Ano'ng hardest BUNTEST na pinagdaanan mo?
Maraming challenges sa pagiging buntis. Mula sa morning sickness hanggang sa labor. So far, ano'ng pinaka challenging na pinagdaanan mo?


hardest... noong september 2021 saktong kaka 5 months akong buntis at ikakasal kame ng asawa ko sa simbahan ng sept. 12 eh bigla sumama pakiramdam ko nung sept 1 then lahat ng signs and symptoms ng covid naglabasan eh wala pa ako vaccine dahil iniintay ko nga ang 5months to have covid vaccine... dahil dun lahat ng preparation at ang kasal hindi natuloy...from mild to moderate covid ako at lahat ng facility ay full capacity that time tapos hindi ako inintindi ng OB ko ang sabi lang ay sabihin lang sa LGU kaya nagdecide na kame mag home confinement...nag remdesivir ako nun at alalang alala ako nun sa pedeng effect ng covid at ng mga gamot kay baby...then mga 4 days pa lang after mag remdesivir ang parents ko naman nagka covid, ako lang ang pede mag alaga kahit buntis... sobra hirap, pagod at stress... pero thanks God gumaling kame lahat, ayos si baby at malakas... mag 2months na si baby sa march 10 🙂Talagang pag may pagsubok keep your faith burning and pray!
Đọc thêm