Biyenan
Hi guys share ko lang to ah, alam nyo ba feeling na di ka gusto ng biyenan mo? :(( nakakainggit lang buti pa yung ibang biyenan inaalagaan yung asawa ng anak nila pinaglulutuan ng sabaw pero ako guys sobrang hirap ng pinagdadaanan ko sa puder ng boyfriend ko ang hirap pag nakikitira ka lahat ng ipagawa sayo kelangan sundin mo nagiging sunod sunuran naren ako sa asawa ko . :( di ko na alam gagawin ko guys 7months na tong tyan ko pero di tanggap ng biyenan ko na magkakaapo na sya tapos nung sunday may mga damet na ng baby pinakita ko sa bf ko parang di sya naeexcite :'( ako lang naeexcite na makita si baby kahit bf ko di ako inaasikaso kahit pagtimplahan ako ng gatas di magawa hirap nako guys dito sa bahay ginagawa nila akong alila tagaluto,tagalaba,tagalinis kahit kalat ng biyenan ko nililinis ko tas aasikasuhin ko pa yung bf ko halos wala nakong pahinga :( araw araw sumasakit tyan ko di ko na alam gagawin ko :((
I feel you Dalawa kaming Buntis sa bahay anak naman nang byenan ko Yung anak Niya Binibilan nang damit Yung baby Tapos excited sila sa app Niya sabagay anak Naman Kase nang byenan koyon Kaya siguro Ganon siya sa anak Niya . Pero apo din Naman Niya Yung dinadala ko . Parang ka unfair Hinde din sila na eexcite sa Pinag bubuntis ko . . Naiinis din ako Sa twing topic nang byenan ko Yung mga gamit nang Baby nang sister in-law ko . Like alcohol Bulak polbo at Kung ano ano pa samantalang ako Nabanggit ko din Na Wala kako ako mabilan nang alcohol . Pero sila nakahanap nang alcohol Ni Hinde manlang mag Bigay sakin kahit maliit Lang kapag nag kukwento ako sa Asawa ko Parang galit pa Asawa ko bat daw Parang Ang bastos ko oh Parang Hinde ko daw ginagalaw Pamilya niya Samantalang nag sabe Lang ako nang sama nang Loob na bakt kako Ganon apo din Naman kako nila Bat Kahit Isang Alcohol manlang do manlang makapag share . Mabuti pa mga Magulang ko kahit papano Maasahan ko e .
Đọc thêmNaku sis mag isip isip ka. Kase ngayon pa nga lang ginaganyan kana eh wag munang paabutin na dumating sa point na mas malala pa jan abutin mo sa kanila lalo na magkakababy kana. Kausapin mo yung bf mo about sa nararamdaman mo at mga hinaing mo. Kung mahal ka nya dapat nakikita nya mga hirap mo kahit di mo sabihin sa kanya. Nakakalungkot lang kase base sa kwento mo parang hinahayaan lang ng bf mo na ganyanin ka ng magulang nya. Dapat hindi ganun. Dapat inaalagaan ka nya kahit sabihin mo busy sya, dapat naaalala ka pa din nya lalo na buntis ka. Mas mahihirapan ka kase pag nanganak kana kase anjan yung binat tas may baby kapa. Ang sama naman ng biyenan mo 😔 ako yung nalulungkot para sayo. Habang maaga pa solusyunan mo na yan sis. Kase end of the day, sarili mo lang din ang kakampi mo jan. Kausapin mo din magulang mo, sabihin mo kalagayan mo para atleast matulungan ka nila. Bukod sa sarili mo, sila lang ang pwede mong maging kakampi at malalapitan. 😊
Đọc thêmBetter go home to your real family mamsh. Itaguyod mo yang mag-isa and I know kaya mo yan. Isipin mo lang baby mo para makapagisip ka ng maayos. Di mo kailangang magtiis sa ganyang sitwasyon. Kung di nila tanggap lalo ng bf mo umalis ka ikaw lang kakampi ng anak mo. Narealize ko tuloy na ang swerte ko sa asawa ko at sa family nya kahit may nga pagkakataong di pagkakaunawan(which is normal) nakasanayan ko na din kasi. Nung buntis ako hanggang ngayon na kakapanganak ko lang todo asikaso talaga asawa ko pagluluto ako ng pagkain tska pagtitimpla ako ng gatas ko, taga-laba at linis dahil wag daw ako magpagod.Tapos nung nanganak ako namili mama at papa nya ng mga isda na pwede sabawan para magkagatas agad ako which is 2 weeks na puro sabaw lang ulam ko kaya ayun Thanks God sagana sa breastfeed baby ko. Kaya sis lakasan mo loob mo uwi ka sa family mo, and pray mo lang lagi na maging okay kayo ni Baby palagi.
Đọc thêmnako lumayas ka jan. d ka nga dapat nag papakapagod. tagalaba kapa. di ba nabuntis yang byenan mo napaka nmn nya. asawa mo mothers boy dn di ka man lang anuhin. sa sitwasyun mo. dpat sya sandalan mo, uwi ka sa inyo, d ka gaganyanin ng parents relatives mo,.. kawawa ka jan. buntis ka palang ganyan na mas malala yan pag nakapanganak kana lalo kang kawawa p\g lutuan ka kaya sabaw at pagkain para makabawi katawan mo baka mamaya pag lutuan mo pa sarili mo, mapupuyat ka sa pag alaga ng anak tas aasikasuhin mo pa yang baby mong bf. stress kapa sa nanay na ewan... uwi ka sa inyo sis. na iimagine ko mangyayare sayo kasi nangyare yan sa bff ko at umuwi sya sa knila. laki laki na ng tyan nya bomba nya ng tubig laba nya. hirap na hirap sya. ngayon hiniwalayan n nya lalaki kahit 6 yrs old na anak nila
Đọc thêmNakakalungkot yung iba mommy/girlfriend na hindi kasundi family ng husband/boyfriend nila. Masasabi ko pong isa ako sa mga pinalad hahaha. Sobrang bait ng pamilya ng husband ko. May lima syang kapatid na lalaki, and yung mga girlfriends/asawa nung mga kapatid nya eh mga kaclose ko rin. Mas gusto ko pa pamilya ng asawa ko kesa sa magulang ko. Sa bahay ng magulang ng husband ko, buhay prinsesa ako dun haha marami pang magaagawan ng mga gawaing bahay. Sa pagkain walang problema kasi lahat ng mga girlfriends/asawa ng mga kapatid nya, marunong magluto, ako tagasagot ng kwento hahaha. Kaya after ECQ uuwi kami dun. Balak ko na ring bumukod kasi feeling ko unfair sa asawa ko na dito kami nakatira sa magulang ko sa Manila. Sa province kasi yung side nya kaya hassle din talaga.
Đọc thêmBlik kna sa Inyo momsh pag Ganyan mhirap tlga yan khit dko pa nrransan. Kc yung biyenan ko nmn subrng bait wla ako msbi kc sila na mismo nag offer na dun nalng ako Manganak sa knila para maalagaan nila ako pti baby ko pero ayaw ko nahhiya kc ako mas gusto ko tlga na magulang ko na tunay mag intindi sakin ska Yung sa side nng aswa ko Gutso nila na Pag nanganak na ako dun n kmi sa bhay nila para andun dw kmi nng baby ko excited na sila na mkita baby nmin e
Đọc thêmAng sama naman ng mga ugali nila ako nga Yung asawa ko magbuhat lng ako ayaw nya at mapagod ako 6months nakong buntis ... Dapat sayo bedrest puro pahinga lagi kase inaantok mga buntis at mahina katawan always drink vitamins after meal at mag milk2xaday ibili kadapat ng anmum Ng asawa mo or Kung walang budget any brand alagaan ka dapat Nyan! Sya nanga nakabuntis sayo tapos ganyan pa byenan mo karmahin Sana sila pag may nngyare sayo sila dapat managot.....
Đọc thêmthankful aq kay God na bingyan niya ako ng mabbait at supportive na mga biyenan mapa lalaki o mapa babae, close sila skin, at love na love nila ako dahil ramdam ko po un, kung tutuusin ang mga biyenan ko pa po ang ng push saming mag asawa para magpaksal, dahil wla na po akong parents both, para di daw po ako maging dehado pagdating ng araw tumulong po sila sa gastusn ng kasal namin, kaya sobra po akong natutuwa sa ugali at pkikisama nila sakin.
Đọc thêmKinausap mo na ba asawa mo?sinabi mo ba mga nararamdaman mo?iopen mo sa asawa mo.dapat pakinggan ka niya dahil asawa ka niya.kung maayos siyang asawa,kakausapin niya magulang niya.para itigil ang ganung trato sayo.o kaya naman,para wala na talagang gulo,magrenta kayo sa ibang lugar.malayo sa biyenan mo.kasi pag nakikitira kayo,makikisama talaga kayo.ngayon kung may sarili kayong tirahan,hindi na kayo mapapakaelaman.
Đọc thêmSakin hnd kopa nakikita magulang ng bf ko ginagawan nila ko ng kwento panay paninira sakin hnd nmn nila ko kilala. Ni kausap o kita nga wala pa. Panay pag wawalang ya pa sakin jusme . Kaya nasa poder lang ako ng magulang Pero bf ko okay nmn sya malayo sa ugali ng magulang nya. Kung ako po sayo umuwi kana sa inyo kesa ganyan parang hnd pamilya turing sayo dun kana lang sa inyo maasikaso kapa wag ka magtiis jan
Đọc thêm