Ganitong Biyenan

ako lang ba ganitong biyenan. nakikitira lang kami ng BF ko sa mama nya. di nya kasi maiwan dahil kulang sya ng financial. pumayag ako pero ang hirap makisama sa kanila. Gustong gusto kona bumukod ayaw pa ng bf ko keso ganyan. Napapagod na ko makisama. kada galaw laging may matang nakatingin lagi pa sinasabi napapabayaan ko anak ko keso daw nangangayayat e halos wala nako makain maibigay kolang kailangan ng anak ko. bali 1 year and 9months old na ang anak ko. ano ba magandang gawin ayoko ko naman nang sagutin. hays

6 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

problem ko rin to pero in my case dito naman kasi sa puder ng mama ko. gustong gusto ko nang bumukod pero hindi pa kaya kasi si partner ko pa lang ang kumikita sa amin at ako hands on sa baby namin. nag usap kami about sa bukod². eh currently inaayos ng kuya niya yung bahay nila at balak mag room extension at niyayaya kami na don lumipat kung sakaling matapos na. pero ako ang may ayaw. balak ko rin kasi magwork na kapag 1yo na si baby at since dalawa na kaming nag eearn non ng money kaya gusto ko sanang bumukod kami ng amin lang. magboarding house. mas masarap kasi kapag kayo lang ng sarili mong fam talaga. pero eto patagal nang patagal medyo pumapabor na rin sa isip ko na dun muna sa bahay nila. mukhang mapapa less gastos at makakaipon pa pampagawa ng bahay.

Đọc thêm

bakit hindi siya mag adjust not u? BF sabi mo, so it means di pa kayo kasal diba sissy, ayain mo xa na yumira sa inyo, pag ayaw nya, testing mo nga alis kayo ng baby nyo, tingnan natin kung di siya sumunod sa inyong mag ina, basta wag mo sasagutin ang hilaw na byenan mo dahil dun ka nman magiging masama

Đọc thêm

kung wala pang kakayahan asawa mo sya ang mag adjust. ayain mo sya na tumira sa bahay nyo sa magulang mo muna para naman komportable ka at ang baby. kaysa ikaw mag tiyaga

uwi ka s parents mo.. kapagod nga yan pakisamahan.baka pag ako nasagot2 ko na ng O EDI IKAW NA ANG BEST MOM IN THE WORLD EI.. 😅

Influencer của TAP

uwe ka sa parents mo sis best advice ,,, hayaan mo yang bf mo sa mama niya susunod din yan sainyo

Hello po. Best option po is to leave and cleave. You can never have 2 kings in 1 kingdom.