So far...

Ano'ng pinaka masakit na naranasan mo habang buntis?

So far...
531 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

nung nalaman nila mag preeclampsia daw ako. tapos ginawa lahat para bumaba napaka daming tinurok sken. lalo na ung sa pwet. grabe ang taba ng karayum at ang daming laman ng syringe inubos tag isa sa pwet ko. grabe. 🙄 tapos naka ilang turol sa kamay ko para sa dextrose sken. 2 hospital napuntahan kase ending CS paden. 🤧 nasa lunod na ata katawan ko sa gamot. at turok non. gutom pa at may hiwa sa tyan. 😅 need pa ipush na magoabreastfeed kase di napayag ang hospital di ibreastfeed advocacy ata nila?😅 plussss 2 weeks walang ligo. fornthe first time nakadandruff ako gamot ata daw un sa anit ko lumabas. may gahd. pagkilos, puyat at tahi. all in one. 😅🤗 worth it safe naman bby nmen. na 3 cord coil pa sya tapos preeclampsia ako kaya CS ako. recovery paden till now. 😅 Body changes issss 🤯

Đọc thêm

Nung 6 months preggy ako kay LO, bigla na lang nawalan ng lakas ang mga binti ko. Hindi ako makatayo on my own for 3 days, ininform ko OB ko and sabi nya punta daw ako sa hospital para macheck baka daw bumagsak potassium level ko. Pero hindi ako nakapunta kase bukod sa hindi nga ako makatayo & makalakad, walang ibang pwedeng umalalay saken kundi si hubby lang (hindi nya ako kayang buhatin ng sya lang). But thanks God talaga on the 4th day nakakatayo & nakakalakad na ako ng nakahawak sa dingding or upuan. Hanggang sa sinanay ko na sarili ko na walang kinakapitan. Ayoko na ulit mangyari saken yun, sobrang takot ko kase bigla na lang ako napaupo, baka mapano si baby sa tiyan ko. Kaya after nun pag nararamdaman ko na parang ngalay na paa ko, uupo na ako.

Đọc thêm
4y trước

Nagpacheck up po ako pero yubg monthly check up with OB na po kaya hindi ko na alam yung reason. Pero malaki po hinala namen na baka dahil dun sa compression socks na pinagamit saken kase medyo maliit yung nabili namen na size and wala kami mahanap na mas malaking size (lagi po kase masakit binti ko and naninigas before nangyari yun). So para sa lahat ng mommies, if ever na makaranas po kayo nung katulad ng nangyari saken, much better pa rin magpacheck up kayo lalo na kung meron naman makakapagdala sainyo sa ospital. Delikado kase pag bumagsak ang potassium level.

Pinakamasakit during pregnancy? Iyong hirap makatulog dahil sa pangangati nang katawan, simula paa , private parts, legs, kili², tyan, at Kamay. At dahil don stress din ako sa trabaho. Mahirap mag work pag ikaw ay buntis though my mga karamay at kaibigan ka naman sa trabho but still mahirap po lalo na kung ikaw ay maselan sa pabubuntis. Walang makain kasi nasuka lahat. Dagdag pa asawa ko kada 2 weeks lang ang uwi, kasi stay-in sya trabho sa Batangas. Ako nasa Cavite. So yon. Kailangan lang natin tatagan sarili natin kasi magiging nanay na tayo. 😊 im sure paglabas ni baby, your pain, sadness will be worth it. Lalo na may mini ikaw na lumabas from you apaka cute pa! kaya momshies FIGHTING always!

Đọc thêm

miscarriage with my first baby. May mga signs pero walang sintomas. I mean, 6am in the morning, nanaginip ako at nagising na lang ako sa sarili ko kasi umiiri ako. mga 3x times na mahahabang pag iri. tapos nagpt ulit ako non kasi that day na sana namin sasabihin sa parents ko na preggy ako. Kaso pagkapt ko, sabog yung kulay. Hindi sya nag form ng any lines. basta sabog ang kulay. Nung lumabas kami to buy cake, nag cr ako sa isang establishment, and ayun na, napansin ko na lang, may dugo na. 😭 pero now, preggy na ulit ako. 18wks. ❤️ alam kong ginagabayan kami ng little angel namin.

Đọc thêm

Sa first baby namin, may time na sinisipa nya ko sa diaphragm 🙃 Hirap na talaga ko huminga tapos pagsipa nya nang malakas, halos mapaupo na ko sa sakit. Naisip ko na lang, ok na rin para alam kong malakas at active sya, at cephalic presentation na sya 😆 Ngayon sa pangalawa, mahilig naman syang magsiksik sa bandang singit, and minsan yung kamay (?) nya ginagalaw galaw nya dun, so medyo weird ang pakiramdam 😆 Hindi sya kasing likot ng panganay, pero very active sya kapag may maririnig syang music or nag-uusap. Sabi ni OB, chismosa daw hahahahaah 😂

Đọc thêm

Hindi naman sa pinaka masakit, siguro pinaka nahirapan.. 2 weeks akong sumusuka, nahihilo, heart burn at acid reflux kakasuka.. Hindi ako makakain during that time and twice ako nagpunta sa hospital kasi gusto ko na magpa-admit dahil nga sobrang hinang hina na ko.. From 62kg naging 54kg na lang ako dahil sa pagsusuka ko.. Ang sabi naman ng ob normal lang naman daw yun dahil nga buntis ako.. First time ko magbuntis kaya hindi ako makapaniwala na ganun pala talaga.. Pero sobrang happy ko pa rin dahil meron akong baby ❤️

Đọc thêm

para sakin ay yung maramdaman ko na mag isa lang ako, walang umaalalay sakin, walang nagbibigay ng gusto kong kainin, yung tipong nagccrave ako tas wala akong magawa kundi maiyak nalang sa lungkot. may mga oras din na kahit gutom ako hindi ako makakain dahil wala akong lakas bumangon, wala akong appetite, at sa sobrang lungkot gusto ko nalang humiga magdamag, ibuhos lahat sa iyak hanggang sa makatulog. naisip ko na rin magpakamatay kaso naisip ko may madadamay na sanggol. sobrang hirap magbuntis nang may dalang lungkot at pighati sa araw araw.

Đọc thêm

7 months pregnant right now nasa province ako tas yung lip ko naman nasa manila currently unemployed ako kasi natanggal ako sa work due to pandemic then last week nabalitaan ko nalang na nakadetain sya ngayon sa manila dahil nadamay sa isang kaso sobrang hirap Kasi napagplanuhan na namin lahat sa kanya lang din ako naasa sa mga gastusin as of now lalo na checkups and sa panganganak then sa isang iglap ganun mangyayari hindi ko alam ano mangyayari these coming days pero I know may plano ang Panginoon sobrang hirap 😓

Đọc thêm
3y trước

pray lng sis

Yung Nakakarinig ka ng masama besides you 😶 Ngayon buntis ako iniinda ko Dahil siguro maramdamin talaga kapag buntis 😶 Minsan Nag Sasounds nalang ako Para ma Bago Yung Mood ko .. Kesyo Buhay prinsesa Daw ako 😶 Maselan Kase ako Mag buntis And May previous Miscarriages nako Ayoko na Maulit Kaya more higa lang tlga ako Asper din sa OB ko 😶 Gusto kc byenan Ko gumawa ako ng gawain bahay 😶😶 Hayst! Kahit Gusto Ko wala din ako choice dahil banda huli ako nnman ang kawawa 😶😶

Đọc thêm

Masakit na mawalan ng Isang dakilang AMA,😥. Hanggang ngayon,nalulungkot parin ako kc hnd ako nakauwi samin para masamahan c Tatay sa kanyang huling hantungan 😥😢😢. Sobrang hirap po. Ilang taon na hnd kmi nagkita tapos sa hnd inaasahan , wala na 😢. Hnd ako makamukmok at madalamhati dhil buntis ako, iniiwasan kong maStress. Hnd nya nakita ang apo nyang Una at coming apo😢. Siguro pagdating ng panahon matatanggap ko rin na wala na Ang aking Tatay.❤️

Đọc thêm