share kolang diko na talaga kaya?

Hi mommy share kolang kase ang sakit na ?? si live in partner kase nananakit kahit dipa ako buntis. Kagabi sinuntok nya yung hita ko kase ayaw ko syang hilutin madalas akong magkapasa dahil sa kanya tas ayaw nya akong pauwiin samen pag may pasa ako or may makikita pamilya kong sugat dahil sa kanya. Kanina nag away kame sinampal nya bunganga ko tas umalis sya nag inom kasama mga katrabaho nya. Pag uwi nya lasing nag away kame sinaktan nya ako binatukan sinabihan ng palamunin nya lang daw ako tas hinampas sa likod para di sya nakukunsensya na makunan ako ! Nung nakaraan tinampal nya ako sa bunganga nagdugo yung bunganga ko pero parang wala lang sa kanya pag sinasabi kong mag hiwalay na kame ayaw nya. Pagsinasabi ko na magsusumbong ako sa pamilya ko sasabhin nya wala naman syang ginagawa saken. Mahilig talaga syang manakit syempre napapaganti din ako pero pag sobra na pananakit nya saken iiyak na lang ako tas sasabhin nya iniiskandalo ko daw sya sinisira ko buhay nya? minsan kinukumpara nya ako sa mga ex nya? ang panget ko daw ang payat muka daw akong butete? sinasabihan nya din akong pokpok kase ganon nya daw ako nakilala?dati kinutongan nya ako nagkabukol ulo ko ? madalas nya din akong tinutulak?minsan natatakot nadin ako baka duguin ako sa sobrang pananakit nya?wala syang binibigay saken pampacheckup sinasabi nya saken humingi ako sa pamilya ko?hanggang ngayon wala padin syang ipon para sa anak nya miske piso wala. Like ngayon kailangan ko magpapelvic ultrasound ayaw nya ako samahan sa hospital wala daw syang alam don ginastos nya din yung perang bigay ng ate ko para sa pangultrasound ko .????? 6 months preggy here?

219 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Iwan mo na momsh wag ka na manghinayang sa pinagsamahan nyo kc wala din nman sense. Lakasan mo ang loob mo na iwanan na sya pra na lang din sa anak mo kc kung magtatagal ka pa sa poder nya bka ikamatay mo pa. Kya magpakatatag ka humingi ka ng tulong at awa sa ating Diyos Ama at Panginoong Hesukristo na gabayan ka at ituro sa iyo ang tamang bagay na dapat gawin. Isipin mo ang sarili mo at ang kinabukasan ng magiging anak mo. Wag mo ng antayin na magsisi ka bandang huli kc wala kang ginawa at naging mahina ang loob mo. At hingi ka ng supporta sa family mo. Importante yun. Ingat ka palagi.

Đọc thêm

andami na ong dahilan para hiwalayan mo sya. hindi sya ang dapat magdesisyon para sa sarili mo. lakasan mo loob mo na makaalis ka sa bahay niyo. para mas may patunay ka na sinasaktan ka nya, kuhanan mo lagi ng pictures yung part ng katawan mo na nabubugbog nya. kasuhan mo yan. hindi na tama ginagawa sayo lalo na at buntis ka. hindi na pinaiiral ang pagmamahal sa ganyang tao dahil una pa lang di na pagmamahal ang pinapakita niya sayo at sa magiging anak niyo. isip isip mommy, may pamilya ka na pwede takbuhan huwag mong hintayin na may mangyari pang mas malala sa inyo ng anak mo.

Đọc thêm

Picturan mo bawat pasa at sugat na binibigay niya sayo for evidence at ipasa mo sa barangay or any authorities. Please lang, habang may oras pa at safe ka pang nakakaalis at nakaka-internet. May access ka sa tulong, sis. Kunin mo bawat chance para tulungan sarili mo. Pwedeng dito ka din sa app humingi ng tulong or sa amin. Ibigay mo contact mo isa sa amin at kami na tutulong sayo. Please lang po, isipin mo sarili mo at baby mo habang maaga pa. Wag mong isipin na mahal mo pa siya o mawawalan ng ama yung baby mo. Mas mabuti nang wala siya. Please, let us help you po. Abuse na to.

Đọc thêm

Wag mo ng antayin pa ung Baby na maapektuhan dahil sa pananakit nyang walang puso mong asawa. Iwanan mo na yan ng Matuto yan. Masabihan ka na mukang butete eh sya naman dahilan nyan kung bat ka pumayat kung inaalagaan ka nyang maayos edi sana di ka nagkakaganyan at isa pa mommy Self Love! Kaylangan mo yan at para sa magiging baby mo promise. Kung magpapakatanga ka parin dyan sa asawa mo Habang buhay mo yang pagsisisihan na pinagtiisan mo pa yan at ung magiging anak mo kaya mo din ba makita na binabatuk batukan lang din? think mommy and decide.

Đọc thêm

Dapat unang pananakit palang nagisip kna momsh. Wag mong hayaan na ginaganyan ka ng jowa mo. Atyaka wag mo rin sabihin sakanya na uuwi or magsusumbong ka kase lalo kang tatakutin at pagiinitan ng asawa mo. Layasan mo na yan momsh habang maaga 0a at wala pang nangyayare sa baby mo. Humingi ka muna ng tulong sa pamilya mo bumawe kana lanf kapag nakaanak kana magsumikap ka po para mabuhay mo ang baby mo magisa kahit walang tulong niya. Magsumikap ka rin para maibalik mo rin ag tinulong saiyo ng pamilya mo. Godbless ate. Sana pagisipan mo pong mabuti.

Đọc thêm
Thành viên VIP

I'd rather keep myself and my baby alive than to stay in an abusive household. Ikaw nga nagagawa niyang saktan pano pa kaya sa anak niya na di niya man lang mapag ipunan. Just focus on yourself and your baby's health. Why stay sa isang relationship na di ka naman kaya pahalagahan lalo na may baby kayo? Kailangan mo din pahalagahan sarili mo. Just be strong, momsh. Kakayanin mo yan lalo na if your family is supportive sa pagbubuntis mo. You don't need a man that makes you think you're worthless and compares you to other women he's been with.

Đọc thêm

Bigyang halaga mo ang sarili mo,. Kung natitiis mo n sinasaktan ka nia ngayon na buntis ka sana maisip mo, paano pag nakapanganak kana mas lalo mo isipin magkakaanak kana,ikaw nga na maaaring lumaban nagagawa nia sayo,paano yung bata na walang kalaban laban? Di malalayo na masasaktan din nia yung bata dahil di natin maitatangi na ang baby minsan nakakastress kapag iyak ng iyak,paano kung mainis sia sa baby? Paano kung saktan nia din,? Ano gagawin mo? Sana makapag isip ka ng tamang gawin bago mahulu ang lahat.. 🙂

Đọc thêm

Hindi naman na nagmamagaling ako or what. Pero alam mo bakit lagi kang ginaganyan? Kasi hinahayaan mo. Imbis na tumayo ka sa sariling paa mo at isipin yung magiging anak mo or yung sarili mo before sana nasa maayos ka na kalagayan. Once na trinato ka ng lalaki na alam mo ng mali pero pinatawad mo ng paulit ulit, paulit ulit niya rin gagawin sayo yan kasi alam niya okay lang sayo na tratuhin kang ganyan. Kaya habang hindi pa sinisilang ang baby mo. Iwan mo na. Wag mong hayaan lumaki ang bata sa ganyang environment.

Đọc thêm

U have lots of reason para umalis momsh.. Saktan ka lang physically is enough na para hiwalayan sya dagdag mo pa yung saktan ka nya emotionally. Kung mahal mo pa sarili mo at yung pinagbubuntis mo ngaun palang magisip kana.. Aanhin mo yung pagmamahal mo sa kanya kung ang kapalit naman nun eh yung saktan ka. Hindi lang ikaw ang nasasaktan. Kundi pati na rin yung pinagbubuntis mo.. Tanging ikaw lang ang makakapag desisyon sa sarili mo kung gusto mo kumawala sa ganyang buhay oh mas pipiliin mong mamuhay na misable.

Đọc thêm

Magipon ka ng lakas ng loob iwan mo na yang lip mo wag ka ng magpaalam baby mo mahihirapan pag nagpatul0y yan sa pananakit sayo! Pano nalang pag sinaktan ka nya ulit at di mo nabalanse sarili mo??ok lang sana kung papakamartir ka kaso may anak kana isipin mo naman.. marami ang single mom na nabubuhay ang anak kahit wala ang tatay gusto mo bang dumating ang time na yan ang kamumulatan ng anak mo? Na itatanggi na di sya ang ama tapos ano pati anak mo sasaktan niya.. habang maaga pa magisip kana! Goodluck sayo!

Đọc thêm