Pagligo ng CS Mom
Mga mamsh ano ba dapat gawin? 😣 ano ba dapat sundin? DOKTOR o PANINIWALA NG MGA MATATANDA? Nanganak ako nung April 8 thru CS. Inadvice naman saken ng ob ko na pwede na ko maligo nung paglabas ko ng hospital basta wag lang basain yung sugat. Ngayon dahil nasa probinsya ako, alam naman naten ang mga matatanda, maraming kuro kuro. BAWAL PA HANGGAT DINUDUGO/WALA PANG 1 BUWAN, PUNAS LANG MUNA NG MALIGAMGAM NA TUBIG. Sa totoo lang ilang beses na ko sumuway, sa init ba naman ng panahon jusko po saka hindi ko matiis. Kaso simula nung naisugod ulit ako sa hospital ilang araw lang din nung makalabas (say ng dr Highblood ako, say ng matatanda binat), bantay sarado na ko. Kating kati na ko maligo jusmiyo 🤧😭 puro punas lang ginagawa ko (atleast walang libag diba? 😂) ano ba dapat gawin?
Tiis tiis muna momsh. Cs din po ako at hindi po agad ako naligo dahil sa mga kasabihan at tau naman din po ang inaalala ng mga mahal natin na nasa paligid natin. Kaya wag po sana sasama ang loob natin if pinagbabawalan muna taung maligo or if anu po muna bawal natin gawin or kainin. Ako po nun after 10 days pa ko bago naligo kasi hinihilot po ako nun, ang pinangpaligo sakin nun pinakuluan na bayabas at pinaupo pa po ako ng ilang minuto para mainitan ung pwerta ko. After po nun hindi po agad ako araw araw naliligo po, nagbilang po ako ng araw bago ulit ako naligo, like ng after 10 days po naligo na po ako, then kinabukasan punas po muna ulit then nagbilang po ulit ako ng 9 days tapos ligo na po ulit then bilang naman po ulit ng 8days bago ulit maligo then 7days, 6 days and so on. Gang sa naging 1 day nalang at un, araw araw na po ako naligo. Pero nasa sau pa din po un momsh if susundin nyo po ung paniniwala, kasi mas mahirap po magkasakit ngaun lalo na po bagong panganak ka po. Godbless po!
Đọc thêmfollow ur dr momsh sila ang may experties especially prone kasa infection. mapanormal or cs man okey lang maligo agad pinaliligo din ako ng dr ko noong nanganak and naligo din naman agad ako malamig pa na tubig pinanligo ko para mafreshen up ako sobrang lagkit kasi ng pakiramdam after manganak no hehe. Lalo nowadays sobrang tindi na ng init factor at may covid pa kaya maligo ka para safe din si baby sa virus and bacteria. Stay safe po and get well. 😘
Đọc thêmOk lang naman maligo sis. Hygiene yan eh. Mas prone ka sa infection at sakit pag hinde ka nalilinisan ng maayos. Basta ung sa CS scar mo wag mababasa. Bili ka Tegaderm parang band aid yan na waterproof. Para hinde mabasa pag naliligo ka. Warm water din paligo mo. Wala naman kinalaman ung highblood sa pagligo mo. Nagkataon lang cguro na naospital ka. Mas maniwala ka sa OB syempre. Kasi pinag aralan naman nila yan.
Đọc thêmHello mama..hndi naman ako CS mom pero 2018 inoperahan din ako just like CS talaga due to ectopic.Sa experience ko,sinunod ko ang ob nung sinabi niyang maligo ako.Naliligo talaga ako mommy and ok na ok ako.Tingin ko mas alam ng ob po kung anu mas maganda satin and beside,importante po ang hygiene natin lalo ngaung tag init po.Mas delikado po pag hndi naliligo mas lalapitin po tayo ng germs and affected din ang mood natin.
Đọc thêmSabi ng nanay ko sakin 1 week daw before maligo after manganak. Tapos pinaliguan pa nya ko ng tubig na may dahon2x 😂 E kaya lang summer nung nanganak ako, sobrang init, tapos ang lagkit ng pakiramdam kaya tumakas lang ako ng ligo di ko kaya 1 week na walang ligo 1 month pa kaya😱 Ayun ingatan mo lang wag mabasa yung sugat mo para gumaling agad.
Đọc thêmNa CS din ako last January Sabi Ng OB ko pwede naman maligo pero 15 days muna Bago ako naligo na totally basa na katawan ko. Punas2 Lang ako. Dapat po maligamgam na water gamitin pag naligo .Hanggang Ngayon nga maligamgam na tubig pa din ginagamit ko sa pag ligo.
maniwala ka sa doctor. ako afte discharge naligo na sa bahay basta di lang mabasa sugat. pre eclampsia naman ako so monitor pa din blood pressure. kain ka lang saging oatmeal kamote mga nakakababa ng dugo. iwas sa kanin.
C's din ako sis Jusko 1 week ako walang ligo nung una amoy ewan na ko at di k nag kkpag isip ng Tama sa init ng pakiramdam.. Maligo ka sis para maaliwas sa pakiramdam at pag iisip ali's kana Jan char hahaha
CS mom ako, pagkauwi ko naligo na ako kaso yong may dahon dahon hahaha pero yong sunod na ligo ko yong normal na ligo naman nahihirapan lang ako maligo kasi masakit ang tahi tapos nakaupo maligo hahaha
momsh, yung sakin nung bumalik ako sa hospital para ipatanggal yung tahi, napagalitan ako bat di daw ako naligo, mas prone sa infection kung di daw maligo, tapos mas gagaling ang sugat pag naliligo..