulat ako. Biglang kinanta ng mga nangangaroling yung love song namin ni bf. Tapos si bf kumakanta na rin sa harap ko. Tapos naglabasan isa isa family ko at family nya na may dala dalang bulaklak na binigay sakin. Ayun nung natapos yung song nagpropose si bf. Yung singsing pala is nandun sa may sobre.
Đọc thêm