Ano'ng hardest BUNTEST na pinagdaanan mo?
Maraming challenges sa pagiging buntis. Mula sa morning sickness hanggang sa labor. So far, ano'ng pinaka challenging na pinagdaanan mo?


Hirap nang walang trabaho or source of income habang buntis. Binibigay nmn ng asawa ko gusto ko pag meron syang pera pero since di kami magkasama sa bahay, di ko alam gnagawa nya pag di kami magkasama. lately nalaman kong puro utang dahil talo sa sabong. Sobrang galit ko kung anu ano nasabi ko. Ngayon wala syang mabigay samin ng panganay ko kahit pangkain. Sobrang nakakasama ng loob sabi ko sakanya pag ako oorder sa shopee or lazada na gamit ng anak ko parang ang bigat sa loob nya ibili. Pag mag bbgay ng pera sasabihin "mag-shoshopee ka na naman!" eh samantalang nakatalo nga sya sa sugal nang 6k. At isa pa, naka-schedule akong i-CS sa june. ni-piso wala pa kaming ipon at di pa alam kung san ako manganganak. Ang dahilan nya matagal pa naman daw yun. Kahit paulit ulit ko snasabi na mabilis lang lumipas ang araw at wag naman sana pero pano kung magka-emergency kami? So ayun ngayon nya na-realize ung pagkakamali nya at narealize ko din pagkakamali ko na sana pala di ako tumigil sa trabaho kung alam ko lang na ganito mangyayari. wala na ngang ipon may utang pa. Kaya sguro minsan nararamdaman kong masakit puson tsaka katawan ko dahil din sa stress kakaisip kung san kukuha pampanganak eh.
Đọc thêm