Unsupportive family members

Hi! I'm 27 years old. I had a miscarriage last June this year sa 1st baby namin ni partner. Luckily and always thanking God, binalik agad samin I'm currently 10 weeks pregnant. Laging sinasabi saakin na iwasan ko daw magpakastress kasi maselan ako magbuntis pero anong gagawin ko kung yung mismong nagpapastress sakin is yung mom ko na dapat naggguide sakin during my pregnancy. I'm still supporting my parents and older brother hindi ako nagkukulang sakanila na kahit wala na matira saakin. I'm working full time kahit na hirap ako sa pagbubuntis ko and nagsusupport si partner kasi need ko magprovide sa family ko and para mas mabilis maka-ipon for our future family. Today for the first time I asked for help sa parents ko for the expenses sa bahay dahil nagkulang yung pera ko kasi may di inaasahang bayarin pero ang dami na nasabi ng mom ko. Lagi niya din hinahanapan yung partner ko ng mali kahit na puro kabutihan pinapakita sakanila nung tao. Pag babatiin siya ng partner ko hindi niya pinapansin. Nalaman ko din na hindi niya tanggap na magkakababy kami. Lagi siyang galit sakin na wala namang matinong dahilan. Nalulungkot at nasstress ako sa trato niya saakin natatakot ako na magkaroon ng effect kay baby or baka makunan ulit ako dahil sa pinagdadaanan ko. Ano po ba dapat kong gawin?

25 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hi mamshie! tibayan mo po ang loob mo. mahirap din po ang pinagdadaanan nyo. since nakunan ka na po ay better iwas na po muna sa nakakapagpastress sa atin. itong pangalawang blessing po na binigay ng Diyos sa inyo ay better po na pagtuunan nyo po ng pansin. May sarili na po kayong family mamshie at nag sstart na po itong mag grow, hindi po iyan selfishness na maituturing. May responsibility ka na po sa iyong nag ggrow na family kay hubby at sa magiging supling nyo po.

Đọc thêm
Influencer của TAP

Hindi na ang family mo and priority mo mhie kundi yang family na u're trying to build. Toxic talaga family culture dito sa Pinas. For me lang ha. Hindi mo naman talaga responsibility ang parents mo. They should be grateful na at your age and at your state, you are still helping them. Try to set boundaries mhie. If they can't see and understand where you're coming from then it's no longer your burden. It's either you choose your pregnancy or them.

Đọc thêm

leave, for your peace of mind. you're lucky po since you have a supportive partner. you need to prioritize na yung family na binubuo niyo, you can still give some financial help to your parents para less guilt sguro, pero hanggang dun n lng. set some boundaries for your own good din naman po.

Minsan kailangan mong isipin ang sarili mo. Hindi masamang tumulong pero wag sobra-sobra. Tulungan o hindi mo sila tulungan may masasabi sila. isipin mo nalang baby mo. Magpakalayo muna kayo. yan yung mahirap pag di nalabukod. Ubligado ka na magbigay. mahirap bumukod, pero mas mahirap makisama.

mi nakakainis nga naman yung ganyang mama pwede mosya prangkahin mi baka kasi dinya alam yung ginagawa nya at akala nya ata ok lang yong ganyan sakanya kasi mashado kadin naman naging mabait sakanila kaya kala nya ayos lang sayo lahat try mo syang kausapin mi malay natin may magbago

it is best na maglipat ka na ng bahay. to avoid stress and para maging healthy si baby mo. bumukod kana po kung nastrestress kana sa bahay niyo. May baby kana na paparating dapat sya muna priority mo as of now hanggang sa lumabas ka. at ipagpray mo nalang muna ang family mo.

Hello sis, unang una kung mag kakasariling pamilya ka na, unahin mo na yung iyo, bumukod kayo ng partner mo at sabihin mo sa parents mo na uunahin mo yung pamilya mo kesa sakanila, dahil sarili mo na iyon. Kausapin mo lang sila ng seryoso at masinsinan.

Might as well bumukod kayo ng partner mo...enough na yung binigyan mo sila ng bizniz para may pagkukunan cla ng pang gastos...also d mo responsibility kuya mo na gastusan...mag tira para sa sarili mo at sa upcoming family mo.

cut ties for the meantime, sabi mo nga na you had a miscarriage before, too much stress are one of the reason of miscarriage so don't let it happen ulit. Protect your baby and your peace of mind as well.

Sis alis na kayo ng partner mo. Kasi magkakapamilya na kayo. Isa pa sis di mo obligasyon ang mom mo. Mas makakabuti na bumukod na kayo para di ka mastress