Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Mother of one cutie boy ??
Gusto ko na makipaghiwalay
Gusto ko na talaga makipaghiwalay sa LIP ko. Huhuhu. Meron po kameng 3 month old baby at lahat na lang ng ginagawa ko, may puna sya. Kung hindi puna, nagagalit sya. Tulad sa pag electric fan/aircon sa bata. Gusto ko sana talaga mag aircon kame since day 1 pero sya, ayaw nya. Kaso ngayon, pati pag eelectric fan ayaw na din nya. May time pa na pinagalitan nya ako na bakit ko daw pinagsando ang bata. Ngayon, parang ako pa sinisisi nya kasi nagkasipon si baby. E tingin ko kaya nagkasipon kasi natutuyuan ng pawis sa gabi kasi maski electric fan ayaw nya gawin kay baby. Alangan na di pagpapawisan un. Pati na lang un pagdim light sa gabi, pag sya nagpapatulog, binubuksan nya ilaw. E gusto ko nga ipadistinguish sa anak ko ang umaga sa gabi kasi un yun nababasa ko sa ibang nanay groups at effective naman kahit papaano sa anak ko. Nagagalit sya dun sa lampshade namen. Ngayon naman, injection ng anak namen. Gusto nya kumutan pa e sabi nga dapat makasingaw un init sa katawan nya. Ayaw din nya electric fan-an kasi "nilalamig" daw. Nagalit na talaga ako. Pati pagpupunas sa anak ko, gusto maligamgam e pinupunasan ko sya galing tubig sa gripo kasi nasa 38 na un lagnat nya. E sa pagkakatanda ko, ako nga pinupunasan nun bata ng may yelo pa. Di ko na kaya mga mamshies. Napapagod na ko sa everyday na ganitong setup, everyday na sita. Bahay ko tinitirhan namen, recently namatay aunt ko (walang asawa aunt ko so ako lang talaga inalagaan nya mula nun namatay un sister nya which is mother ko). Iniisip ko pagkawala ng lagnat ng anak ko, uuwi kame sa bahay ng tatay ko sa quezon at dun muna kame hanggang sa bumalik ako sa mat leave. Napapagod na talaga ako. Di nya ko hayaan sa diskarte ko para sa bata. He is making me feel like im a less mother kasi di ko choice un mga choices nya. ??? Di sya marunong makipagcompromise, pumayag na nga ako na wag mag aircon pero pati ba naman electric fan, aayaw sya. Wag syang magtaka kung di mawala wala un sipon ng anak nya. Di ko alam kung worth it pa ba yun pagmamahal ko. Dapat ikakasal sana kame nun october last yr, civil wedding sana kaso di natuloy kasi namatay aunt ko. Iniisip ko tuloy baka blessing in disguise na. Haay. Sa kanya ako magkakapost partum depression, di nya ko kayang pagkatiwalaan sa decision ko para sa anak namen ?
❤️
EDD: January 2, 2020 DOB: December 12, 2019 Meet my Baby Vito Rheangelo. Ang dami namen pinagdaan ng baby ko. Andun un matinding morning sickness, pabalik balik na UTI, napabed rest pa ko for a month nun first trim ko. And worst, namatay un lola nya (mother ko) nun 7 months pa lang sya sa tummy ko. Sinabayan pa na namatay din un favorite dog namen sa bahay. ?? Sobrang stress yun nafeel ko, kahit pigilan ko, di ko maiwasan. Tao lang din naman ako. Pero look at where we are right now. Nailabas ko sya via scheduled CS. Footling breech kasi sya, di na sya umikot e nag 1cm na ko. Sabi ng OB ko, di dapat ako labor lalo kameng mahihirapan ni baby. Nun nasa labor room pa ko, nagfluctuate na din heartbeat ni baby, so minadali. Kahit di pa dumating un OB ko, un OB assistant nya un nagstart nun operation. Sobrang hirap sa akin kasi napakababa ng pain tolerance ko. Nanginginig na ko nun nilagyan ako ng anesthesia na sa sobrang groggy ko, sabi ko na lang sa anesthesiologist na ayoko na, nasusuka na ko. Hanggang sa sinedate nya ako, ramdam ko pa paglagay sa akin ng catheter ? Pero nun lumabas na sya at nilagay sa tabi ko, nawala na sa isip ko na lang tinatahi na ko at nun inalis sya para lagay sa nursery room, ang sa isip ko wag nyo ialis si baby sa akin. Sa ngayon, we're doing good. Mahirap kasi puyatan, masakit pa sugat ko. Di ko sya mahawakan ng tama kasi kumikirot sugat ko. Plus di ako marunong magbuhat din kay baby kasi only child ako. Wala kong naalagaan na baby. Pero pag nakikita ko un chubby cheeks nya, naiinlove ako. ? May times na umiiyak pa rin ako sa gabi, siguro eto na un post partum na sinasabi, namimiss ko kasi nanay ko, baka mas madali kung andito sya. Pero iniisip ko na lang na dapat mapalaki ko si baby ng maayos tulad ng pagpapalaki sa akin ng mother ko. Ayun lang po, share ko lang hehehe ?
Cs Mom
Bukas po ang scheduled CS ko, di talaga umikot si baby at pa 1cm na kasi ako e. Di ako pwedeng maglabor baka magtuloy tuloy na sya. Kinakabahan po ako, hope everything will be alright tomorrow. Mahina pa man din pain tolerance ko ?
Fisherprice Co Sleeper
Hi po! I'm selling this kasi di ko akalain na magbibigay un mga highschool friends ko ng playpen. Nagpasurprise baby shower sila kahapon. E kakabili ko lang nun 11.11, di ko pa talaga nagagamit kasi 34 weeks pa lang din ako kaya brand new talaga. Within pasig po, pwede meet ups. Mas mura ko sya bebenta kesa dun sa indicated price sa picture. Please let me know kung gusto nyo bilhin. Thanks!
32 Weeks Pero Breech
32 weeks na po ako pero breech pa rin po sya. Ano po gagawin ko para umikot si baby. Pati tuloy gender nya di nya ipakita. Di ko tuloy makumpleto gamit nya ?
Asking For Prayers
Hi po! I am humbly asking for prayers po para sa mother ko na naconfine ngayon since Wednesday. Di sure kung may internal bleeding sya kasi kaka ct scan pa lang nya. Pero mataas po un bp nya, nag 200/100 na sya at diabetic pa din sya. As of now din po, 26 weeks preggy na ko. Sobrang stress ko po, nakakalimutan kong buntis ako. Natatakot ako na baka kapalit ni baby, yun mama. ?????? Pero i am trying to be as positive as possible. Kung pwede lang bawasan ni Lord un buhay ko, wag lang madamay yun nanay ko at anak ko, okay lang sa akin. Basta malayo lang sila sa mga sakit at kapahamakan. Kaya kakapalan ko na po mga mommies, sana po mainclude nyo po kame sa prayers nyo. Maraming salamat po!
Baby Bed
Plan po namen is to co sleep with baby kasi madami din nagsasabi na mas okay katabi si baby at pag malaki na lang sya saka sya icrib. Okay po ba maginvest sa snuggle bed? Balak ko kasi bumili ng baby cuddle ph e. Worth 6k din pero meron na syang blanket, pillow, snuggle bed, dust bag and nursing pillow. Thanks po sa sasagot. Ftm kasi ?
Diapers for newborn
Hi po, FTM. May sale kasi ang lazada sa 9 ng mga diapers, e sayang din naman. Balak ko sana bumili na kaso di ko alam kung anong brand mahihiyang si baby. So nag add to cart ako ng tag iisang brand, huggies, mamypoko pati pampers. Tama lang po ba gagawin ko o lalo lang magkakarashes si baby sa gagawin ko hehe ? 23 weeks na ko at gusto ko na talaga makapagstart ng paunti unti.