Share ko lang.
Just wanna share yung mga natutunan ko ngayong araw for those moms na hindi pa alam specially first time moms.Iwasan daw maglagay ng manzanilla sa ulo ng baby pati sa tiyan. May chemicals pa din daw kasi yun kaya masama para sa baby. Yung sa tiyan naman daw kung sakaling kinakabag, wag na lagyan sa tiyan. Ipa-burp nalang daw. And yung baby powder, pwede daw kasi mag cause ng asthma. Sa baby bath naman. Mild lang daw lagi, di naman kailangan na sobrang expensive. Mas maigi pa din daw yung mild lang dahil maselan ang skin ng baby. At kapag magpapaligo naman ng baby, palaging unahin ang ulo pero kailangan nakabalot ng towel ang katawan ng baby para hindi daw malamigan dahil madaling pasukan ng lamig ang baby. So habang winawash yung ulo ni baby, yung katawan ay nakabalot ng towel. Tapos after iwash ang ulo. Balutan agad ng bonet para di mapasukan ng lamig ang ulo dahil iniingatan daw ang bunbunan. Tapos yung sa pusod. No need na daw ang bigkis at pag maglalagay ng diaper, make sure na hindi natatakpan ang pusod. So yun lang naman. Basic lang naman, na for sure eh alam na ng ibang mga mommy. No hate po ah. Gusto ko lang malaman ng iba yung mga nalaman ko lalo sa mga mommy like me na malapit na lumabas ang baby ☺️☺️?