SINGLE MOM @25

Gusto ko lang mag share na kung kaya ko eh kaya niyo rin 😊 Nagttrabaho ako sa BPO since 18, ngayong 25 na ako eh nabuntis ng isang tambay. Yes, medyo tanga ako sa part na yun. I was that stupid na ako mismo ang gumagastos sa lahat na kulang nalang eh maging bakla ako. Minsan nga naiisip ko kung babae ba talaga ako. Kasi ako yung maeffort, maintindihin, tagasuyo and all. Yung ex ko kasi sustentado silang magkakapatid ng papa niya na may kaya sa buhay. All his life naglalaro lang ng computer, tambay, inom, tropa so never siyang nag work. Ang reason niya daw eh masyado siyang depressed para mag work kasi broken family sila. (Edi wow) So, ako I tried to support him. Kapag may pustahan sila andon ako. Kapag may tournament andon ako. Gamer din kasi ako. Pero I told him na hindi pwedeng puro laro. Matanda kana. Ginawan ko siya ng resume, tinulungan ko siya mag apply, binigyan ko pa ng pera para lang mag walk in siya kung saan saan. Gas attendant, staff sa sogo, bagger sa supermarket, call center, as in lahat. Ayaw niya ng fast food crew. (Choosy pa) Actually, break na kami for a few weeks nung nalaman kong buntis pala ako. Nakipag break ako kasi napagod na ko tulungan yung taong ayaw tulungan sarili niya. I don't see myself having a future with him. Sobrang bulag ko sa pagibig pero dumating yung time na narealize kong hinihila niya lang ako pababa. I guess ayun yung panget kasi I was thinking na I can save him. I can fix him. Nung buntis ako, check up pati vitamins ako lahat. First trimester mahina kapit ng baby ko and I was crying everyday kasi di ko kayang mawala talaga sakin to. I mean, unexpected pregnancy siya, yes. Unwanted, nope!! I fell in love with her nung 2 lines palang siya sa PT at mas lalo na nung nakita ko siya sa ultrasound. I came from a broken family so my lifelong dream was not to have one when I grow up. Di ko hahayaang maexp ng anak ko yung naexp ko. So I tried nanaman! I tried to make things work. Pinush ko siya para maghanap ng work, bigay allowance, hindi naging nagger, etc. Nagdusa lang ako mamsh. Until the end, umasa ako na baka pag may baby na magbago siya na parang magic. Pero hindi. First night ko sa hospital, iniwanan ako. Dahilan niya? "Jan naman kapatid mo, uwi muna ako magpapahinga." I'm like, "Tangina? Pano ka ba napapagod e wala ka naman trabaho?" CS ako and tangina shet kahit may tahi tahi ako, kahit naka catheter ako, ako nag aalaga ng baby ko na naka room in sakin. Yung kapatid ko, may pasok sa college so naiiwan talaga ako mag isa. Imagine mo nalang, wala kang tulog, masakit yung tahi mo, binat and all. Kinaya ko yon. I promised to myself na kaya ko to since day 1. Kakayanin ko. Ano ngayon kung broken family? I have my family, friends, at syempre si baby. Lahat ng bagay kaya kong ibigay. Kaya kong trabahuhin kasi inspirasyon ko siya. At para sa tatay ng anak ko, nasa huli ang pagsisisi. Sana madamayan ka ng mga tropa mo ngayon. Sana maidaan mo sa paglalaro lahat ng kalungkutan na nararamdaman mo. 4 mos old na ang anak ko. Dati, araw araw nangangamusta yung tatay ng anak ko sa text. Di ko pinapansin. Lahat ng mutual namin, dinelete ko. Pinablock ko sa mga kaibigan at pamilya ko. Kahit pic di niya makikita. Pag sinisilip ko fb niya, nagpapaka sad boi posts siya. Pero eme niya lang yon. Sobrang thankful ako sa trabaho ko kasi naka wfh ako ngayon, naaalagaan ko si baby at syempre comfortable lifestyle dahil sa income ko. Di ko kailangan mamroblema san kukuha pang gastos. Bukod jan, may online job ako minsan at food business. Nawala man ang isa, napalitan naman ng sobra sobrang blessings. Angel nga talaga tong anak ko, kasi nagawa ko iquit lahat ng bisyo ko nung dalaga pa ko. Yosi, gin, at dota (well, nag dodota parin naman ako konting hrs nalang pag tulog siya) HAHAHA Haba noh parang MMK. Basta, saludo sa lahat ng single parents. Saludo sa lahat ng ina, nanay, mudra ♥️♥️

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Super Mom

I'm so happy to see this kind of post. ♡ What a brave momma you are! Medyo nakakalungkot kasi yung mga stories na pinili nilang maging miserable yung life nila just to be with someone who don't see their worth just to have a complete family. It doesn't have to be complete naman para matawag na family as long as you are happy. I'm a CS mom too and I know yung hirap. Hope na maka inspire ka ng iba pang mga mommies here na same sa mga napagdaanan mo before. Saludo ako sa mga single moms. I'm happy na you are strong enough to walk away to someone that is toxic to you.

Đọc thêm
4y trước

Truly mamsh! Feeling ko mababasa to ng mga soon to be moms na takot maging single parent. Di nila kailangan mag settle kasi kaya naman talaga ng mga babae ang mag solo parent. Mahirap pang talaga pero priceless naman ang reward. Very fulfilling lalo na pag nakikita mong kaya mo pala. Pray lang at hanap support sa family and friends, mairaraos din 😍

You did the right thing mamsh. Sobrang bait mo sa ex mo, kinaya mo lahat at di ka sumuko kaya naman sobra ang blessings ni God sayo 💓

4y trước

Totoo po yan mamsh. Umabot na ko sa pagiging suicidal nung buntis pa ko. Pero im glad naliwanagan ako non. Inisip ko nalang, kung yung baby ko nga mahina yung kapit, naging strong sa pagkapit.. Bakit ko siya susukuan? Ngayon pa ba? Ayun mamsh eto na siya mataba at makulit na HAHAHA