re. kasal before manganak

Hi mga momsh, sinu po dito pinipressure din ng parents sa kasal bago lumabas c baby? 13weeks preg. here! May sinasabi kase silang magiging ilegitimate daw ang baby pag di kasal ang mga magulang. Pero marami nman akong kilalang ilegitimate child, okay nman sila, wala nmang problema sa docs. Nila.. Diko alam kung para lang ba sa iisipin ng ibang tao kaya sila nag iinsist ng kasal o para tlaga sa baby.. Di ko alam kung anu uunahin, kasal o ipon for the baby..

48 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Kung iniisip ng parents is dahil nakakahiyang makita ng ibang tao na nabuntis na muna ang anak nila na hindi kasal, mapipressure ka talaga. Madadaan naman sa magandang usapan between you, your side, your partner and his side. Ang point kasi nila for security ng baby mo at ikaw, kasi may rights ka na sa lahat benefits sa partner mo and in terms of legitimacy of the child. Ma koconsider ang baby na illegitimate kapag na buo at naipanganak siya out of wed lock, o hindi kau kasal, as per Family Code. Oo tama na pdeng ipangalan/ipaapelyido sa tatay si baby, pero acknowledgment lang naman un, but still considered as illegitimate child siya. Kung may ipon bakit di magpakasal kahit huwes/civil wedding, kung wala talaga eh wag ipilit. Pagtuunan ng pansin si baby at mga needs nya. At kung parehas na kaung decided to settle down at magpakasal, e di go.

Đọc thêm

Hndi Naman lahat NG guy nananakit ,. Pero Kung gusto NG magulang nya o magulang mo na makasal PO kau ..syempre dpat PO pag usapan nyong dalawa Kung Anu po Plano nya sayo Kung maikasal po kau . Lahat Naman NG mag Asawa nag aaway o aso't pusa naranasan ko lahat SA hubby ko at ganun din siya SA akin Kasi PALABAN AKO ,. Kaya Kung ako po sau bago ka magpakasal alamin mo po ung side NG partner mo para Alam mo po ang gagawin mo . Kami bago kinasal NG hubby ko 1week bago ang kasal nag away Pa kmi nun 6months pregy ako SA 1st baby ko sinabihan ko siya Kung may prob.siya ayaw nya sabihin Kaya sinabi ko SA hubby Kung ganyan ka mabuti pa wag na tayo magpakasal haha hndi ko maisip na sasabihin ko un .. ngaun 6yrs na kming sakal Este kasal po . Basta TRUST AND FAITH LANG

Đọc thêm

Unahin mo baby if you're not sure pa magpakasal. Hindi biro ang kasal. Kawawa ka kung mamadaliin niyo and hindi mo talagang decision ang kasal. In the end, kung ano man mangyari, masisisi mo silang mga nagpressure sayo. Based on experience to. Wag ka magpapressure. Dapat decision mo ang magpakasal. Illegitimacy? Sa papers lang naman yan. And if ever kayo talaga, pwede naman mapa change yung papers. If hindi naman, as is lang. If maghihiwalay man kayo, at least wala kayo poproblemahin. Lalo pagmay kanyakanya na kayong mga bagong tao sa buhay niyo. Andami ko na sinabi. Lol. Basta unahin mo muna si baby. Wag pa stress. Kaya yan momsh. 🙂

Đọc thêm

nku ganian mama q ung nlaman ni mama na buntis aq cnabi nia na magpakasal daw kami iniinsist nia talaga pumayag nman partner q tutal my ipon nman kmi kahit konti. nkaset na din ung date nkapag sabi na din kami both side sa family. tapos kinausap q ulit partner q kung gus2 naba nia aun ayaw pa pala nia npressure sya gus2 nia kcng kasal ung planado ayaw nia ng biglaan kaya sabi q cgue aq na bahala magsabi sa mama q. c mama kc ayaw lang my sabihin ung ibang tao kaya ganun. kaya ung kasal nmin naudlot. ngaun c baby hinihintay nlng nmin lumabas at ung partner q my binili na din na bahay. bka pag OK na ung bahay dun na kmi magpakasal.

Đọc thêm

Kinasal kami 4 years after pinanganak ko first born namin but before nag school na sya at 5 years old, prinoseso ko ang NSO na maging legitimate sya... Though sa NSO nya may naka lagay na talaga na illegitimate but sa gilid nyan ay may note na LEGITIMATE BY MARRIAGE. Wala naman talaga prob yan... kung gusto din ng parents mo ipakasal kayo, pakasal nalanf muna kayo sa huwes... walang bonggang handa... para hindi na need mag sayang ng money na dapat sana ay sa bata nalang. Pwede naman pakasal nalang kayo ulit sa simbahan later on...

Đọc thêm
Thành viên VIP

Si baby muna isipin mo. Ang kasal ay cllife time commitment at dapat pinag iisipan ng mabuti. Yung iba kasi parang ang daling sabihin na magpakasal dahil nabuntis. Hindi dapat maging basihan ang pagdadalang tao para magpakasal. Pwede kayong maging mabuting magulang kahit di kayo kasal. Madalas status quo lang yan or dahil sa social convention. Magpakasal ka kung mahal mo ang isang tao at handa kang ibigay ang commitment mo bilang asawa nya habang buhay hindi dahil may anak kayo. Marry for the right reason.

Đọc thêm

Ako din pinepressure magpakasal pero hindi ko sila sinunod. Mahirap magpakasal dahil lang nagkaanak kayo. Hindi mo masasabi kung ano pa pwede mangyari. Hindi ka naman basta basta makaalis sa kasal daming proseso. Hindi naman siya magiging illegitimate eh. Pwede pa din makuha ng baby last name ng tatay. Hindi rin naman mahirap iproseso yung documents. Pride nga lang yan. Para hindi nakakahiya na nabuntis ka ng di ka pa kasal. Pero for me okay na yan kesa nabuntis ka ng lalaking kasal sa iba 😂

Đọc thêm
Thành viên VIP

Yes sa birth cert nila illegitimate si baby. Nyan pero okay lang naman yung kung ayaw nyo pa kami rin naman nun minamadali pero diko minadali asawa ko. 6 months preggy na ako nung nag decide asawa ko na magpakasal na kami. Nalagpasan na muna namin yung preassured na papakasal lang dahil buntis. Nagpakasal kami kasi nadecide nanamin na kami na talaga para sa isat isa kala ko nga a year after ko manganak pa nya ako papakasalan eh. Pero after ng kasal namin sunod sunod yung blessings ❤️

Đọc thêm

Ako din momsh every time umuuwi ako samin pinipressure ako magpakasal before manganak kasi kawawa daw si baby na di kami legal ng partner ko. Pero legitimate naman si baby as long as pipirma partner ko pagkapanganak. Momsh mas better maging practical. Unahin po natin mga kailangan ni baby. Pakasal ka na po kung kaya na sa budget at kung ready na kayo financially, emotionaly, at mentally. Lifetime commitment po ang kasal. Di po yan solution dahil nabuntis ka. Just my 2 cents po :)

Đọc thêm

Kinasal kami nung dec. 21 lumabas si baby ng dec 25. Di kami prinessure talaga plinano namin yung kasal. Iba kasi ang benefits ng isang legitimate child under the law compared sa isang illegitimate child but if you get married kahit after giving birth walan magiging problema kasi magiging legitimated ang bata so kung ano ang rights ng legitimate child sa batas ganun din ang makukuha ng isang legitimated child. Yun lang magaasikaso ka ng papers nung bata.

Đọc thêm