Hindi daw ok ang talong sa pagbubuntis?

Nakaka blue baby daw yung talong? Pinagbabawalan ako ng byenan ko 😂

19 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

nanay ko binawalan ako sa talong, kasama ko sya sa check up ko. sya nagtanong sa ob ko, kung ano bawal na pagkain di naman kasama ang talong sa bawal. mula nun, nakain ako ng talong. sabi ng nanay ko nung una magvviolet ang anak pag kumain. sabi ko di naman pag niluto kasi nagiging green na yung talong at rinig naman nya ob ko. try mo sama mo si byenan mo hahaha. ang bawal satin, hilaw na papaya at pinya. ayun kasi magpapacontract sa bahay bata.

Đọc thêm

Hi Parents! Just a reminder to BE KIND and respect the post. Welcome ang lahat ng questions dito. Gusto naming panatilihing safe ang space na ito para sa mga parents na mag-share ng stories at magtanong. Binura namin ang mga offensive comments na na-report kasi walang lugar para sa mga ganun dito sa app na ito. Let this be a reminder to keep this community a safe space for fellow parents to share stories and ask questions. Thanks!

Đọc thêm

Yung lola ko na mahilig sa pamahiin, bawal daw ang papaya kasi nakakalaglag daw ng baby, pero madalas may talong yung pinapaulam sakin. Pero dito sa apps na to binasa ko isa isa yung mga bawal at hindi. Sa papaya daw po oo ang hinog, at hindi ang hilaw na papaya. Tpos nabasa ko din sa talong na nkakasama din pala lalo pagsobra

Đọc thêm

Dati nung hindi ako buntis di ako kumakain ng talong. Ngayon, naku, kahit anong luto ng talong kinakain ko. Lalo na yung prito at isawsaw lang sa suka. Yummy! Wala naman siguro masama kumain ng talong, di na ko naniniwala sa mga sabi sabi ng matatanda, kaya ng pamahiin kasi nga "WALANG BASEHAN"

bawal ang talong di dahil sa pamahiin kundi dahil sa content na pythohormones na nagpopromote ng mestruation. Kapag nagbleed ka while pregnant pwede kang makunan. Magresearch yung iba jan na nagsasabing pamahiin lang yan

Tinanong ko din to sa OB. Hindi daw totoo to. Pwede naman kumaen ng talong. Nagiging blue kulay ni baby pag may sakit sa puso, wag natin iaasa sa mga pamahiin. Kasi pag binalewala yung sakit sa puso baka magsisi lang tayo sa huli.

di ako naniniwala noon, 1 month baby ko ngayon. pag nasstretch sya ng katawan kulay talong nga sya kahit di namn sya maitim, pero kulay talong mapula at nagvviolet kapag nag stretch at umiiyak

pamahiin lang yan mii wala naman masama sa pagkain ng talong kahit isearch mo😊kahit ako nakain ng talong nung preggy.. 2yo na bunso ko ngayon very healthy

Not true po, kumakain din ako nong buntis pa, but di naman nangigitim anak ko kapag umiiyak. siguro may bata talagang nagviolet kapag iyak ng iyak

palakain din aku ng talong nung buntis. sarap kase at peyborit gulay ku. nanganak nko, hindi nmn sya nagkukulay violet or nangingitim pag naiyak