Newborn Items
Mga Mommies kelan kayo nagstart mag buy ng mga baby things? 19weeks here, I already know the gender and just started to buy the newborn clothes and bird's eye (lampin), sinabihan ako ng lola ko na wag na muna since mag 5months pa lang daw baka daw mabugok? Gusto ko na sana maunti unti habang di pa ko hirap mag ikot ikot. Kayo po ba ilan months kayo nagstart mamili?
ako mommy 6 months ako nagstart mamili pakunti kunti para hindi mabigat sa bulsa at may budget pa rin or nakakapagtabi ako ng money kahit papaano kaya kada may sale sa shopee or lazada pinaghahandaan na namin ni hubby kaya ngayon 34 weeks and 5 days kumpleto na lahat ng gamit ni baby nalabhan na rin pati hospital needs ko ok na din and mga essentials like cottons, diaper or bottles etc ok na lahat hehe waiting nalang kay baby☺️
Đọc thêmWe started buying 4 months palang si baby, mas okay yong bibili ka pa unti2 kesa maramihan and wag ka maniniwala sa sabi2 as long as alaga ka ng OB mo then walang dapat ipag-alala. Bili ka lang ng white stuffs muna or yong mga essentials like mga shampoo abd etc. ☺️ And for the diaper, wag bibili ng bulto baka di hiyang. Buy ka 2 brands para may option ka, don't forget to buy Calmoseptine just in case. ☺️
Đọc thêmI guess it's a case to case basis. Pero yes the earlier the better. Kaya Lang in my case since I had stillbirth at 26 weeks last time, mejo skeptical ako to buy baby stuff agad. Not that I'm being too pessimistic, pero the anxiety and fear when you lost a child will always be there.
Sorry to hear that. I also have the experience of miscarriage kaya siguro medyo ano yung mga matatanda dito na early akong naghaul ng mga baby things.
minsan nakaka inis din ang mga kasabihan ng matatanda,kahit ako gusto ko na din mamili mga gamit ni baby kaya lang sabi nila pag 7 months na daw kasi masama daw bumili ng ma aga.nasabi ko na lang tuloy sabagay wala naman mawawala kung makikinig kaya lang minsan wala naman scientific basis.
3 months palang super excited kasi! may pamahiin pa nga sila dapat 7months daw bumili😅pero namili pdn ako lalo na super sale sa shopee at SM sayang din. so far ok naman kami ng bb ko 7 months na sya sa tyan ko ☺ wag lang pa stress masyado at ingat palagi para safe kayo ni bb mo
4 months pa lang nag start na kame mag purchase ng ibang baby essentials. May checklist kame ng pwede na namin unahing bilhin para hindi gano mabigla sa gastos. Sabi din kasi dapat at 7 mos. complete kana ng gamit sakaling mapagaa ang labor e prepared na. 😊
Nung nalaman ko rin gender ni baby, pakonti konti na bili namin ni hubby. Inaabangan namin tuwing may sale sa mall. Okay na rin, hindi nakakabigla sa bulsa at hindi mahirap iuwi kasi nga konti konti lang. Ngaun, mag 8mos na ako, halos kumpleto na kami 😊
mas maigi bumili ng may kailangan ni baby like diapers mas maganda kasi marami kang stock na diaper yun kasi yung medyo mahal ,tsaka mga kailangan niya like panligo shampoo,lotion,manzanilla like that tapos niyan mga damit na din
7months ako nagstart bumili😊 tapos since pandemic mas madami ako nabili sa shopee at lazada.. Kahit yung mga playpen, stroller carseat sa shopee ako umorder mahirap kasi gumala ngayon pandemic dapat unahin na safe tayo😊
Ako din nga gusto ko na bumili ng mga gamit ni baby. Kaso may mga kasabihan. So wala nman mawawala kung susunod na lang ako. 😊😊.. I'm 24 weeks preggy... Pero balak ko itong june na ako bibili.,
Domestic diva of 1 superhero magician