Pusod ni baby
Paano po maglinis ng pusod ni baby tska ano po b nilalagay?? sabi s hospital wag daw alcohol,, sabi nmn ng iba alcohol lng nilagay nila s baby nila.. ? sabi nmn wag daw alcohol betadine daw.. di ko po alam kung ano susundin ko... mag 2 weeks n kc pusod ni baby s Sunday pero di p napipigtas... anyone can help me?? thank you po..
Alcohol sis.. una ang gamit q betadine kaso pansin ko parang nabasa lang xa. Ang turo sakin ng nanay q. Bulac binalot nya s tela nilagyan ng alcohol. Ung mabasa ung tela at bulac. Saka pinatong s pusod. Tas binigkisan. 1 araw lng pgtanggal q ng tela kasama n dn ung pusod.
saken alaga lang sya sa alcohol. ginagawa q ung alcohol nilalagay q sa bulak tapos ipangpapahid q sa pusod ni baby. 3x or 4x a day q ata ginagawa un at wag hahayaan na mabasa pusod nia pag pinaliguan muh takpan muh ng bigkis . 3weeks plang OK na pusod nia
Hello base sa experience ko 7-10 days lang matatanggal na pusod ni Baby. Yung doctor nya sabi alcohol patakan m lang after maligo tapos sa tanghali at gabi. Mabilis din matanggal ang pusod kapag lagi naliligo si Baby at dapat lagi dry lagi ang pusod 😊
sb pedia ko dapt 70% na isoprophyl alcohol.ispray sa pusod then ska linisin ng cottons buds but make sure sa paikot lang...then wag hahayaan na masagi o matakpan ng diaper or mabasa.kya ako binigkisan ko to make sure.sna nakatulong ako.
Ethyl alcohol po ginamit ko sa pusod ng 1st born ko ayun wala pang 1 week tuyo na at kusang nalalaglag siya na kinakaba ko pa akala ko napaano na. Hassle kasi pliguan si baby pag di pa tuyo yung sa may pusod niya
Alcohol po 3x a day. Nde naman masasaktan si baby dahil patay na nerves nyan. No need nadin nang bigkis hayaan mo lng. Ung baby ko mamsh 4 days lng okay na pusod nya. Sundin lng kung ano sabi nang pedia
mas better tlga alcohol... sabi kc sa hospital distilled water lng nung nanganak ako.. sinunod ko un pero namaho pusod ni baby.. kaya pinacheck up ko sya sa pedia nmin alcohol nga dw po dpat...
Yung pinanganakan kong ospital may binigay sakin na pantuyo sa pusod ni baby, septoderm spray lang nmin sya umaga at gabi. 6days pa lang si lo tuyong tuyo na pusod nya at matatanggal na.
Wag po idirect lagay ang alcohol sa pusod linisan lang po lagi and expose sa hangin para mabilis matuyo at magheal.. hindi po inadvice ng pedia ko aang alcohol sa pusod ni bby.😊
70% isopropyl alcohol. Wala pang 2 weeks tanggal na pusod ng baby ko. Sabi rin ng pedia nya pwede lagyan alcohol para mabilis matuyo. Pero pwede rin daw walang ilagay.
Mommy