Stress At pagod
Hello mga mamsh. Mag ask lang sana ako. Hndi ko na kasi alam gagwin ko. 21months pa lang si baby pero napapalo ko na sa sobrang likot nya, minsan napipigilan ko sya pero minsan napapalo ko talaga sya. Naaawa na ako sa anak ko. Ano kaya pwde ko gawin? Ginagawa ko naman na iwasan na pagalitan sya. Pero parang may mali talaga sa akin. Kami lang kasi dalawa ang naiiwan araw araw, tapos kapag merun naman si mister ko hndi naman nya ako gaano natutulungan dto sa bahay. Ano kaya pwde ko gawin para iwasan na magalit at mapalo ko yung anak ko mga mamsh? Naaawa na kasi ako pati sa sarili ko. 😭😭😭😭
Hi mommy. Sa tingin ko po ay posibleng dahil sa kayo mismo ay pagod at stressed na kaya nahihirapan po kayong magpasensya. Please take care of yourself as well, make sure may tamang kain at pahinga rin po kayo 🤗 Ako, napansin kong mas maikli ang pasensya ko kapag busy ako, na dapat mayroon akong gawin pero hindi ko magawa dahil kay baby. Pero tinuruan ko ang sarili kong isipin na kahit ano pang gawaing bahay, wala nang mas hihigit at mas importante pa sa pag-aaruga kay baby. Ito dapat ang main task ko, at bonus na lng kung may magawa pa akong ibang gawain. Alam kong mahirap po itong gawin, lalo na kung solo lang talaga kayong kumikilos para sa mga gawaing bahay. Importante rin po na maintindihan ito ng asawa nyo at marealize nya kung gaano kahirap mag-alaga ng bata para hindi nya kayo sumbatan sa ibang gawaing bahay. Posible rin po kasi na baka sobrang busy ninyo, at kaya naglilikot nang husto si baby ay dahil gusto nya makuha ang attention nyo. In my experience, ini-spoil ko si baby ng attention ko-- kapag tinawag nya ako, sasagot agad ako at pupuntahan. Kapag busy ako, sasabihan ko sya ng "sandali lang" and I make sure to attend to him asap. Ang result, he feels loved and secure. Very independent kahit na extended breastfeeding kami now at 2yo ay hindi sya clingy (except when sleepy na sya and he wants his dede 😅). Alam nyang I'm always there for him if kailangan talaga nya ko, but willing to wait na rin sya kapag may iba akong ginagawa. Also, "choose your battles". Pinaglalaruan nya ba ang kutsilyo or electric outlet? Hindi talaga dapat. Tumatakbo ba sya sa loob ng bahay, nagkakalikot ng displays, o nagda-dive sa maduduming labahan? Baka pwede namang pagbigyan nyo na lang ☺️ Understandable na ayaw nyo sya masyado maglikot at masaktan (the irony is nasasaktan nyo sya in the process). Pero obserbahan nyo rin po sya, baka naman kaya na nya (umakyat mag-isa, tumakbo, hindi makabasag, etc). Encourage him rather than limiting him. Observe and correct, huwag nyo agad i-assume na hindi nya kaya o mali ang gagawin nya. Very curious ang mga lo natin... let them explore but be there for them to assist and support to avoid any accidents or disaster. Gawain ko, kapag umaakyat si lo na baka ikahulog nya, hinahayaan ko lang at hinihintay na mahulog sya (minsan sinasadya kong ihulog sya), and I make sure to be there and catch him. Kapag may bawal, I let him know and/or experience the consequences kapag hindi sya sumunod (hindi palo but the actual reason bakit bawal). Usually, he gets the lesson and hindi na nya uulitin. Minsan naman ay magugulat ako kasi malakas na pala sya, at kaya na pala talaga nyang hindi mahulog. Most of the time ay tinuturuan at inaalalayan ko rin sya kung anu-ano ang mga dapat nyang gawin para hindi mahulog. Kasi nandyan na yan na curious sila, hindi mo na sila mapipigilan, you can only guide them. Parang tayo lang din, kahit anong sabi sa atin na mali ang isang bagay, ipipilit pa rin natin until marealize natin on our own na talaga nga pa lng mali (or prove them wrong). I made a lot of assumptions here na hindi ko sure kung talagang applicable sa situation mo, mommy. I hope makatulong kahit papaano. Please be kind to yourself, and don't think you're a bad mother because of this. We all make mistakes and the good thing is that we can always do better 🤗
Đọc thêmUna, normal nman po sa bata ang maging malikot, mali po na napapalo si baby hindi pa kasi niya masyado maintindihan kaya kailangan ng gabay mas mabuti na pagsabihan mo nlang siya. Ikalawa, make yourself busy (mgsideline ka po syempre yung mababantayan mo rin si baby), wag umasa kay mister na matutulungan ka sa bahay kasi baka pagod din siya sa work niya, magbasa ka po ng books about inner peace/meditation baka may ibang triggering factors na di mo alam kaya palagi kang iritable
Đọc thêmGanyan tlga mi pkramdam.. exhausted lalo ikaw lng nag aasekaso Kay baby at mga gawaing Bahay.. Pero mi unawain mo si baby mag ka age cla ng baby ko..Lagi ko nalng iniisp d nya pa naiintdhan lhat, pg minsan somusobra na Ang kakulitan, hnahabaan ko nlng pasyensya ko.. Minsan gusto nya lng din ng attention mo.. Pero big help din Ang support system sa paligid mo.. Pag ramdam ni Mister na mainit na ulo ko knukuha nya na Yung baby nmin pra mkpag phinga ako..
Đọc thêmganiyan din ako sa baby ko nung 2weeks siya pero hindi palo, nahehele ko siya ng malakas tapos minsan nakukurot ko siya sa diaper niya pero hindi ko nilalakasan kase alam kong masasaktan siya. hirap kase more than 6hrs ang pagwawala at pag iyak niya, nakakangawit nang buhatin pero ayun gusto niya eh tsaka gusto niya pa sa labas napakainit din kase sa loob ng bahay. mahabang pasensiya lang po ang kailangan natin, nasa pospartum pa po tayo.
Đọc thêm