Pasaway na Toddler

Hi mga mamsh. need help po. May toddler kasi ako (girl) na 2 yrs old. Ngayon nagkaron kami uli ng baby boy, 20 days old. Ang hirap po kasi imanage nung panganay namin, parang kumulit sya simula nung nagkaron ng kapatid tska naging papansin. As in literal na kahit alam nyang mapapgalitan o mapapalo sya sa kakulitan nya o gagawin nya, itutuloy pa din nya hanggang sa mapansin sya. Tapos madalas po nyang sampalin o sabunutan basta kung ano anong masakit para sa baby gagawin nya sa kapatid nya. Naaawa ako pag napapalo ng papa nya kaso hndi po namin makontrol ung kulit nya. Lalo na po pag nabibigla kami sa gnagwa nya kay baby, napapalo talaga sya. Please help naman po mga mommy kasi naaawa na din ako pag pnapalo sya tska nasstress na din po ako sa knya. Ayoko din po na kalakihan nya ung ganyang ugqli. Sa mga may ganto pong anak ano pong tips maibbgay nyo? Thankyou po.

15 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Sis, ganito po yan, ganyan din ako. Then we tried to ask for help, normal na ganyan ang batang nasundan na di niyo po siua ni ready, ano poba yung mga bagay na habang nasa tiyan pa si baby sinasabi niyo puba kay ate na magkakaroon na siya ng kapatid? Na dapat mahal niya? Maiintindihan niya yun sis, saka huwag niyo po iparamdam sakanya na amna out po siya, nakaka feel po yan ng selos at di niyapa ma control ang sarili niya since baby padin kasi siya, you have to let her na bantayan si baby, ewan ko sis pero sa same age ng baby ko at baby mo pareho lang po tayo nun tapos ang kuliy niya pasaway,panay iyak pero hindi niya inaaway si baby ilang araw lang yun sis I think 3days lang ? Nag adjust lang siya na anjan na yung kapatid niya na siguru sani niya nakikita naniya, then okay nasiya sanay na siyang may baby. Nasa tiyan palang si baby ni ready nanamin ang mind niya na kuya nasiya, na dapat mahal niya si baby, yun ang pinagawa samin nung bunis pa ako kasi nga po si yung panganay ko is ayaw namin makaramdam siya ng na out of place na siya o nabawasan yung love namin sakanya, isa papo the more niyo siya pinapalo ginaganti niya yon sa kapatid niya. Advice lang po un. Huwag niyo din sabihin saknya na di niyo na siya mahal or anong salita na makaka hurt po sakanya. I always make time with him lalo pag bath time. Na usual na ako ang nahliligo sakna.

Đọc thêm
Super Mom

Hello mommy, i feel you.. bagong panganak lang din ako, 8days pa newborn ko.. and then ung 4year old ko grabe ung struggle ko sa 1st nyt. Nsanay kasi xa na kinakanthan before going to sleep, and then ngpadede pa ako ky baby sabi ko mya nlng ha after dede ni baby hayun ngtantrums.. wag daw padedein c baby, hirap nyang paintinidihin. Hayun iniyakan ko tlga xa sa 1st nyt nkuncnxa ngsori xa and then hinawakan nya ako... hayun, ang ginawa namin dun cla sa sala natutulog with his daddy.. bale, cla muna ung ngbobonding ngayon at least maisip nya na kahit my baby na di xa na oout of place.. ako nmn pg tapos na ako alaga ky baby xa nmn ung binibigyan ko ng attention. Hindi po mgnda na always pinapalo ung panganay mo mommy, kasi po ngsseek yan ng attention feeling nila my kaagaw na cla. Dpat always mo xa kausapin and isama mo xa sa mga activities mo halimbwa paliguan c baby isama mo rin xa. Or ipakis mo xa ky baby pg mg sleep na.. hayun sis, ngayon mejo natanggap na nya c baby.. intindihin nyo nlng po 2year old nyo.kwawa din kasi kung panay palo..

Đọc thêm
Thành viên VIP

Momsh.. dama ko si baby girl. Pinagdaanan ko kase yan. Sa halip na palo, mas ipakita at iparamdam nyo sa kanya na love nyo sya. Kaya sya ganyan kase feeling nya di na sya yung baby. Na may kahati na sya sa inyo ng hubby mo. The more na papaluin at masasaktan sya lalo yan magmamaldita. Ang mga bata magaling magtanda yang mga yan. Sabihin at iparamdam nyo sa kanya na mahal nyo sya kahit may baby brother na sya. Pagnasecure na nya yung love nyo sa kanya... sya na mismo yung magpapakita ng love at care sa baby brother nya pagready na sya.

Đọc thêm

Na iready nio po ba siya bago dumating si baby? Normal po kc sa nasundan yan. Dapat po unti untiin niyo siya ngayon na ate na siya at ilapit niyo si baby sa kanya para mapalagay loob niya sa kapatid niya. Wag din pong lahat ng focus na kay baby. Ngayon po need na magfocus kayo sa emotional development ng toddler niyo. Wag niyo hayaan na magpapapansin pa siya bago niyo pansinin. Sanayin niyo siya sa presence ng baby niyang kapatid.

Đọc thêm
5y trước

Yung dapat lagi siyang sinasabihan na "magiging ate ka na, tutulong ka sa pag-aalaga kay baby". Parang ganun dapat momsh. Diba? Lagi dapat silang nireready.

Feeling ko lang naging center of attraction niyo mag asawa ang bunso niyo kaya nag si-seek ng attention ang panganay niyo. Lahat naman po ng bata dumadaan sa stage ng pagiging makulit at papansin. Meron namang ibang toddlers na nasa kanila na nga lahat ng attention pero makulit at papansin pa din. Naging bata din naman kayo noon kaya alam niyo ang pakiramdam ng pinapalo at pinapaiyak ng sariling magulang.

Đọc thêm

Mag usap kauo mag asawa how to handle toddle, mayoon at mayroon po kayo makikita sa youtube/google sa pagpapalaki ng dalawang bata , isipin niyo po si toddler kawawa pag pinapalo niyo, kaya gumaganti kay baby. nabasa kolang yun sa isang article kapag ganyan ang bata ibig sabihin nakakaramdam siya ng selos at pag iisa niya. Sana huwag niyo siyang saktan kasi nagagawa niya sa baby.

Đọc thêm

Try nyo po na ilapit sa kanya unti unti kapatid nya tulungan nyo po sya na lambingin kapatid nya try nyo din na ipayakap sakanya .kasi yung 2nd child ko nasundan higit 1 yr old pa lang sya nung nakita nya nag dedede baby sakin hinila nya pisngi. Kya pinayakap ko saknya c baby tapos pag nagdede tinuturuan ko sya mag tapik ng dahan dahan. Yun away ng Dyos di na nya inaway

Đọc thêm

Kaya mas better na tanungin muna ang toddler kung ok lang sa kanya magkaroon ng kapatid . sken kase unang plano namen ni LIP na sundan sya ayaw nya pa gusto nya kase sya palang baby . tapos pagpasok ng 2020 . nung tanungin namen ok na sa kanya kaya eto di na sya makuLit im 17 weeks preggy lagi nya den kininiss . much better kausapin mo sya para di sya mag selos

Đọc thêm

Try niyo po muna wag paluin sis. Nasa stage cguro siya na parang nag seselos kaya nagka ganyan siya.. Kung may nagawa ulit siyang pasaway moment. Try to hug her and mahinahon sabihin ba bad yun or try na sabihan ng mahinahon. Baka kasi kung di makuha sa santong paspasan ,baka sa santong dasalan. Try to understand nlng po yung side sa bata.... 😊

Đọc thêm
Thành viên VIP

Nagseselos po siguro kay baby mommy. Nagkaroon na sya ng kahati kaya wala na sa kanya yung buong attention nyo and baka po kase yung mga ginagawa nyo before di nyo na nagagawa. Ipakita nyo lang po na love nyo sya and pantay lang sila ni baby and bigyan nyo po sya ng time like makipaglaro paren kayo sa kanya gaya nung mga dati nyong ginagawa :)

Đọc thêm