Check up

Hello mga mommies. Sino po dito mula ng pagbuntis nila eh sa center nagpapacheck up? Ngayon po kasi sa private ako eh balak po nung MIL ko na sa center para makamura lalo na pag manganganak na. Sa totoo lang nag aalala ako kung okay ba sa center. Gusto ko lng malaman kung ano mga experience nyo?

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hi! Depende kasi yan sa lugar nyo po, sa amin kasi di okay magpacheck up sa center kasi parang incomplete yung pagcheck up gawa ng minamadali minsan dahil sa maraming tao. Sa private kasi okay talaga gawa ng pwede ka magtanong-tanong, complete lahat ng process kagaya ng pagmeasure ng size ng tiyan mo, pagpaparinig ng heartbeat, etc. Ftm ka po ba? Pag sa center ka kasi nagpapacheck up usually irerefer ka sa panganganak sa public hospital po. Better check po if okay feedbacks ng public hospital sa inyo. If okay naman po feedbacks, push na. :) Pero if I may ask mommy, si MIL po ba nagbabayad ng check ups mo po? If hindi naman po and may budget po kayo, I recommend na sa private na lang po kasi mas maganda po (for me hehehe).

Đọc thêm
4y trước

Di lang ako sigurado sa mga center dito sa'min. Pero yung OB ko kasi eh simula nung di pa ako preggy actually dun ako talaga ako nagpaalaga kasi may PCOS ako nun. Ako rin naman gumagastos nung check ups ko at laboratory. Maganda dun kasi sa clinic nya kumpleto lahat. Kaso ngayon kasi eh dito kami nakatira sa MIL ko kaya parang out of respect nlang kumbaga kaso hindi talaga ako sure sa mga center dito. FTM ako at since ganun pa nga sitwasyon namin eh. nag aalangan talaga ako.