About kay baby.
Hi mga mamsh. Ano po bang feeling pag gumagalaw si baby? Para kasing di ko pa narramdaman ? 5 mos. and 1 week preggy here po. First time mom.
Sobrang masaya pag nararamdaman na po yung movements ni Baby. Minsan sa loob niyo lang maramdaman, parang may hangin lang sa tiyan pero si Baby na po yun. 4 months ko naramdaman si Baby. Ngayon malikot na. Mga 9-11 am nararamdaman ko po siya tapos sa hapon. Di rin madalas nagpapatulog. Kapag naramdaman ko po kahit maliit lang na movement kinakausap ko na kaagad. Tapos mas lumilikot siya. Maramdaman niyo rin po yan. Masyadong behave lang siguro si Baby niyo 😀
Đọc thêmYung surprise baby namin mamsh..6 months ko na naramdaman.. breastfeeding Kasi ako nun.. Kaya d ko din Alam..Wala ding movements 😅 nung may naramdaman akong malakas na galaw.. Alam ko talaga baby Yun😂 tapos nag pa ultrasound ako.. akala ko nga 4 months ..6 na pala😅😍 that's my bunso.. turning 2 this Sept..
Đọc thêmNakakakilig po pakiramdam pag nararamdaman ko kahit pitik palang ni baby. 15weeks & 3days preggy here. Excited na din ako maramdaman galaw nya pero for now sabi nga po very light palang ang paggalaw pitik pitik palang. Pray lang po tayo lagi mararamdaman din natin movement ni baby :)
Nag start na naramdaman ko nung nitong ika 18 weeks ko na, gentle lang sya pero malikot. Minsan may araw na di ko nararamdaman, tapos magpaparamdam din naman. Sabi kasi ng OB ko baka minsan dun sa sumisipa sa inunanan nya kaya di nararamdaman.
ok lng yan mommy basta pag check up mo healthy naman sb ni ob... bka anterior ang location ng placenta mo?... pag anterior kc since nsa harap sya bandang tyan pag mahihinang movements plng hnd pa gano ramdam^^ nakita q lng sa google^^
Una kong baby ganyan tapos naramdamn ko mga 8 months na pero ung ngaun ko im pregnant 3 months palang ramdam kuna po, basta alaga ka sa check up then sbihin mo din po sa ob mo na hindi mo nararamdmn kick ng baby mo
After mo kumain sis try mo pindut pindutin tyan mo tapos hanapin mo heartbeat nya sa tyan mo pag naramdaman mo okie na un atleast naramdaman mo heartbeat nya or try ko humiga patagilid dun kasi sila minsan mas magalaw
Masaya parang may pumipitik sa tyan mo ako kc sa pus.on ko sia na fefeel tas hinihintay ko na pumitik sia tinitingnan ko tyan ko gumagalaw hehehe ang kulit pla ni baby kahit sa loob pa lng sia 😂😂😂
ako rin po firstime mom. 😊 20weeks pregnant.. kapag gutom po ako or kumakain na, may nararamdaman akong gumagalaw na parang sumisipa ansaya lang po 😊 lalo na po kapag tuwing umaga galaw po ng galaw..
Natatandaan ko nung 1st pregnancy ko 5yrs ago hanggang manganak ako hndi magalaw c baby sa tyan ko pero healthy nmn sya .. basta sa monthly check up nririnig ang heartbeat ok po yun ..