Live-in bago kasal

Moms, agree ba kayo na mag live-in muna bago ikasal?

Live-in bago kasal
271 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Live in kami. Nakaplano palang ang kasal na hindi matuloy tuloy. Pero para sa opinyon ko no. Sabi nila live in para naman mas makilala ang isa’t isa? Ano yon after malaman mga bad side back out na ganorn? Kasi pag mahal mo naman yung isang tao kahit ano pa man ang ugali nyan matatanggap mo yan. Mahal mo e. Pinili mo. Tsaka syempre pag naging mag asawa na madami pa din namang changes at adjustment. Madami pang pwede mabago pag naikasal na pag nalaman yung mga bad side ng isa’t isa. Sinasabi kasi nila sagrado ang kasal kaya dapat di padalus dalos sa pagdedesisyon magpakasal. Yes sagrado. Kaya nga pag kasal na at ganon ngang nakilala mo na asawa mo dapat kahit ano pang ugali matatanggap mo. Naniniwala naman ako na may pagbabago pa e. May pag asa pang magbago kung ano mang ugali meron ang tao. Lalo kung para sa mahal niya diba.

Đọc thêm