6 weeks pregnant
Hi mga momsh, 6weeks pregnant po. Normal lang ba yung araw araw kong feeling. Halos wala ko gana kumain kasi parang pag may kinain ako sasama pakiramdam ko or parang naduduwal, and bloated, prang yung feeling ng may hang over lagi. Madalas bloated pakiramdam kahit wala naman masyado kinain. Naaawa tuloy ako sa baby halos hindi kasi ako makakain :( sabi ng kapatid ko pumapayat pa daw ako :(
normal po yan mamsh kasi nag aadjust katawan mo sa pregnancy at nagkakaroon ng hormonal changes kaya kung ano ano mararamdaman mo. kapit lang mamsh pilitin mo kumain kasi crirical ang first trimester yan ang umpisa ng pagbubuo ng katawan ng fetus. pag di ka kumain maaapektuhan yung development nyan kasi kulang sa nutrients. pag nag tuloy tuloy na di ka kumakain ng ayos baka makunan po kayo. kaya mamshie pilitin nyo po kumain talaga. stay safe and healthy para kay baby.
Đọc thêmNaku ganyan din ako 10weeks pregnant na ako halos araw araw para akong may hang over at walang gana kumain. pero kahit ganun nilalabanan ko mga nararamdaman ko kumakain padin ako ng tama lalo na pag nagutom☺️ kase kapag di tayo kumain si baby ang kawawa kaya fighting lang mga mii, wag natin masyado pansinin yung hirap na nararanasan natin kain para sa tama para kay baby 🤗
Đọc thêmitong 2nd pregnancy ko sis 7 kilos ang nabawas saken, hindi man lang ako nag gain ng weight. 25 weeks na ako bukas, pero sabe ng OB normal lang daw. lalo na at maselan ka sa pagkaen basta lagi mong iniinom mga prenatal meds mo. and yung FOLIC, ang pinaka importante sa development ni baby. kasi kapag kulang sa folic nagkakaron ng abnormalities si baby like may cleft palette ganun.
Đọc thêmeveryday naman ako umiinom po ng folic :) thank you po
ganyan din po ako nuon nong 12 weeks pababa si baby wala talagang gana kumain sinusuka ko lahat bumagsak Ang timbang ko Ang ginagawa ko is umiinom ako ng milk para bawe don sa mga naesuka kong food and 24weeks nako ngayun bumalik na yong gana ko sa pag Kain kaya ok Lang po Yan part po yan ng pag lilihi mo 💞
Đọc thêmGanyan din ako mommy nung first tri ko. 3-4x a day ako nasusuka. Ayoko ng pagkain na may onion at garlic kc nasusuka ako sa baho. Basta inom ka lang marami tubig mommy. Kain ka ng crackers, oatmeal, pwede ka din low fat fresh milk. Tiisin mo mommy, pagdating mo ng 2nd tri mawawala din morning sickness mo. Ingat po.
Đọc thêmthank you po :)
Ganyan din nangyare saken nung buntis. From 57 kilos naging 50kilos ako kase hirap talaga kumain. Pero nung 2nd trimester bumalik na sa normal pang amoy at panlasa ko kaya nakabawi bawi naman ng kain. Hirap lang din kumain ng madami kase mahirap huminga. Part of being pregnant yan sis. Malalampasan mo din yan.
Đọc thêmthanks sa pag sagot mommy. hanggang 2nd trimester po ito? mejo matagal pa pala nga tiisin ko sa pagkain. naawa lang ako sa baby,kahit fruits hindi ko minsan makain. sobrang wala ko gana kumain madalas
halos lahat din nun sinusuka ko namis ko ng 5 weeks palang ako wala pako nararamdamn pag ka 6 to 7 weeks start na ng pag hihirap ko kala ko pa dati pag morning sickness e konti konti lang nasusuka duwal duwal lang aba hindi pala 🤣 lahat pala ng kinain mo isusuka mo haha🤣
same here po halos kakain mo lang isusuka na agad small meal daw po sabi nila para di mabloated nararanasan ko din po kasi na after ko kumain ung kinain ko parang nasa esphagus ko pa di bumababa sa stomach ung para kang may dyspepsia hirap na hirap nadin ako pero niallakasan ko nlng loob ko para sa baby ko 😇
Ganyan din ako mamsh. ngayon 10 weeks nako and counting pero di na masyadong nasusuka. 😊 Better go to your OB nalang para mabigyan ka ng vitamins kase di daw po maganda na bumababa yung timbang mo lalo na't pregnant ka po.
thanks po :)
Same! Lalo na ngayong 8 weeks na ko. According to some research, 8-12 weeks daw mag spi-spike yung hormones kaya grabe morning sickness ko. I really hope mawala na sya kase nahihirapan kami ni baby ☹️
true. nakakaawa si baby dahil hindi tayo makakain ng maayos. thanks po
Ganyan din ako nung first tri. Minsan matutulog nalang ako, bigla ako nakakaramdam na nasusuka ko. Kaya lagi ako may katabi na plastik or basurahan na maliit, in case.. kahit gusto ko yung food, isusuka ko parin.
thanks momsh, akala ko ako lang kasi nakakaramdam ng gantong feeling. first time ma pregnant po kasi