Paano nag-propose sa inyo si mister?

Paano nag-propose si mister? Ikuwento sa comments section ang nakakakilig niyong love story!

Paano nag-propose sa inyo si mister?
104 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Nagpunta kami sa Boracay para magbakasyon,ang dami niyang pakulo na mga adventures,ktv,helmet diving,paragliding,snorkling,island hoping at kung anik anik pa lahat yun tintry naming dalawa at lahat yun pala sinubukan niya magpropose sa akin kaso sa ktv at island hoping wlang chance siyang nakita,sa helmet diving lumuluhod pala siya pinapatayo ko siya kase baka matanggal kako helmet niya e apakalalim nun dun 😂😂😂 epic fail kase panira ako tlga ng plano tapos sa paragliding wala pang 5 mins umiiyak ng lola nio dahil may fear of heights ako hahaha 😂😂😂 ang ending after ng lahat ng activities e sa pool ng hotel na lang siya ngpropose 😂😂😂

Đọc thêm
Post reply image