Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Mommy of 1 naughty superhero
Pamamantal
Mga mommies sino po same case ko dito na nagkakapantal pantal ng ganyan? Lately po kase lagi ako nagkakaron ng mga pantal pantal mostly sa gabi. Both legs and arms ko meron. Yung ibang pantal nya malalaki tad meron ding maliliit na sama-sama na parang bungang araw pero mas malaki ng konti. Ano po ginagawa nyo para mawala? Ps: I have food allergy po which is sa mga malalansang food like shrimp or bagoong.
May bawal na pagkain sa may mamaso?
May bawal na pagkain sa may mamaso or bawal gawin? Ano po gamot sa mamaso? Hirap na po kase makatulog si baby dahil sa kati. Salamat.
Bakuna
Naturukan po yung baby ko last June 24 ng bakuna both legs po. PCV (Pneumococcal Conjugate Vaccine) and MMR (Measles, Mumps, Rubella) po yung tinurok sa kanya. My baby was 9 months old po. May mga pulang pantal pantal sya na lumabas sa left leg nya and nilalagnat po sya hanggang ngayon at nasasaktan parin sya. Worried po ko sa mga pulang pantal pantal na lumabas. Normal lang po ba yun? Sino po yung may same experience? Yung mga naunang vaccine naman nya wala namang nagpantal. Ps: Di po masyadong kita sa pic yung pula pula pero medyo madami sya palibot sa tinurukan.
Shivering
Mga mommies normal lang po ba yung bigla biglang nagshishiver ang baby pag tulog? Yung baby ko po kase is running for 5 months this month. Mga bandang 4 months po siya nung una kong naencounter yung panginginig nya at nasundan na po siya ng nasundan hanggang sa ngayon. Nangyayari po siya kapag nagpapadede po ko and almost asleep na siya. Nagwoworry po ko kase kanina lang po, anlakas nung panginginig niya at medyo matagal pa po siya. sino po may same experience? is it normal po ba?