Vent out

Nakakainggit ung mga working moms, yung may nakuha sila na magaalaga sa anak nila. May mapagkakatiwalaan sila. May pera pa sila. May oras sila na gumawa ng ibang bagay bukod sa pagaalaga ng anak. May iba silang buhay bukod sa pagiging nanay. Ewan ko pero nalulungkot talaga ako na maging stay at home mom. Pakiramdam ko wala na kong kwenta. 3 years na kong ganito makakaahon pa ba ko.

11 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

I've been a full time mom for 5 years now, babalik na sana sa work last last year pero unexpectedly nabuntis ulit second baby, sometimes feeling down din ako mii, ang daming what ifs, ang daming gustong gawin na di magawa, ang daming plano na di pa matupad tupad pero alam mo wala akong regrets sa naging desisyon kong mag sacrifice ng career at maging full time mom, tinuturing kong priviledge na makita ang milestone ng mga anak ko, iniisip ko na lang na may mga mommy na gusto maging tutok sa anak pero di nila magawa and yet naito ako sa sitwasyon na to so i'm feeling blessed pa rin 😌 makakabawi din tayo soon, mabilis lang lumaki ang mga bata mii enjoy every moments. Btw i'm just 27 years old, mga kasabayan ko yung iba namamayagpag sa career but here I am, a proud full time mommy and housekeeper na rin 😅 Balik sa career soon pag keribels na, wag lang magbubuntis ulit hahahaha

Đọc thêm
18h trước

yun ang nakakapressure mi kasi mga kasabayan ko puro yan sila nagwwork tpos di pinoproblema pera at mag aalaga tpos ako tong nabuburyo sa bahay haha sinasabe pa nila na may work from home naman bakit di daw un nalng kunin ko. di nila gets na work pa din yun pano ko pagsabayan un at pagalaga ano di na ko magpapahinga hahaha

ang weird noh. kabaligtaran tau ng gusto. Isa akong working mom. and super pangarap ko maging stay at home mom na as in full time sa anak ko. pero sa buhay ngaun, can’t afford namin. wala kaming yaya, kaya iniiwan namin sa byenan ko anak ko tuwing weekdays. Mahirap maging working mom, stress at pagod sa work maghapon, paguwi sa gabi, mag aalaga ng anak kasi hatid sundo namin siya umaga/gabi sa bahay ng byenan ko. umulan/ umaraw yan. pag weekends, full time mom ako plus gawaing bahay kasi walang katulong. Ilang taon ko na inuungot sa asawa ko mag stay nalang ako sa bahay, ayaw nya. sayang daw career ko. para saken isang privilege ung maalagaan mo ng full time ang anak mo, masubaybayan mo siya sa paglaki nya at ikaw mismo magtuturo sa kanya lahat. Yun ang gusto ko gawin na di ko magawa nang 100%. Kaya be happy momsh, kasi kung ano sitwasyon mo, yan ang pangarap ng iba…

Đọc thêm
18h trước

siguro kasi kaya di ko maenjoy maging FTM kasi iniisip ko ung gastos. lalo ngayon may findings sa uterus ko may maintenance ako gamot at may need operahan pinoproblema ko pera. kaya kug may pera sana ko di ko na iisipin un 😅

Ako SAHM until grade 3 anak ko, ngayon 11 na siya 3 years ago lang talaga ako nag full time work. then sa 2nd ko SAHM+WFH ako, then ever since ganun na set up ko. ang hirap humanap ng kasambahay, kahit may pambayad ka 2 years na ko naghahanap. kaya mahirap, work + full time mom... pero enjoy, ngayon stop muna ulit sa work habang preggy with my 3rd child. pero chores ako padin lahat. normal maramdaman yan momsh, basta focus ka lang muna sa anak mo and focus ka din sa self mo... para bumalik confidence mo sa sarili. mag exercise ka sa bahay habang tulog sila or pahinga mo... nakakatulong din yun sa mental health natin. hanap ka din po ng wfh job kung gusto mo po bumalik work kahit nasa bahay ka lang.

Đọc thêm

Hello mi. wag kang maiingit mi. 😊 mula sa experience ko naging working mom din ako 1 year old palang ang panganay ko nag work nako. tumigil lang ako ngayon 7 na sya kasi buntis nako. pero ang laki nang pag sisi ko kahit naibigay ko naman ang mga gusto nya. kasi hindi ko sya nasubaybayan at nalambing nang husto kasi bc lagi sa work. alam mo yung pakiramdam na sana hindi na muna ako nang work. kasi ngayon lagi kami mag kasama kahit saan ako mag punta nakasunod sya. lagi nya sinasabi na " mama wag kana mag work si papa nalang " wag kana umalis ". 🥹🥹 kaya mi habang bata pa sila wag mo muna iwan kasi minsan lang sila maging malambing lalo na maging bata.

Đọc thêm
Influencer của TAP

ganto din ako..may trabaho din ako noon pero nong nagkaanak naging priority ko na ang pagiging stay-at-home mum..may pagsisisi at inggit pero nangingibabaw pa rin yong pagiging nanay..masaya kasi natututukan ko ang anak ko sa pag-aaral niya..walang ibang mag-aalaga kasi sa kanya at ayoko naman iasa sa iba..nakakaproud pa rin nakikita ko yong araw-araw na milestones ng anak ko..nakikita ko yong magandang resulta sa pagtalikod ko sa career ko..kahit papaano masasabi ko pa rin na worth-it naman..pero stay-at-home o working mums walang pinagkaiba yan mi kasi lahat ng yan may purpose..lahat naman ng ginagawa natin ay para sa anak, sa pamilya natin ☺

Đọc thêm

Its not easy po na maging working mom, as a single mom and at the same time nagtatrabaho ako, sobrang hirap , stress at pagod sa trabaho pag uwi mag aalaga ka ng bata. Walang time makapag pahinga. It's not easy, If only I could be stay at home mom lang, I'll do it para mas masubaybayan at maalagan ko anak ko, pero sa situation ko , hindi pwde kailangan kumayod at maging magulang at the same time. At Hindi ka walang kwenta mhie kasi ang pag aalaga ng bata at pamilya ay napakahalaga. Cheer up , mhiee. Mahalaga lahat gngawa natin para sa pamilya.

Đọc thêm

same feeling 8yrs nako fulltime mom my self pitty na ganito pero kung iisipn ang bilis lng ng panahon ang bilis din nila lumaki kaya mas iniisp ko nalang na treasure every moment naalagaan mo sila full time kahit my time na feeling down kasi nga prang wla kpang naachieve ,feeling walang ambag, pero fulfilling achievement yung nakita mo sila lumaki at naalagaan and malaking ambag na napalaki mo sila ng maayos ❤️❤️

Đọc thêm

Proud stay at home mom here 🥰 masaya akong nasa bahay lang ako inaalagaan ang anak ko nakikita ko milestone niya everyday. Nagagabayan ko. 💗 6yrs na akong fulltime mom 🥰 siguro kanya kanya din po yan. Pero sa cas eko mas pinili ko maging fulltime. Pero nag oonline selling din ako. Fulltime sa gawaing bahay, fulltime as a mom. Fulltime business owner 😁 mahirap, pero masaya 💓💓

Đọc thêm
18h trước

yan gusto ko mi e kahit papano may kinikita on the side siguro mas masaya ko kaso di kaya ng lakas ko talaga 😅 dati din ako nagoonline selling kso di ko na kaya.

I'm a working mom and once a month ko lang makita ang anak ko...napakahirap at napakasakit kc dko maalagaan anak ko now buntis for my second child kaya sobra padin yung iyak ko everytime iniisip ko na maiiwan ko din siya after may maternity leave...kaya mi wag mainggit dahil kung may choice lang ako mas gugustuhin kong maging full time mom para masubaybayan ko mga anak ko. 🥲

Đọc thêm

"Children are not a distraction from more important work. They are the most important work" -C.S. Lewis