Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
dylan’s super mom
Nakakadelay po ba ng mens pag nagmiss ng pills?
3x akong nakamiss ng pills this month, kaya instead of 21 days naging 25 days ata pag take ko. Tas may natira pa palang 1 pill, di ko napansin. 3 days delay na to, and now lang ako nadelay. Nag pt na rin po ako puro negative.
Enfamil a+ nurapro cs biome
Sino po may idea ano difference ng enfamil a+ nurapro cs biome sa normal na enfamil a+ 0-6/6-12months? Minsan kase nahihirapan kameng maghanap ng cs biome na variant, kaya naisip ko magswitch kaya kame sa normal na enfamil a+ nurapro. Mas mahal ng konti cs biome kesa sa normal enfa btw
Rotavaccine at vaccine sa center
Sched po ni baby sa pedia nya ng rotavaccine on March 2, tas vaccine mula sa center po is on March 5. Ask ko lang po if may need bang may days interval or days in between na magrest ung rota at ng vaccine from center? Or wala naman pong problem at pwede halos sabay silang ibigay?
Formula-fed baby, almost 2 days no poop
Normally, they say daily po pooping ng mga formula-fed baby. Mag 2 months na po si baby ko, at pang 2nd day nya po na di mag-poop, 1st time pong di sya mag-poop daily. Kailan po need ma-alarma?
Lungad/suka, 1 month old baby
Ano po ba pinagkaiba ng lungad at suka? Today po kase ilang beses naglabas ng maraming gatas si baby, which is unusual since pinanganak ko sya. If maglungad man sya once a day or minsan wala. Ngayon parang 5x na syang naglabas ng maraming gatas after dede or hr after dede. Pagkalapag ko sa kanya dun sya naglulungad/suka. Kailan po ba need ma-alarma?
Ilan na po oz pag mag 1 month old na si baby?
1-2oz kase nung 1st week nya. Sa january 9 pa follow up namen, di ko alam if ilan madagdag now na tumatanda sya. TIA
Tummy time for newborn
Kailan nyo po inistart itummy time si baby? 3 weeks old na po si baby ko. Di ko sure if pwede na istart or safe nba sa age nya.
Not allowed to breastfeed
Sino po dito GDM nung preggy at pinag-insulin? Binawalan po kase ako magbreastfeed kase nag-insulin daw po ako during pregnancy? Ganun din po ba kayo? Sana diniscuss muna nila to saken bago ako pinag-insulin. Kaya ko naman icontrol glucose ko without insulin. Nakakainis lang na now nanganak nako now ko lang ininform na dahil sa insulin di ko mabreastfeed baby ko. Nakakaiyak.
1st bath ni LO sa bahay
Natanggal na po pusod kahapon, ask ko lang if kailan pwede paliguan? 1 week old po sya now.