Gusto ko na makipaghiwalay

Gusto ko na talaga makipaghiwalay sa LIP ko. Huhuhu. Meron po kameng 3 month old baby at lahat na lang ng ginagawa ko, may puna sya. Kung hindi puna, nagagalit sya. Tulad sa pag electric fan/aircon sa bata. Gusto ko sana talaga mag aircon kame since day 1 pero sya, ayaw nya. Kaso ngayon, pati pag eelectric fan ayaw na din nya. May time pa na pinagalitan nya ako na bakit ko daw pinagsando ang bata. Ngayon, parang ako pa sinisisi nya kasi nagkasipon si baby. E tingin ko kaya nagkasipon kasi natutuyuan ng pawis sa gabi kasi maski electric fan ayaw nya gawin kay baby. Alangan na di pagpapawisan un. Pati na lang un pagdim light sa gabi, pag sya nagpapatulog, binubuksan nya ilaw. E gusto ko nga ipadistinguish sa anak ko ang umaga sa gabi kasi un yun nababasa ko sa ibang nanay groups at effective naman kahit papaano sa anak ko. Nagagalit sya dun sa lampshade namen. Ngayon naman, injection ng anak namen. Gusto nya kumutan pa e sabi nga dapat makasingaw un init sa katawan nya. Ayaw din nya electric fan-an kasi "nilalamig" daw. Nagalit na talaga ako. Pati pagpupunas sa anak ko, gusto maligamgam e pinupunasan ko sya galing tubig sa gripo kasi nasa 38 na un lagnat nya. E sa pagkakatanda ko, ako nga pinupunasan nun bata ng may yelo pa. Di ko na kaya mga mamshies. Napapagod na ko sa everyday na ganitong setup, everyday na sita. Bahay ko tinitirhan namen, recently namatay aunt ko (walang asawa aunt ko so ako lang talaga inalagaan nya mula nun namatay un sister nya which is mother ko). Iniisip ko pagkawala ng lagnat ng anak ko, uuwi kame sa bahay ng tatay ko sa quezon at dun muna kame hanggang sa bumalik ako sa mat leave. Napapagod na talaga ako. Di nya ko hayaan sa diskarte ko para sa bata. He is making me feel like im a less mother kasi di ko choice un mga choices nya. ??? Di sya marunong makipagcompromise, pumayag na nga ako na wag mag aircon pero pati ba naman electric fan, aayaw sya. Wag syang magtaka kung di mawala wala un sipon ng anak nya. Di ko alam kung worth it pa ba yun pagmamahal ko. Dapat ikakasal sana kame nun october last yr, civil wedding sana kaso di natuloy kasi namatay aunt ko. Iniisip ko tuloy baka blessing in disguise na. Haay. Sa kanya ako magkakapost partum depression, di nya ko kayang pagkatiwalaan sa decision ko para sa anak namen ?

6 Các câu trả lời

Ako momsh, early this month (feb) lagi ako tinataasan ng boses ni LIP kahit mahinahon naman ako mkipagusap. Pag di nya nagustuhan ung suggestion ko, agad sya nagtataas ng boses. Tapos ako mananahimik nlang tas di na kami magpapansinan. Ilang beses lagi ganon tinitiis ko lng, iniintindi ko. Pero nung nakaraan, about sa pagpapa breastfeed ang sinabi ko, kumontra sya kesyo di daw lahat ng breastmilk mganda sa bata kya ayaw nya ko mgpaBF. Dun nako napuno. Nagalit ako chaka sinabi lahat ng hinanakit ko. Iyak ako ng iyak habang nageexplain. Sinumbatan ko na rin para todo na 😂 ayun wala syang kibo nun. After nun, parang naka realize naman sya sa mga mali nya. Ngayon di na kmi madalas magaway 😊 Ewan ko kung kelan ulit. Lols. Pero momsh ganun nga, try mo muna ilabas sknya lahat ng thoughts mo para alam nya. At para malaman mo kung worth it pa magstay o hindi na :)

Try mo momsh, ilabas lahat lahat sknya sa personal. Para mkita nya emotion mo. Gawin mo un pag natriggered ka nya. Para tlga mailabas mo lahat yung gusto mo sabihin..

Alam mo sis, kung ilang beses mo na syang sinabihan at hndi makiusaoan tlga, palayasin mo na yan sa bahay mo. Blessings in disguise tlga pagkamatay ng aunt mo. Buti hndi ka nakasal sa ganyang klaseng lalaki. Tandaan mo, wlang pwdeng magdikta sa kung anong gusto mong makakabuti para sa anak mo. Mahirap magsettle sa ganyang klaseng tao promise. Kubg ayaw mong maging miserable buhay mo, hiwalayan mo yan. Toxic yan sayo. The fact na kapapanganak mo plng, bka magka PPD ka pa nyan. Sobrang sobrang sobrang sama na natutuyuan ng pawis ang baby. Mahirap kapag mama's boy yang lip mo. Nadidiktahan ng mama nya na bawal electric fanan. Jusko papatayin nyan anak mo sa init. Kawawa naman.

VIP Member

Ang alam ko po bawal mag electric fan ang baby kc malulunod cla sa hangin, cguro kun malayo at umiikot nman pwede, much better aircon tlga.. Saka ako nman po pag gabi hindi ko po pinapatay ang ilaw, pra pag umiyak c baby kita mo sya kaagad kun may kumagat ba sknia or kun anuman dahilan ng pag iyak nia.. Lagi nio po sapinan ung likod nia mas maganda tissue na lang ung kitchen towel pra d matuyuan and monitor mo na din po ung likuran nia..

Kun ako papipiliin mas gusto ko aircon mamsh may filter pa sa hangin.. Ikaw po kun sa tingin mo mas mkabubuti na lumayo kayo sa father ng baby mo nsasayo nman po, ikaw ang nanay, mas ikaw ang dapat masunod lalo na ikaw ang nag aalaga kay baby mo

Kung di na talaga kaya ng pag uusap, umuwi ka muna sa father mo sa quezon para hindi ka na sstress araw araw.. Mas makakabuti un sayo at sa bata.. Kaysa mag titiis ka ng ganyan dba?. Mahirap ung asawa mo pa mismo ung laging naka puna syo.. Dapat nga supportahan ka nya sa lahat ng bagay... Ang sakit sakit sa ulo pag ganyan ang kasama mo araw araw.. Nakakapikon...

Kaya nga.. May mga bagay tyong kayang tiisin sa buhay bilang babae/ina kahit nga kapos tayo sa buhay, minsan walang pera pero okay lang kasi masaya ung pamilya naten, naka support ung asawa naten kahit gano kahirap ang buhay kaya naten.. Pero ung ganyan? Tapos araw araw? Mas nakaka stress para saken.. Kaya much better na umuwi ka muna, sabi ko nga sayo dba?. Mas okay maging single mom kesa ganyan ang makakasama mo habang buhay baka maaga ka pang mamatay dahil sa sama ng loob.. Pero in the end of the day, ikaw pa rin mag dedecide kung ano tlga gusto mo manguari sa inyo mag asawa.. Nag bibigay lang kame ng advice sayo para kahit pano maliwanagan ka..

Sabihin mo mamsh na msama sa bata mainitan. Magbasa basa kmo sya. Wla kayo sa bundok na malamig ang panahon. Ung anak ko muntik magka neumonia dati kc electric fan lang gamit at ung likod nya d nahahanginan kaya advise n pedia aircon gamitin pra malamig all over. Anong klaseng tao ba yan? Nako wag ka nga patali jan magsisisi ka.

Wag ka mkinig sa kanya. Nako gigil ako

VIP Member

Kausapin mo sya sis. Sbhin mo skanya yung mga mali nyang nassabi at ipaliwanag mo skanya

Ilang beses na po kame naguusap. Text, chat, pati personal. Wala. Kanina lang un pagtatalo namen regarding sa lagnat ng anak namen. Kung hindi pumasok kapitbahay namen, world war 3 na. Dati nag aanonymous pa ko dito pero ngayon, pagod na pagod na ko sa kanya.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan