Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
First-Time Mom
Diaper
Reklamo na si mister sa mahal ng diaper. Ngayon lang kasi sya nakabili dahil nung buntis ako nag hoard ako sa lazada nung nag sale. Ang mahal daw pala tapos 10 days lang yun kay baby halos ang 40 pcs na pack. Maglampin nalang daw kame. Sabi ko naman walang problema basta sya maglalaba ng mga tinaihan. Mag oot nalang daw sya araw araw para may pambili sya kesa maglaba. Tsk. Nakakatawa lang kasi na realize na nya ngayon na magastos mag anak. Kinukulit kasi ako na mag anak daw ulit kame ng isa pa pag nag 1 year si baby. Mga lalaki talaga akala nila madali lang mag anak.
Tulog
Ito na naman po sya. Umihi lang ako saglit tapos pagbalik ko natulog na naman. Kagigising lang nyan. Hay anak.
Si lo laging tulog. 1 month na po sya pero most of the day tulog sya. Ginigising ko sya minsan para mag laro kame kaso nakakaAwa kasi nakakatulog sya. Normal ba yun sa age nya. Di kasi sya namumuyat. Iyak lang sya pag gutom tapos tulog ulit. Pinaka mahaba nyang gising siguro 30 minutes to 45 minutes. Minsan kasi gusto ko sya kausapin kaso laging antok na antok.
Pregnancy
Never thought I’d miss being pregnant. Umiiyak ako kay baby nun na lumabas na sya kasi hirap na hirap na ko pero nakakamiss din pala lalo na yung di ka pinapa kilos ng asawa mo dahil buntis ka. Ngayon kahit pamanicure di ko maisingit sa dami ng gagawin. Hay
My person
I could just stare at you the whole day. ?? so inlove with you my baby
Inlove
Patay na patay ako sa baby ko. Palagi akong nakatitig lang sa kanya lalo kapag tulog. Wala tuloy ako nagagawa. Hindi ako makapaniwala na galing sa katawan ko tong ganito ka cute na nilalang. Kaya ko palang magmahal ng ganito ka tindi para sa isang maliit na tao. Kala ko sa tatay nya lang ako nagmahal ng sobra. Sarap maging nanay kahit puyat.
She’s here
Feb 14,8 am. Pagtayo ko from bed biglang may parang pumutok down there then lumabas yung kulay tubig. Not sure kung panubigan ko na ba yun since ftm ako hindi ko alam. Nakita ni hubby yung paglabas ng tubig so inaya nya ko puntang hospital. Sabi ko mamaya na baka naman naihi lang talaga ako. So nagpalit ako ng undies with panty liner tapos natulog ulit after kumain kasi balak namen nun mag date sa mall since valentines day at maglakad lakad na rin. I was 39w 2d that time. Pag gising ko around 2pm, drenched na yung panty liner ko and nararamdaman ko din na may lumalabas talaga saken so I chatted my ob, punapunta na nya ko sa hospital to check kung nag rupture na ba talaga bag of water ko. Hesitant pa ko pumunta kasi kinabukasan na rin naman yung sched check up namen so naisip ko bukas nalang ako punta sa kanya. Anyway, si hubby hindi na pumayag, do we went there. Sa ER na IE ako, sabi wala naman daw leak at 1 cm palang daw ako. They called my ob and my ob wanted to check me to be sure so they had me admitted. I was induced into labor. Around 10 pm, my ob arrived tapos pag check nya saken, nakita nya sa hospital pad na may kulay green discharge na ko. Pag ie nya madumi na yung nasa gloves nya meaning naka poop na si baby sa loob while I was induced. She decided to proceed with caesarean delivery kasi maka mainfect na daw si baby. Around 10:48 nakalabas na si baby but she had to stay sa NICU kasi nagkaron na ng infection at mabagal ang paghinga. Hanggang nakalabas ako after 3 days di ko nahawakan si baby dahil naka oxygen sya. That was the scariest and hardest time of my life. Makita mong hirap anak mo, hindi mo mahawakan, hindi mapadede. I almost don’t want to see her kasi it hurts. Iyak ako ng iyak. Yung asawa ko kahit anung pigil nya naiyak na rin. First time parents kame so talagang bago samen lahat. Gusto kong e comfort si baby and tell her it’s going to be okay, na uuwi na kame soon pero di ko sya mahawakan. I went home without my baby pero as per her pedia hopefully bukas pwede na sya iuwi. Yun yung happy thought ko ngayon. Na malapit ko na syang mahawakan for the first time. There’s no reason not to celebrate valentines day dahil bday ng baby ko. Her name is Summer and she’s 2.9kl and I’ll be meeting her soon.
Worries
I have a lot of worries. From the biggest to the tiniest thing you could possibly think of. Like how to properly hold a baby among other big stuff. I have never held newborn in my whole life. Panu kung masaktan sya,maipit yung kamay. Grabe nakakapraning maging ftm.
Hating this
I hate 3rd trimester !! Never ako naglihi nung first trimester. May slight hilo and nausea pero manageable. 2nd trimester is heaven. 3rd trimester is literally hell for me. Lahat ng sakit naramdaman ko at ang pinaka hate ko is insomnia. I’ve had no decent sleep for 2 weeks and starting to wear me down. It’s affecting my mood and everything else. I hate this. Dapat nag iipon na ko ng tulog dahil lalabas na si baby. Baka may tips kayo jan guys. This right here by the way, is me having a really really bad morning. I want to sleep. Please let me sleep!!!
No sleep at all
35 weeks here. Please tell me hindi ako nag iisa. Hindi ako nakakatulog sa gabi. As in the whole night isang linggo na. Sa umaga naman di ko mabawi dahil saglit lang tulog ko. Maingay and all. Sa madaling araw inaasikaso ko asawa ko papasok sa work pero since walang tulog the night before sobrang moody ko. Hindi nalamg ako nagsasalita kasi feeling ko lahat ng sasabihin ko hindi maganda at baka pagsimulan pa ng away. Alam kong puyatan talaga pagdating ni baby so as much as possible talaga kailangan ngayon ako ipon ng tulog pero hindi yun yung nangyayari. Hay. Naisip ko panu pag labas ni baby at magpuyatan kame. Mainit lagi ulo ko dahil walang tulog baka di ko matiis si baby. Baka masigawan ko sya o kung anu man. Ang hirap hirap pala pag walang tulog tlaga. Panu na pagdating ni baby.