frustrated. HELP.

Mga mommy, magopen up lang ko dito ah. Hindi ko na kasi alam gagawin ko. Im a new mom, syempre may mga matatanda tayong nagtuturo saten tulad ng lola at nanay. Kaso di ko alam kung anong susundin ko tulad ng wag daw paliguan ang sanggol ng isang linggo hanggat di natatanggal ang pusod, e ang sabi sa ospital paliguan daw agad. Wag ko daw sundin yun, ginawa ko nga tapos nagkaroon ng rashes si baby, bakit ko daw hindi nililinis si baby kaya daw nagkaroon. Hays. Tapos yung sa bigkis sabi ang bilin saken ng ospital wag lagyan pinapagalitan ako, kaya nilagyan nila. Tapos ngayong meron, nangamoy yung pusod habang malapit na matanggal. Sabi saken bakit di ko daw kasi nilagyan ng maaga. E okay naman yung pusod ni baby nung wala e. Wala namang ganun nangyari nung di ko nilalagyan. NAIIYAK NA KO MGA MOMMY KASI HINDI KO NA ALAM KUNG SINONG SUSUNDIN KO. GUSTO KONG MAGING HEALTHY SI BABY PERO PARANG MAS MARUNONG PA SILA TAPOS ISISISI SAKEN KAPAG MAY NANGYARI. PENGE NAMAN AKONG PAYO MGA MOMMY.

77 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Mas makinig ka sa doctor mommy. Ako never ako gumamit ng bigkis kasi di namn na kailangan dahil may ipit and mas maganda ung nakakahinga yung pusod para mas mabilis mag dry. Linis an mo lang lagi ng alcohol pusod ni baby ung talagang may makukuhang kulay sa cotton.

Thành viên VIP

Qng ano cnbe ng Hosp saio un ang sundin mo khet p against s lola at nanay mo.. Dhel pg ngksket anak mo ikw ang magkakaproblema.. Khet fave aq ng lola q at lage anjan mama q s eldest q nun nver cla nkialam khet mei mga pamahiin regardng pa pra s baby..

Thành viên VIP

Sundin mo lang po cla wala nmn masama doon .. or else gawin mo lang pag andyan cla pag wala do your own nlng po respeto nlng din po sa mga pamahiin nila.. ganyan lola q dati madami sya pamahiin pero totoo lahat ng turo nya skin at nakatulong😊👍🏻

5y trước

😊😊😊

Thành viên VIP

Momsh your child your rules. Ikaw po dapat ang masusunod sa anak mo, just explain it to them in a nice way. Yan din yung naging reason ko kung bakit mas pinili ko bumukod ng bahay. As mother ikaw po ang mas nakakaalam ng mas ikakabuti ng anak mo.

I feel you mommy.. Ganyan din ako pagkapangank halos umiyak ako araw2 kasi lagi ako pinapagalitan ng mother ko dahil iba ang bilin ng doctor sa gusto nila.. Lagyan mo lang po ng alcohol yung pusod ni baby tska wag mo takpan para mtuyo agad

Ikaw po masusunod ikaw nanay e. And since ikaw din naman sinisisi pag may nangyari hindi maganda kahit sinusunod mo sila. Better follow the doctors. Wala naman basehan un mga pamahiin na yan e. Puro kabobohan lang na pinagpasa pasahan.

Thành viên VIP

Trust your instinct mommy. Bilang nanay alam natin makakabuti sating anak, ako sarili ko lang sinusunod ko kesehodang matanda pa ang magsabi okay lang manghingi ng input pero hindi natin need sundin sila, iba panahon ngayon kesa dati.

Everyday dpat pinapaliguan c baby kc my mga dumi p yn sa balat nya at ulo..Just mk sure na pgkatapos maligo patuyuin kaagad bago lagyn ng diaper..or patakan m alcohol pra mas mbilis mhilum at mtanggal ang nkaipit na pusod ni baby..

Kung sa pag try nyo po sumunod sa mga nakakatanda napasama si baby.. Magpacheck up nalang po kayo. At wag po kayo aapekto sa pagninisi nila sa inyo. Sa inyo pong anak si baby, nasa inyo po ang decision pano sya palakihin.

Ang one more thing mas maniwala ka sa mother instinct mo. Mas accurate yun tapos samahan mo ng advice ng doktor 😊 Yung rashes nya mommy baka di lang hiyang sa sabon or try mo ihalo lang sa tubig wag directly sa skin nya.