Para sa mga inang kagaya ko na:

- Nabuntis nang wala sa plano - Binabalewala ng tatay ng anak niya - Hindi excited sa bata / kukumustahin lang pag naalala - Dadalawin lang isang araw sa isang linggo / kung kelan siya available - Mas mahalaga ang buntis niyang aso at mas concerned sa mga tuta kesa samin ng anak niya - Hindi tinanggap ng mga in laws - Walang planong pakasalan - At higit sa lahat sinabihan na mag usap na lang kung tungkol sa bata Sa totoo lang, pinapanalangin ko na sana wala akong kapareho ng kalagayan dahil napakasakit sa pakiramdam. Down na down na ko. I'm sorry sa anak ko dahil ganun ang tatay niya. Hindi ako makapaniwala na may ganitong klase ng lalaki. Sa mga kapwa ko nanay, pakatatag pa po tayo. Mabuhay tayo para sa anak/mga anak natin. Please include us in your prayers po.

40 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Walang aksidente mam. Lahat parte ng plano ni Lord. Di man natin maintindihan ngayon Pero magtiwala ka Lang at kumuha ka ng lakas sa Kanya, hindi ka nya papabyaan at si baby mo. Blessing yan. Prayed for you!