share kolang diko na talaga kaya?

Hi mommy share kolang kase ang sakit na ?? si live in partner kase nananakit kahit dipa ako buntis. Kagabi sinuntok nya yung hita ko kase ayaw ko syang hilutin madalas akong magkapasa dahil sa kanya tas ayaw nya akong pauwiin samen pag may pasa ako or may makikita pamilya kong sugat dahil sa kanya. Kanina nag away kame sinampal nya bunganga ko tas umalis sya nag inom kasama mga katrabaho nya. Pag uwi nya lasing nag away kame sinaktan nya ako binatukan sinabihan ng palamunin nya lang daw ako tas hinampas sa likod para di sya nakukunsensya na makunan ako ! Nung nakaraan tinampal nya ako sa bunganga nagdugo yung bunganga ko pero parang wala lang sa kanya pag sinasabi kong mag hiwalay na kame ayaw nya. Pagsinasabi ko na magsusumbong ako sa pamilya ko sasabhin nya wala naman syang ginagawa saken. Mahilig talaga syang manakit syempre napapaganti din ako pero pag sobra na pananakit nya saken iiyak na lang ako tas sasabhin nya iniiskandalo ko daw sya sinisira ko buhay nya? minsan kinukumpara nya ako sa mga ex nya? ang panget ko daw ang payat muka daw akong butete? sinasabihan nya din akong pokpok kase ganon nya daw ako nakilala?dati kinutongan nya ako nagkabukol ulo ko ? madalas nya din akong tinutulak?minsan natatakot nadin ako baka duguin ako sa sobrang pananakit nya?wala syang binibigay saken pampacheckup sinasabi nya saken humingi ako sa pamilya ko?hanggang ngayon wala padin syang ipon para sa anak nya miske piso wala. Like ngayon kailangan ko magpapelvic ultrasound ayaw nya ako samahan sa hospital wala daw syang alam don ginastos nya din yung perang bigay ng ate ko para sa pangultrasound ko .????? 6 months preggy here?

219 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Walang kwentang lalaki irresponsable magaling lang magpasarap! Kung ako sayo umalis ka ng di niya alam at umuwi ka na sa inyo tapos sumbong ka na sa brgy niyo. Siraulong lalaki yan di marunong sa responsibilidad ngayon palang ganyan na eh gusto mo pa bang umabot ka sa puntong mapatay ka niya?! Sis save yourself and your baby wag ka mabuhay sa takot kasama ng bugok na yan. PS. May kaibigan din ako same ng sitwasyon mo. Pero sira ulo niya nagpatali pa sa lalaking yon kahit anong advice namen kasi mahal niya ng sobra kahit sinasaktan na siya physically at emotionally at niloloko pa. Eh wala na kame magawa tanga na sa pag-ibig kaya tinanggap niya pa din knowing na magbabago pa daw (pwe). Sorry for the bad words, pero nakakagigil mga ganyan eh. (Pasalamat naman ako at maintindihin asawa ko at hindi ko naranasan yan) kasi pag ako nasa sitwasyon mo sis magsigawan at magsuntukan kame kahit buntis ako di ako papatalo. 💪👊 #ownOpinion

Đọc thêm
Thành viên VIP

minsan hindi na nakaka aawa ung mga ganitong babae n hinahayaan na saktan physically at mentally ng mga partner nila at some point nakakainis na kasi alam nmn nila wala silang mabuting kahihinatnat sa mapanakit n partner nila worst is baka mapatay p cla o me mangyaring masama sa kanila but they choose to stay, kesyo mahal nila. haisst grown up lady ikaw din me kasalanan kasi tinotolerate mong ganyanin k ng partner mo. alam mo n nmn dapat mong gawin simple lang LEAVE ayaw mo lng cguro tlga. nabuhay ka ng ilang taon wala ung kinakasama mo. kakayanin mo pa din mabuhay khit mag kaka anak pa kayo ng wala sya. ayaw mo nmn cguro makita ng magiging anak mo n isa ka sa mga babaeng nakikita nya lng sa tv n binubugbog at hindi nirerespeto ng mga kinakasama nila.

Đọc thêm
3y trước

very well said. wag n tau mgcomment pa. tutal hindi nya din nmn hihiwalayan yan

Maawa ka sa sarili mo lalong-lalo na sa baby mo. Umalis kana sa poder nyan at ireklamo mo sya dahil V.A.W yan. Tutal may cellphone ka naman, if wala kang pera magchat ka sa any fam member ko para mabigyan o mapaldan ka ng pera para makauwi ka nalang muna sa inyo o kaya naman magpasundo ka. Mas maganda rin na may evidence ka ng lahat ng pinaggagawa nya, gawin mo picturan mo agad tapos isend mo sa taong mapagkakatiwalaan mo tapos mag delete convo ka agad just in case nangingielam sya sa messenger or convos mo. Wag mong hayaang maging punching bag ka lang ng walang balls na lalaki. Walang awa yan sayo. Umalis kana hangga't hindi pa umaabot sa punto na makunan ka or may mangyaring mas malala sayo bago ka umaksyon. Dami na ng red flags oh.

Đọc thêm

ang pinagtataka ko talaga is bakit ka nagtitiis? salbahe na nga, batugan pa. kung iniisip mo na gusto mo ng buong pamilya, eh yan ba ang tatay na gusto mong kalakihan ng anak mo? kyng tutuusin, alam na alam mo na abg sagot sa problema mo bago mo pa ipost dito. ikaw lang ang may ayaw kumilos for some reason. ikaw ang nagbibigay ng pagkakataon sakanya para saktan ka lalo. and in effect, ipinapahamak mo baby mo sa tyan mo. ikaw lang makakatulong sa sarili mo. napakarami mong pagkakataon umalis, pero di mo ginagawa. walang mawawala sayo. may sugat ka man o wala, sa oras na magsabi ka sa pamilya mo, ikaw kakampihan nila. wala kang dapat ikatakot. kung gusto mo nga, ipa blotter niyo agad yabg asawa mo pagkauwi na pagkauwi mo sainyo.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Ay naku sis.. Ikaw din ang my kasalanan kaya ka ginaganyan ng partner mo, kc hinahayaan mo lang sya ganyan ganyanin ka kung sa umpisa lang alam mo na nanakit sya dapat nilayasan mo, the more na nagtitiis ka lalo lang lumalakas ang loob nia saktan ka kc alam nia nde mo sya kaya iwanan.. Ipakita mo sa kanya na nde sya kawalan, wag kang martyr sis , kelan ka aayaw kapag grabe na ung ginagawa sau , kung alam mo nman na my uuwian ka pang pamilya/magulang umuwi kana kesa magtitiis ka pa ng ganyan.. Naku saken nde pwede yan sa 4yrs nmen pagsasama ng asawa kahit 1beses nde pa ko na mumura nun alam nia kung ano mangyayari, ako namumura ko sya pero sya nde nia ako ginanthan ng mura kahit pabiro nde un nagmumura saken..

Đọc thêm

Matagal na din kami nag live-in ng partner ko but never once niya akong sinaktan. If ur partner repeatedly and continously doing that it's a sign ba kailangan mo umalis sa mapang aboso na relasyon. Naintindihan ko mahirap dahil iniisip mo na ayaw mo magkaroon ng walang ama yung bata. Pero hindi. Dapat isipin mo na kung nagawa niya yan sau maaring gawin niya din sa anak mo. E maninipulate ka lang niya para hindi ka makaalis sa relasyon niyo. Hanggang isisi mo na ang lahat sa sarili mo kahit wala ka namang sala. An abusive relationship should not be taken for granted. Bago paman mangyari ang pinaka worst case sayo umalis kana sa relasyon mo at baka ikapahamak pa ninyung mag ina.

Đọc thêm

Punta ka sa barangay nyo para maidampot yan. Sis alam mo naman dapat mong gawin, ano ba hinihintay mong approval bago ka gumawa ng desisyon na alisan na yan? Wag ka matakot kasi andyan naman pamilya mo kung sakaling nangangamba ka sa suporta sa pagbubuntis mo. Kahit ano naman sabihin namin dito nasa sayo parin desisyon sa huli so iconsider mo nalang kung deserve mo ba na ginaganyan ka o aalisan mo para sa safety nyong magina. Yung sustento wag mo alalahanin, pwede ka humingi ng tulong sa PAO para maobliga sya magabot, kundi pwede sya kasuhan. Basta maraming paraan para makabangon pero makukuha mo lang yun pag nilayo mo na sarili mo sa panganib at tinalikuran mo na yang hayup na yan

Đọc thêm

Same po tayo ng pinagdaanan, i am a battered woman also. Palagi akong binubogbog ng lip ko sa walang kwentang dahilan at umabot ng 4yrs ung pambugbog nyah sakin kaya dumating sa punto na punong puno na ako at di kona natiis sa sobrang galit ko lumaban ako at nagulpi ko sxa at un nagka black eye sxa. Simula nung nagulpi ko sxa hndi na nya ako binugbog hanggang ngayon wla na. Narealize nyah cguro na lalaban na ako at hndi na mgpapa api. Advice ko sayo maam, wag kana ulit magpapabugbog sa kanya, wag kang gumaya sakin. Kung di mu na kaya, pwedi mu sxang ereport sa pulis, picturan mu yang mga pasa mu para may ebidensya ka.

Đọc thêm

Girl, pag sinaktan ka once! Once is enough! Hiwalayan mo! Bakit mo ipapanakot sakanya na hihiwalayan mo yang kupal na yan kung kaya mo naman talagang iwan. Iwanan mo girl, bumalik ka sa pamilya mo iexplain mo sa pamilya mo ginagawa nya hinding hindi ka naman tatalikuran ng pamilya mo. TANDAAAN MO babae ka hindi ka dapat sinasaktan at lalong Buntis ka, sensitive ka at unstable ang emotion mo tapos masasakit pang salita yang sinasabe nya sayo. Kung ako sayo at sa kalagayan iiwan ko yan ng hindi nya namamalayan hayaan ko mabaliw yang gago na yan. No offense girl ha? Sobra yang live in partner mo parang walang utak.

Đọc thêm

Akin lang po. Iwan mo na yan ate kasi baka ano pa mangyari sa inyo ng baby mo at pumunta kana sa parents mo. Kapag wla siy sa bahay niyo at pumapadok sark pumunta ka sa pamilya mo. Sabi nga po nila kahit mahal mo pero sinasaktan ka naman, gaein mo nalang yung tama para tumigal na yang asawa no sa pananakit niya sayo. Hingian mo nalang ng suporta para sa anak mo pero dapat sa barangay ka pumunta kasama pamilya mo para mabantayan ka ng pamilya mo Once na magreklamo ka sa barangay. Wag munang hintayin na may magawa pa siya na pwedeng makasama sayo or sa baby mo. Hindi po worth it mga lalking nanakit ng babae.

Đọc thêm