Aware ka na attracted ka dun sa lalaki.
Aware ka na attracted sayo yung lalaki.
Masaya ka sa pamilya mo ngayon, diba?
Alam mo ang sagot sa tanong mo.
Tempting yes. Masarap mabigyan ng attention.
Nakakahaba ng hair, lakas makaganda.
Pero, willing ka bang i-risk lahat para sa lalaki na yun?
Nasa tamang edad at pag-iisip ka na para malamang Mali kung papatol ka. Nasa sayo yan kung ano ang pipiliin mo.
Sabi mo, ano ang rason kung bakit nangyayari yan?
Wala. Normal lang yan, tao ka e. Lalaki o Babae, maaring dumanas ng ganyan, temptation...
Nagkalat yan, for sure sa mister mo may nagkakainteres din. Talo ka kung mahina ka.
Umiwas ka dun sa lalaki hanggat kaya mo.
Delikadesa lang.
Mahal mo kamo ang asawa mo at anak mo.
Magdasal ka na malampasan mo ito.
Read more