Nakakalito
Pa-help mga mommies! Mula kasi first check up ko eh sa private OB na ako ngayon kasi lumipat na kami ng lugar pero same city pa rin naman at nirecommend ni MIL na sa center nalang kami para makatipid. Nagpacheck up po kami kanina at napansin eh ang sungit nung midwife/ob sa center kaya di ko alam kung kumportable ako na bumalik dun kaso pinababalik ako next month same as my first OB para turukan ako ng anti-tetanus ( dun rin ako nagpaturok nung first ko sa una kong OB ) Di ko alam kung san ako pupunta okay lang ba na ituloy ko sa center yung pagpapa-injection ko or dun sa ob ko nalang ulit? naguguluhan kasi ako gusto ko rin makatipid pag manganganak ako kaya nagtry ako sa center kaso di kasi okay check up sakin eh. Nag aalala lang ako sa kalagayan ni baby. #1stpregnant #NeedAdvicePo