share kolang diko na talaga kaya?

Hi mommy share kolang kase ang sakit na ?? si live in partner kase nananakit kahit dipa ako buntis. Kagabi sinuntok nya yung hita ko kase ayaw ko syang hilutin madalas akong magkapasa dahil sa kanya tas ayaw nya akong pauwiin samen pag may pasa ako or may makikita pamilya kong sugat dahil sa kanya. Kanina nag away kame sinampal nya bunganga ko tas umalis sya nag inom kasama mga katrabaho nya. Pag uwi nya lasing nag away kame sinaktan nya ako binatukan sinabihan ng palamunin nya lang daw ako tas hinampas sa likod para di sya nakukunsensya na makunan ako ! Nung nakaraan tinampal nya ako sa bunganga nagdugo yung bunganga ko pero parang wala lang sa kanya pag sinasabi kong mag hiwalay na kame ayaw nya. Pagsinasabi ko na magsusumbong ako sa pamilya ko sasabhin nya wala naman syang ginagawa saken. Mahilig talaga syang manakit syempre napapaganti din ako pero pag sobra na pananakit nya saken iiyak na lang ako tas sasabhin nya iniiskandalo ko daw sya sinisira ko buhay nya? minsan kinukumpara nya ako sa mga ex nya? ang panget ko daw ang payat muka daw akong butete? sinasabihan nya din akong pokpok kase ganon nya daw ako nakilala?dati kinutongan nya ako nagkabukol ulo ko ? madalas nya din akong tinutulak?minsan natatakot nadin ako baka duguin ako sa sobrang pananakit nya?wala syang binibigay saken pampacheckup sinasabi nya saken humingi ako sa pamilya ko?hanggang ngayon wala padin syang ipon para sa anak nya miske piso wala. Like ngayon kailangan ko magpapelvic ultrasound ayaw nya ako samahan sa hospital wala daw syang alam don ginastos nya din yung perang bigay ng ate ko para sa pangultrasound ko .????? 6 months preggy here?

218 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Maawa ka sa sarili mo lalong-lalo na sa baby mo. Umalis kana sa poder nyan at ireklamo mo sya dahil V.A.W yan. Tutal may cellphone ka naman, if wala kang pera magchat ka sa any fam member ko para mabigyan o mapaldan ka ng pera para makauwi ka nalang muna sa inyo o kaya naman magpasundo ka. Mas maganda rin na may evidence ka ng lahat ng pinaggagawa nya, gawin mo picturan mo agad tapos isend mo sa taong mapagkakatiwalaan mo tapos mag delete convo ka agad just in case nangingielam sya sa messenger or convos mo. Wag mong hayaang maging punching bag ka lang ng walang balls na lalaki. Walang awa yan sayo. Umalis kana hangga't hindi pa umaabot sa punto na makunan ka or may mangyaring mas malala sayo bago ka umaksyon. Dami na ng red flags oh.

Đọc thêm