Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Mom of two barakos
60% female sa pelvic utz
Mga mamsh, sino dito nakaexperience na di pa 100% sure ang gender sa ultrasound? Kmusta po, ano pong gender nung nailabas c baby? 21 weeks na po ako, and ilang months po kaya maganda umulit ng ultrasound na kitang kita na talaga ang gender? #ultrasound
masakit na buto
Mga mamshie, exclusive breastfeeding po kami ni baby, side lying po kami sa gabi then tuwing gigising ako sa umaga sobrang sakit ng ribs ko saka mga buto sa likod.. bakit po kaya ganito or ano po ba dapat kong gawin.. TIA
lip tie
Hi mga mamsh, ask lang po kung lip tie po ba ito? Masakit po maglatch si lo ??Ano po ang dapat kong gawin? Salamat sa makakapansin..
diaper rash cream
Hi mga mamsh, ask lang po anung gamit nyong rash cream sa baby nyo yung gumagaling po kagad kahit isang apply pa lang.. TIA
Mother's day gift!!
Baby Zacchaeus Messiah ? DOB: May 10, 2020 8:15pm EDD via utz: May 21 Weight: 3000 grams Via NSD cord coil 1x 5 hours labor with my 2nd baby..Praise the Lord kinaya ko sya inormal kahit cord coil.. Kaya pala nakailang bonggang ire na ko hirap mo ilabas pero sobrang worth it ang hirap nang masilayan kang umiiyak na.. Perfect mother's day gift ??
mataas pa po ba?
38 weeks and 3 days.. 2nd day of taking eveprim and buscopan.. may lumalabas na po sakin parang sipon na may konting dugo.. Meron po ba dito nanganak kahit medyo mataas pa ang tyan?
May 21 edd via utz
Ready na ko manganak ? Thank you Lord nakumpleto ko rin mga gamit ni baby..
makapal pa ang kwelyo
Hi mga mamsh.. i'm currently 37 weeks and 4 days.. kakatapos lang ng check up ko kanina sa lying in and ang sabi 1cm na daw po ako, open na ang cervix pero makapal pa daw ang kwelyo kaya niresetahan ako ng eveprim twice a day and buscopan once a day.. ask ko lang po anu experience nyo sa pagtake ng eveprim or buscopan??
asthma or hika
Sino po dito preggy na may asthma or history ng asthma? Pinayagan po ba kayo na sa lying in manganak, or sa ospital talaga dapat? Thanks sa mkakapansin..
Team May
Konti na lang makukumpleto ko na gamit ni baby.. EDD on May 21.. kayo mamsh? Pasilip naman ng mga nabili nyo nang gamit para kay baby ??