frustrated. HELP.

Mga mommy, magopen up lang ko dito ah. Hindi ko na kasi alam gagawin ko. Im a new mom, syempre may mga matatanda tayong nagtuturo saten tulad ng lola at nanay. Kaso di ko alam kung anong susundin ko tulad ng wag daw paliguan ang sanggol ng isang linggo hanggat di natatanggal ang pusod, e ang sabi sa ospital paliguan daw agad. Wag ko daw sundin yun, ginawa ko nga tapos nagkaroon ng rashes si baby, bakit ko daw hindi nililinis si baby kaya daw nagkaroon. Hays. Tapos yung sa bigkis sabi ang bilin saken ng ospital wag lagyan pinapagalitan ako, kaya nilagyan nila. Tapos ngayong meron, nangamoy yung pusod habang malapit na matanggal. Sabi saken bakit di ko daw kasi nilagyan ng maaga. E okay naman yung pusod ni baby nung wala e. Wala namang ganun nangyari nung di ko nilalagyan. NAIIYAK NA KO MGA MOMMY KASI HINDI KO NA ALAM KUNG SINONG SUSUNDIN KO. GUSTO KONG MAGING HEALTHY SI BABY PERO PARANG MAS MARUNONG PA SILA TAPOS ISISISI SAKEN KAPAG MAY NANGYARI. PENGE NAMAN AKONG PAYO MGA MOMMY.

77 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

baket ka makikinig sa matatanda na yan hinde naman ngaral ng doctorate yan. pabayaan mo sila mangulit wag mo sundin kung alam mo naman hinde tama ang pinapagawa nila kita mo nangyari sa baby mo ngaun dahil sa sabi sabi nila

Mainam pdin kung OB/doc sundin nyo po.. dami kasi paniniwala ng mga matatanda minsan di naman na totoo, natatakot na tayo dahil sa mga pamahiin na walang katotohanan hays.. Doc/Ob lam nila makakabuti satin mga pasyente.

Follow the hospital or the doctor. I have experienced the same thing with my MIL but I am a fighter so I put my feet on the ground and set a rule that “my child, my rules”. Simply followed the Doctor’s orders.

may nabasa ako from a doctor which is di po daw talaga need lagyan ng bigkis pusod ni baby. mas matagal daw po maging ok pusod niya pag may bigkis. linisan lng daw po ng maayos. at nagkocause din daw kasi xa ng ubo

Thành viên VIP

I feel you mommy pero since ikaw ang ina, pwede namang ikaw ang masunod. Kahit naman ano ang gawin natin at sino sundin natin, may sasabihin pa rin sila. Sundin mo kung ano sa tingin mo ang tama :)

Everyday q po pinapaliguan c baby but let the umbilical cord dry after bath po. Inadvised po aq na pedia q not to put bigkis po open air lng po at linisin ng cotton with alcohol.

Cover your ears! Buksan mo lang 'pag OB mo na ang magsasabi. Hindi naman ikaw ang magpapagamot ng anak mo kung may mangyaring 'di maganda dahil sa mga pinaggagawa nila.

Walang problem sa pagpapaligo mommy. Kaht everyday pa yan bsta un umaga. Tapos un sa pusod naman para d mangamoy 2x a day mu sabunin. Pag nalaglag na chaka mu i alcohol.

5y trước

Sa work ho namin as a nurse sa ospital yan po ang issue ng DOH. At effective po siya. Kasi yan din po ang sinusunud ng mga pediatrician namin. Sorry ho kung para sainyo mali. ☺️

Agree ako s my child my rule malilito ka talaga kng alin susundan mo mommy pakinggan mo lng sarili mo dahil mas alam nting mommies ang needs ng babies natin

Wag po masyado maniwala sa mga pamahiin..ung inadvice parin ng healthcare provider/ doctor ang sundin because they are based from facts and studies...