re. kasal before manganak
Hi mga momsh, sinu po dito pinipressure din ng parents sa kasal bago lumabas c baby? 13weeks preg. here! May sinasabi kase silang magiging ilegitimate daw ang baby pag di kasal ang mga magulang. Pero marami nman akong kilalang ilegitimate child, okay nman sila, wala nmang problema sa docs. Nila.. Diko alam kung para lang ba sa iisipin ng ibang tao kaya sila nag iinsist ng kasal o para tlaga sa baby.. Di ko alam kung anu uunahin, kasal o ipon for the baby..
Momsh wala namang masama kung magpakasal kayo bago manganak. Atleast si baby legitimate child talaga. Saka mas masarap kasi sa feeling na alam mong kasal kayo ng tatay ng anak mo bago pa sya mailabas. Ako kasi before ako manganak nagpakasal kami civil at sobrang simple lang. Tas mag iipon kami para pormal na makapagpakasal sa simbahan. Mas masarap kasing tawagin kang asawa na kasal ka kaysa tinatawag kang asawa dahil lang may anak kayo. 💖
Đọc thêmProblema ko din yan ngayon. Though naglalakad na kami ng papers para sa kasal, gusto ko sana civil wedding muna. Kaso nag demand ang parents ko na church wedding daw.. Stressed na ako sa totoo lang. Kasi wala silang binibigay na moral or financial support samin. Plus, madalas pa check up ko sa ob.. doble doble gastos. Kung pipilitin ka nila na magpakasal, civil muna. Maging praktikal, mas priority muna dapat si baby.
Đọc thêmNagpakasal po kami dahil sa pressure din ng magulang.. ung bf ko po na 3 years, ngayon magasawa na kami ng ilang buwan palang sinasaktan na po ako ng physical at lagi sinusumbat na dahil sa magulang ko pinilit kami magpakasal. Walang away na hindi ko naririnig ung sumbat na yun.. mag isip isip po kau mabuti. Wag padalos dalos. Ngayon parsng gusto ko na sya iwan dahil sa ugali niya.. pag isipan niyo po mabuti.
Đọc thêmsame situation sis.. 4yrs na kame di pa din kame kasal.. tuwing nGbabalak kame mag ipon pampakasal, eto nabubuntis ako hahaha this yr sana mag aabroad kame ni hubby pra mkaipon, pero buntis ule ako.. 3rd pregnancy ko pero wala pa nabuhay s mga anak namin. Sabe ng parents nia kelangan pakasal na kame para din dw my blessed na yung bata bago lumabas. Kaya lang mas kelangan ng pera pra sa panganganak e ..
Đọc thêmSame prob tayo pero hindi na din ako nakasal hanggang sa lumabas si baby kasi mas priority nung ama mga needs ni baby hoping next yr makasal na kami 😅 okay lang yan mamsh hindi minamadali lahat di naman magic magpakasal mas okay mapaghandaan ng maigi . Focus muna sa nandyan . Si baby muna .. lalo na kung alam mong di ganon kayo kayaman mas unahin muna yung kailangang kailangan talaga ;)
Đọc thêmTyaka oks naman kami sa docs kasi apelyido ni hubby yung gamit ni baby.
Ipon po. Madali na ang kasal lalo kung decided ka na mismo. Ikaw ang magpapakasal at matatali sa partner mo hindi sila kaya think about it first. 11 years old n panganay ko pero walang naka pirma sa bcert nyang tatay (by the way choice ko un. Walang bayag yung tatay ahahhah) gamit nya pa nga last name ko, pero walang naging problem sa school or docs nya so far.
Đọc thêmKung wala pa namang ipon talaga para sa kasal, ipon muna para kay baby. Pwede namang iprocess ang legitimation after manganak. Magagamit ni lo last name ng father niya basta kasama mo nung manganak partner mo pero illegitimate child siya. Ang legitimation kasi usually sa mga mana yan. Na ang may mas karapatan sa mana is yung legitimate child.
Đọc thêmSame samin minadali na ipakasal kami. For me, it was a very good decision na magpakasal na before lumabas si baby. Kasi if lalabas na si baby tuloy tuloy na yung mga needs para kay baby and di na maiisip yung kasal, palagi na ipapasantabi kasi puro kay baby na. Double hassle na din kasi kung ipapachange pa sa PSA.
Đọc thêm🙋♀🙋♀🙋♀ same 🤦♀🤦♀🤦♀ Para daw maayos papers pag labas ni baby. Gusto din ng partner ko pero kasi mas gusto ko i-priority yung paglabas ni baby eh. Madami naman mag partner na may baby na saka kinasal. Hndi din naman ganun kamahal pagpapa legitimate sa PSA, ewan ko ba
Đọc thêmDon’t give in to pressure kung hindi pa naman kayo ready. Illegitimate yung baby sa birth certificate kapag hindi kayo kasal pero pwede na surname pa din ng daddy ang gamitin. May pipirmahan lang ang daddy na additional docs. Recognized pa din yun legally at wala naman magiging problema.
first time mom