Bilib ako sa babaeng handa isakripisyo ang lahat, ang buong buhay niya, ang titulo niya, ang career niya, ang pagkatao niya para sa mga anak at sa asawa niya. Hindi nari-realize ng asawa mo yung ginawa mo para sa kanila. Nagtatanong ka kung ano ang gagawin mo? Ikaw ang makakasagot niyan. Handa ka bang makisama sa asawa mo, hanggang kailan mo kaya ang ganyang pagtrato sayo. Ang problema kasi sa ganyan, mababa ang tingin nila sa "housewife", akala nila ganon lang kadali. I suggest, mag-usap kayong maigi ng asawa mo tungkol sa bagay na yan. Ano ba ang plano niya sa inyo? Ano ba ang maisa-suggest niyang setup ninyo? Pakinggan mo. Ngayon sabihin mo yung side mo, at kung sa tingin mo hindi kayo magkakasundo sa mga bagay-bagay. Hindi mo kailangang magtiis. Ang kailangan mo ay kapartner sa buhay, hindi yung pabababain ang tingin mo sa sarili mo. Dapat pareho kayong umangat, sabay kayong nag-ggrow, hindi yung aapakan ka at iinsultuhin ka. Pray mommy, hingi ka ng guidance ni Lord, wag kang matakot magdesisyon para sa sarili mo, at sa anak mo (lalo kung girl anak mo)
Read more