Couzin in-law

Hi mga sis, advice naman. Dapat ba akong magalit, magselos? Or hindi? Ganito kase yung babaeng pinsan yung hubby ko sobrang close niya sa asawa ko, yung tipong kapag dadating siya ng bahay (kasama kase namin siya sa bahay eh, dahil ng work niya) so yun nga pagdadating siya, yayakapin at ikikiss niya hubby ko sa pisnge kahit kaharap ako, umiiwas naman na hubby ko pero ginagawa niya kase yun pag kumakain kami tapos nakatalikod hubby ko and yun dun niya gagawin syempre hindi alam ni hubby, diba po nakakabastos? Parang wala siyang respeto sa akin. Nasasaktan ako, oo hindi ko dapat sya pagselosan kase pinsan siya and sabi niya ganon dw talaga siya, pero okay lang sana kung sa lahat ng pinsan niya na lalaki eh ganon siya, kaso sa asawa ko lang siya ganon e ? tapos eto pa yung pinaka diko nagustuhan sakanya nung time na naguusap kami ni hubby tapos sabi ni hubby "Nagiisip ako ng kakainin ko" tama ba yung sumabat siya na "AKO" Tama lang ba yun mga sis? Ayoko naman ng ganon, nakakabastos eh. ? Need advice po.

181 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Si hubby ang kausapin mo sis. Sabihan mo sya na sya mismo umiwas at magsabi dun sa pinsan na hindi ka komportable sa ganung kilos nya. May karapatan ka kasi ikaw asawa, pwede mo naman sabihan sya. Pero kung iniisip mo na baka maoffend sya or what, si mister nalang ang sabihan mo na magsabi sakanya.

Thành viên VIP

If i were you kausapin mo siya wag mong sabihin na nagseselos ka instead just tell her observe delicadeza...may asawa na pinsan niya at d na sila bata....kahit mga dalagat binatang mag pipinsan d naman siguro o wala naman siguro ganun ka sweet o baka sadyang kursonda lang niya ang asawa nyo.

Sorry po ah pero kadiri yang pinsan nya. Nakakadiri lang talaga. Barahin mo. Dapat nung narinig mo na "AKO" dapat sumagot ka na agad na HUY KADIRI KA NAMAN para kahit papano napahiya. Paalisin mo na dyan sainyo. Baka gapangin asawa mo sa gabi. Tsaka bastos sya. Daig pa pokpok sa kalye. Kadiri.

Alam u sis, kausapin u mismo yung pinsan ng asawa u...babae sa babae..meron instict tayo mga babae...meron ka karapatan kasi nasa bahay mo sya..eh ano kung sabihin nyang ngseselos ka...its not an etiquet sa isang babae ang movements nya..teach her the proper act of being decent person.

Palayasin but in better words. Haha. Paalisin niyo. Hayaan mo mg rent and boarding house. Sa pgkka describe mo nman parang ayaw ng asawa mo sa kanya, so dapat wala siyang problema kung aalis siya. Pag ayaw ng asawa mo, dun ka mag duda. Pag usapan niyo lang pero need niya umalis

Đọc thêm

Naku delikado po yan parang may pag nanasa sa asawa mo po. Better kausapin mo babae sa babae po. Mali naman ganyang asal nakikitira na nga lang bastos pa. Kung di parin titigil after niyo mag usap, better paalisin nalang po. Baka kasi saan pa mapunta ganyang gestures niya.

May right naman po kayo sa bahay , if not comfortable with it, sabihan nyo po husband nyo what bothers you then better kausapin ang pinsan hanap nlng sya other place na stayhan. Mahirap po everyday ka po namomoblema 😕 Stressful!🤦‍♀️ Pray lng din po.

May pagnanasa yan sa asawa mo. Bat ka nagpatira ng ahas jan sa bahay mo. Kung ako anjan sa bahay mo nasampal at nasabunutan ko na yan. Nangigigil ako sa kalandian nya. Bwisit sya. Iniinsulto ka nyan sa pamamahay mo sa harap pa ng asawa mo. Nangigigil akooooo.

Ay nako kausapin mo yang echoserang froglet na yan. Incest pa ang habol. Una, kausapin mo hubby mo na sabihan yang pinsan nia na hindi ka komportable sa mga pinaggagawa nia, kung hindi pa rin titigil kausapin mo na ng personal yang echoserang froglet na yan.

Thành viên VIP

Magalit ka kase di pinsan yung ganung pakikitungo mamsh. Baka nga kung ako ikaw nabugbog ko na yon haha. Layuan nyo nalang sya mamsh or paalisin nyo siya sa bahay nyo toxic yan, di healthy para sayo nakakawala ng peace of mind yan 😒 advice lng po hehehe