Hello mga momsh! Story time. Warning: sad story. 2nd pregnancy ko, sa 1st ultrasound, nakita na 2 YS pala ang nasa sinapupunan ko. Mixed emotions kaming mag asawa. Ako literal na kinabahan nung una, but as day goes by, ung kaba namin napalitan ng excitement 😀 at sobrang saya namin kapag sinasabi ng panganay namin na bubuhatin daw nya ang kambal. 2nd trans v namin at 7 wks, nakita na mas maliit ng 1wk si Twin B kesa kay Twin A. Nagdagdag ng pampakapit si OB at double dose na rin sa ibang vitamins. Ang mahalaga nun saken, pareho silang may heartbeat. Kaya lang, kahit ganun, sa 3rd transv at 11wks, si twin B ay nanatiling 7 wks. At di ko napigilang umiyak habang ongoing ang transv kasi wala na raw cardiac activity si twin B. At hindi siya nagdevelop. As in, nung nagzoom ang sonologist, bilog lang siya, while si Twin A ay baby form na at malakas ang heartbeat. Yung kasiyahan namin, napalitan ng lungkot. After ilang araw from last ultrasound ko, panay ang sakit ng puson ko at nagkaspotting. Iniisip ko baka epekto ito ng nangyari kay Twin B. Nagpa ER kami, dinagdagan ulit ng pampakapit at inadvise na magbed rest. Ang hirap lang ng sitwasyon na hindi pwede masyado maging malungkot dahil sa pagkamatay ng isang baby at the same time dapat maging masaya na alive and thriving si Twin A. Meron na po ba naka experience ng ganito mga Momsh? Kumusta ang surviving baby nung nailabas nio? Naging maselan din ba ang pagbubuntis nio all throughout the pregnancy? #VanishingTwinSyndrome #twin #twinpregnancy #Needadvice
Đọc thêm
Hi mga momsh, pa help naman po. Pregnant ako with twin and sa last ultrasound namin, si twin B ay kalahati lang ni twin A. Meron na po ba dito same experience? may chance pa po ba na maging same sila ng size and heart beat? Currently 7 wks si twin A and twin B ay 6 wks. HB pala ni twin A ay 148, 121 naman kay twin B. Need ko ba dagdagan kain ko? Sa Sat pa kasi sched ko kay OB. Salamat sa sasagot. #AskingAsAMom #pregnancy #twin #twinpregnacy
Đọc thêm
Hello mga momsh, meron na po ba dito nagbuntis sa kambal? nalaman ko kasi kahapon sa transv na may dalawang yolk sac sa ovary ko. sabi ng Ob Sono, kambal daw. kinakabahan ako, ano po mga dapat kong ihanda at gawin kapag kambal ang ipinagbubuntis? 2nd pregnancy ko na ito, hindi dapat ako kakabahan kaso twin pala sila. overweight ako, di pa ako nakarecover sa weight ko from first pregnancy. mas mataas daw ang chance ng gestational diabetes and preeclamsia lalo na mag 37 yo na ako this year. bukas pa ako babalik sa OB ko for the check up, ano po magandang itanong kay OB. at kailangan kong paghandaan. salamat po sa sasagot. #twins #twins
Đọc thêm




Normal po ba na naglalagas buhok ni baby? Ganyan po lagi higaan ni baby pagkagising nia sa umaga. 11 wks palang siya, worried ako baka dahil sa shampoo nia? Btw, tulog po siya buong gabi, from 8pm to 6am. Gigising lang para dumede. Cetaphil gentle wash and shampoo gamit namin sa kanya. Sana matulungan nio ako mga momsh. Salamat sa sasagot. #adviceplease #FTM #firstbaby_11wks
Đọc thêm