Is it not okay na magpaconvert into catholic

Mahaba po ito so please bear with me guys. May kapatid ako hes 19years old. Pangatlo sya sameng apat na magkakapatid nabinyagan ako sa katoliko grade 4 ata then ung bunso nmen i think shes 5years old then ung panganay po nmen nabinyagan sya baby palang. Yung kapatid ko pong lalaki hindi natuloy ung binyag nya noon sa katoliko. Ngayon po, may baby ako 2months old pinalano nmen na feb 16 sya pabinyagan ng asawa ko naisip nmen na isabay na itong kapatid kong lalaki. Nagpalista po ako last week kaso ang naipalista lng ay ung baby ko kase need dw muna nya magseminar this coming Sunday which is today (feb 9) pumunta ko last week (feb 7) pagkatapos dw nya maseminar dun pa lng sya pede magapalista para mabinyagan um-ok ako sabe ko sa sister na nakausap ko sige po papupuntahin ko sya. Ngayon po pinapunta ko sya kaninang umaga sabe ko hanapin nya ung sister *** katekista dw po un sabe saken nung sister na naglista sa baby ko kaso pagdating dw po ng kapatid ko sa simbahan busy daw po mga tao nag aasikaso sa binyag at kumpil sabe ko sa kanya wait lang sya then nagtry sya magtanong sabe wait lang daw sya kase busy pa yun po ginawag ng kapatid ko naghintay sya. Uwing uwi na kapatid ko kase alas dos na 10:30 pa sya naghihintay ang sabe ko wag mainip maghintay pdn sya. Tinry nya iapproach ung sis *** ng ilang beses tapos sa pinakahuling subok nya kung ano na sinabi imbis na makatanggao ng tamang sagot puro pangjajudge natanggap ng kapatid ko kesyo may kinikilingan daw nanay ko kaya dipa sya nabibinyagan, na kasalanan daw sa diyos magpabinyag ng dalwang beses (nabinyagan po kapatid ko ng bata pa sya sa ibang religion pero hindi na sya active napakatagal na sa catholic na lng talaga sya sumisimba), bakit daw all of a sudden gusto ng kapatid ko mabinyagan at sabi din nya bigyan sya ng magandang rason kung bakit gusto nya mabinyagan e ung kapatid ko dina makasagot ng ayos kase napapahiya na. Tinanong nya nasan nanay namen sabi ng kapatid ko nsa batangas po tapos biglang sabe gusto ko makausap nanay mo, gusto din nya pumunta kapatid ko kung san sya pinanganak at humingi ng sulat na katunayan na dipa sya nabibinyagan. Gigil ako ng ikwento ng kapatid ko nairecord din nya sinabi ng sister *** na nakausap nya. Tama po ba yung ginawa at sinabi nya? Pls enlighten me kase hindi ako sumasang ayon sa sinasabi nya e. Bakit ganun cla?

8 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Very good nga po kung tutuusin yung kapatid mo mommy since nagtyaga talaga sya sa pagantay. At sariling desisyon nya na ang magpabinyag. Wala na dapat say si sister dun. Choice nung bata yun. Dapat nga ganyan e, yung may isip na tsaka mamili kung san nya gustong sumimba. Bad ang attitude ni Sister, kahit na sabihin nating pagod sya or what. Di dapat ganun lalo na at nasa Simbahan pa naman sya. Nilubayan na ata si Sister ng Holy Spirit kaya ganun. Kidding aside, ok lang po na magpaconvert. At tama ibang mommies. Pag di pa din accommodating e s ibang Simbahan na lang. Or iba ang kausapin.

Đọc thêm
Thành viên VIP

try nyo po sa ibang simbahan. minsan kase may mga ganyan talagang tao kahit pa sa mismong simbahan sila nagtatrabaho. di na po nila need na kwestyunin pa kung bakit ngayon lang tapos ijajudge nila. sa iba nalang po kayo magpabinyag.

Hindi Tama yun sister sya dapat di sya nagja judge ng tao. Lahat tayo gusto mabinyagan. May mga tao naman talaga di nakakapag binyag na maraming pweding dahilan, una walang budget at marami pang iba. Mali yung sister nayun.

Sa totoo naman ang binyag mas best nga nasa tamang kaisipan na siya kasi alam na noya ginagawa niya, its none of there kesyo bakit late na mag pabinyag ang tao 😑

Better mag ask n lng PO kayo sa ibang simbahan.. or better ask mo PO si sister bkit gnun at baka kc my sinusunod sila n protocol para mas malinawan din kayo.

5y trước

Wala ng chance makapagtanong kapatid ko po kanina kase hindi nya hinahayaang makatapos ng sasabihin kapatid ko hays pede nman nya kaseng sabihin na "hindi ko kayo kayang asikasuhin ngayon bumalik na lang kayo sa ibang araw" pero sa sunday try ko kausapin since binyag din nman ng baby ko ipapakausap ko din nanay ko kase sabi nya gusto nya makausap e.

Wag na kayo magpabinyag.. Hindi nman totoo ang relihiyon.. Pera pera lang yang mga yan.. Kumikitang kabuhayan tax free!!

Hay naku. May ganun talaga Sa simbahan. Mas mabuti pa sa ibang simbahan kayo pumunta.

lipat nalang po kayo ibang simbahan.. maattitude yang sister na yan..