Unsupportive family members
Hi! I'm 27 years old. I had a miscarriage last June this year sa 1st baby namin ni partner. Luckily and always thanking God, binalik agad samin I'm currently 10 weeks pregnant. Laging sinasabi saakin na iwasan ko daw magpakastress kasi maselan ako magbuntis pero anong gagawin ko kung yung mismong nagpapastress sakin is yung mom ko na dapat naggguide sakin during my pregnancy. I'm still supporting my parents and older brother hindi ako nagkukulang sakanila na kahit wala na matira saakin. I'm working full time kahit na hirap ako sa pagbubuntis ko and nagsusupport si partner kasi need ko magprovide sa family ko and para mas mabilis maka-ipon for our future family. Today for the first time I asked for help sa parents ko for the expenses sa bahay dahil nagkulang yung pera ko kasi may di inaasahang bayarin pero ang dami na nasabi ng mom ko. Lagi niya din hinahanapan yung partner ko ng mali kahit na puro kabutihan pinapakita sakanila nung tao. Pag babatiin siya ng partner ko hindi niya pinapansin. Nalaman ko din na hindi niya tanggap na magkakababy kami. Lagi siyang galit sakin na wala namang matinong dahilan. Nalulungkot at nasstress ako sa trato niya saakin natatakot ako na magkaroon ng effect kay baby or baka makunan ulit ako dahil sa pinagdadaanan ko. Ano po ba dapat kong gawin?
naalala ko tuloy ung kapatid ko na lalaki mas bata sakin. may sama ng loob kase bumukod nako. ginawang katatawanan ung nalaglag naming baby ni LIP na para bang di nya yun pamangkin. bukod pa dun dami nyang sinasabi na masakit ni hindi nya naman alam na nagaabot ako ng tulong kay mama. bukod pa dun, nung nahospital ako nun dahil nga emergency na pala ung miscarriage ko di ko alam, wala man lang isa sa knila ang pumunta at nagtanong ng kalagayan ko kahit nag 50/50 nako sa hospital. kaya masakit kung makapagsalita sya na para bang mali na nagpamilya nako. ngayon, masaya ako kase bukod nako sa kanila natotoxican nadin ako kase parang sakin na inasa lahat ng magulang ko bago pa ko bumukod. ngayon nga sinabihan ko ang mama ko na maghanda ng pera kase may utang sya sakin na 10k ginamit sa pang hospital ng daddy ko nung nadisgrasya. sabi ko any amount muna kase baka mamaya mashort kami ni LIP sa gastos lalo na next year manganganak nako sa rainbow baby namin. not sure pa kung normal or cs syempre need na ready. alam ko problemado ang mama ko na ibalik kse nga mahina ang kita sa sari sari store ayoko naman sana singilin ndin yun. kaso naiisip ko kase bakit pag ako na ung nagkakasakit or nahohospital wala naman may pake sa kanila, kargo ko parin sarili ko. inoobliga ako ng daddy ko na magprovide sa bahay pero wala naman silang plano na pagaralin ako ng college noon. maski nung naghahanap ako ng trabaho, online interview ko rinig sa likod walang consideration na tatay kase nagmumura pa. nakakahiya sobra sa interviewer. kaya nga wala nakong pake kahit ano pa sabihin nila sakin walang utang na loob or anuman dahil alam naman nila sa sarili nila na lagi ko silang inuna kesa sa sarili ko. neto lang ako nagdesisyon para sakin naman lalo na magkakaanak nadin ako. blessings para sakin si LIP at baby sa sinapupunan. di nila deserve ang ganung environment. kaya malayo kami sa knila.
Đọc thêmMadaling sabihin na pabayaan mo nalang sila, na sarili mo muna iprioritize mo, pero di ka rin naman magiging masaya if may guilt kang nararamdaman. Yan yung mahirap na sinanay naten sila, we endured and tolerated the pain but when the time comes na gusto mong sarili mo muna unahin. Matatakot ka. Normal lang yang feeling na yan. Just one step at a time, makakalaya ka rin. Salute para sa partner mo na mas nangingibabaw yung love nya for you kesa sa takot na makarga nya rin yung burden mo. Yung iba kase tatakas pag ganyan, kase sa sitwasyon naten, kasama sa package yung burden at responsibility naten sa family. But know this, mi. If you know you've done enough, set yourself free from the shackle you've been wearing, wag mo na isipin if enough na ba yun sa kanila kase never magiging enough kahit gaano pa kalaki at karami gawin mo for them. Older brother mo nga tumakas sa responsibility by being a freeloader, the audacity naman para i-call out ka if uunahin mo naman sarili mo(your baby and hubby). Minsan kase yung nashoshoulder nateng burden, tayo mismo nagtotolerate at di mo namamalayan ikaw na rin mismo kumukuha. Madedrain ka mi promise if di mo pa iloosen yung drip mo sa burden na bitbit mo. San ka ba mas natatakot? Masabihan na walang kwenta at utang na loob na kapatid at anak o maging ina na napabayaan yung sariling anak at asawa? Di lang parents at older brother mo may need sayo, know your priorities and put boundaries.
Đọc thêmHello sis, I had the same situation before pero single ako noon na nakabukod. Andun yung older brother ko na minimum worker pero may 2 anak sya na nasa side ng mother. Hiwalay sila ng bahay pero legal na kasal. Both of my parents are senior na pero that time, pa retired na ang tatay ko sa work. Nung andun ako, kalahati ng sahod ko bigay ko at iba pa yung groceries and hiling na mga technology. Wala namang issue sakin pero nung umalis ako at nagsolo, I have to lessen what I give kasi nagrerent and pay bills na ko alone. My mom has pension that time. So nung nagbawas ako ng bigay, nagrereklamo nanay ko to the point na nagkasagutan kame kasi ayoko ng discussion ng pera. To think na andun kuya ko, na libre laht ng nilalamon niya pati pakikisuyo sa nanay ko ng labahin ng uniform nya sa work at plantsa. Ang ginawa ko, shinut down ko muna sa sistema ko yung nanay ko kasi nasstress ako sakanya. Lumala yung PCOS ko that time so gastos nanaman sa ibang medication. After a year, sinuyo naman ako ng nanay ko and nag usap kame na gamot nalang sasagutin ko whether makapag asawa ako or not. Luckily, I got married nung 2020 and wala naman ng issue. Sabe ko, kapag may problema na emergency isangla nya yung gold nya kung di ko kaya makapag provide ng malaking money. Then yung kuya ko, umalis nadin lol.
Đọc thêmSis dalawa lng ba kayo mgkapatid? Hnd ba kaya nung kapatid mo mghanap ng work? Ang ginawa namin nun pinagisip namin sila ng pwede nilang business. Bakery naman ung naisip nila kaya ngbigay kami ng puhunan. May mga parents kasi na ayaw mgasawa ang anak kasi takot sila na mwalan ng financial support. Ikaw naman may asawa na at takot sila ngkaanak ka kasi aagawin ng anak mo ung pera na naitutulong mo skanila. Advise ko sis habang maaga pa kausapin mo na sila na mgisip ng business na hnd naman mabigat ang puhunan para may source sila ng pera. Working kaming mgasawa dito sa province at may 2 years old twins. Nsa 45k ang monthly net income namin pero hirap kami mkapagbigay kasi halos hnd mgkasya sa gastusin namin sa gatas, yaya, kuryente, gas, at pagkain, plus monthly na binabayaran sa lupa na tinirhan namin. Kung hnd cguro namin nabigyan ng puhunan parents namin nun malamang hirap na hirap na sila at pati na din kami ngayun.
Đọc thêmHello sis, thank you sa pagreply. Yes dalawa lang kaming magkapatid. Pero wala kasi ata siya kabalak balak magwork. Pag inoopen ko sa parents ko hanggang salita lang naman sila pero di nila mapagsabihan yung kuya ko. Mas okay pa nga sila makisama sa kapatid ko na di nakakapagprovide kesa saakin feeling ko ang unfair. May business sila sis na sari sari store na ako din nagbigay ng puhunan. Napag uusapan na nga namin ng partner ko na ibigay na din pati yung business namin na bigasan sakanila para kahit di na ako magbigay from salary ko. Thank you sa advise sis baka ituloy na lang namin yung balak namin na ibigay dn yung business namin sakanila.
alam mo sis ganyan din ako, breadwinner ako sa family namin kasi yung dalawang older sister ko may sariling pamilya na, then yung father ko namatay pa last year kaya ako nalang inaasahan samin para magtaguyod dahil may dalawang younger siblings pa na naiwan then both nag aaral. Then nabuntis ako ng boyfriend ko, aminado ako na di pako handa sa pagkakaron ng family kasi mas inisip ko sila mama at kapatid ko na naiwan, like pano na sila, pano pang gastos nila, ano nalang sasabihin ni mama. Sobrang hirap nakakapressure. I talk my mom- heart to heart talk, luckily naintindihan ako ni mama. Inaccept nya na di habang buhay matutulungan ko sila. Now live in kami ng partner ko, nagbukod kami para mas matutunan pa yung mga bagay bagay. Hindi na maibibigay yung needs nila mama pero tumutulong parin ako kahit konti. Nagbibigay parin ako kapag may sobra sakin. And sa tingin ko, di ako nagkulang bilang anak sa kanila.
Đọc thêmSame tayo situation sis kaso ang sakin yung partner ko ang nag tratrabaho at pamilya nya sinusuportahan nya. Ayoko man sana mag isip ng kung ano ano kaso kung ano ano pumapasok sa isip ko. bali kasi namatay papa nila last year ang ending sa partner ko nakasalalay lahat . dahil sya ang panganay. may kapatid sya 20 na siguro yun hindi ko close kasi imbis na tulungan nya kapatid nya sa gastusin sa bahay ginagawa tambay don lotteng dito. mas masakit don pera ng partner ko ginagastos. bayad kuryente tubig at pati mga pinag kaka utangan nila sa partner ko nakasalalay kaya sa sahod nya halos napupunta lahat don sa pamilya nya. hanggang ngayon nga wala padin kami ipon ni hindi kopa nahuhulugan sss at philhealth ko. Ayoko naman mag demand na dapat sakin lahat dahil may sarili na kami pamilya. naaawa ako sa partner ko, naiinis ako sa kapatid nya.. kaya mas pinili ko muna sa side ng magulang ko ako mag stay.
Đọc thêmAng hirap nyan sis. Sana mapag-usapan nyo yan ng partner mo. If you both decided na magkaroon ng pamilya, kayo na ang priority niya dapat hindi na ang parents/family nya.
Una bumukod kayo, Pag bukod mo sabihin mo sa mama mo na hnd ka na makakapag bigay or fixed amount na lang. Pano sila matutuo kung hinahayaan mong abusuhin ka? You deserve what you tolerate sis. Nakuna ka na dhil sa stress, Tpos hnd ka pa nadala? Ayan na naman family mo ginagatasan ka na. Kuya mo batugan hayss anong klase yan? Hnd ba anh unfair sa LIP mo? binigay nyo a lahat sa family mo pero minamata pdin nila? ewan ko sayo if kelan ka magising sa katotohanan pera na lang nakikita nila sayo? sorry sis ah pero if hnd mo gagawinh priority ang LIP at baby mo baka magsisi ka. Lumayo kayo sa pamilya mo at hayaan sila total sbi mo may negosyo naman sila. wala nman yata sakit.
Đọc thêmleave po the house with ur husband. magbigay ng naayon sa kakayahan ( no explanation needed kapag nag abot ka) tell ur brother baka naman pwede mag work sya because obviously buntis ka at may asawa ka na. if ayaw ni brother choice nya un. Bumokod na kayo. Supportive naman ang husband mo hindi kayo mhhrapan bumukod at maiintdhan nya ang reason bkit gusto nyo ng bumukod. Kapag may nasabi pa din ang family mo tungkol sa pagbukod o sa pagsustento mo, wag mo ng sagutin mag cacause pa ng away if sumagot ka.
Đọc thêmmas ok po siguro kung lumayo na muna kayo sa parents mo kung toxic na rin naman . yan po kaya na nila mga sarili nila . mas importante po kasi ung baby nyo kasi yung baby nyo yan magdedepend sainyo yan di katulad nila na malalaki na . para narin matuto at mapilitang magtrabaho si kuya nyo. kasi kung puro bigay nalang po kayo walang mangyayari niririsk nyo lang po buhay ng anak nyo para sakanila. di naman sa pagiging masama pero mas kailangan ka ng anak mo kesa po sa parents at kuya mo.
Đọc thêmbumukod na po kayo ng partner ninyo. yan ang mali ng ibang mga magulang, ginagawang investment ang mga anak, matapos pag-aralin, pinagtatrabaho para mga anak ang sasagot sa mga gastusin sa bahay. imbes na mapunta sa magiging future family ng anak ang kinikita nito, inaagawan ng mga magulang. kaya nga may oportunidad na mag pension para hindi aasa sa anak ang mga magulang. tapos pag may kaagaw na apo o manugang, ang kakapal ng mukha na ang daming sinasabi o sinusumbat.
Đọc thêm
Preggy Mommy with 1 playful junior